Chapter Nine

107 6 2
                                    

M I X

"Done?"

Napahawak ako sa dibdib ko ng bumungad sa amin si Earth paglabas ng room. Ang kaninang nakayakap sa braso ko na si Mint ay agad na lumipat kay Earth at siya naman ang niyakap nito.

Katatapos lang ng huli naming exam kaya naman panay ang reklamo ni Mint na sobrang hirap ng exam pero siya ang una palaging magpasa ng papel.

Pinagtitinginan tuloy sila ng mga kaklase namin at ng iba pang estudyante pero walang nangahas na magsalita ng kahit na ano.

Pinitik lang ni Earth sa noo si Mint pero hinayaan niya lang at hindi inalis ang pagkakayakap nito sa braso niya. Nilingon niya ako at tipid na ngumiti.

"Tara?" aya niya kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanilang dalawa.

May usapan sila na pagtapos ng exam namin ay manlilibre si Earth, nasama lang ako. Hindi rin naman ako pwedeng magtagal dahil may trabaho pa ako pagtapos.

Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad at nagulat na lang ng hatakin ako ni Mint at yakapin din ang braso ko kaya napaggitnaan namin siya ni Earth.

"Ba't ka ba nasa likod? Body guard ka?" mataray na sambit ni Mint at nagpatuloy sa pagrereklamo niya sa exam namin.

Tahimik lang na nakikinig si Earth habang diretso ang lakad at ako naman ay sumasagot lang kapag may tinatanong siya sa akin.

Naririnig ko pa rin ang pangalan ko sa mga nadaraanan naming mga estudyante pero kapag nililingon sila ni Mint ay tatahimik. Wala namang reaksyon si Earth.

Nilakad lang namin ang mall dahil malapit lang naman sa school. Nagpunta kami sa food court dahil punuan na sa mga gustong kainan ni Mint. Si Earth naman ay umalis para bumili ng ililibre niya sa amin.

Bumalik si Earth na may dalang ice cream sandwich.

"Salamat." sambit ko ng abutan niya ako ng isa. Ngumiti lang siya at tahimik na naupo sa tabi ko.

Natahimik na rin naman si Mint at pagtapos niyang kumain ay nagpaalam na may bibilhin kaya naiwan kami ni Earth.

"May trabaho ka pa?" tanong niya.

"Mayroon."

"Ihahatid na kita."

"Ha? 'Wag na." todo pa ang iling ko.

"Ihahatid ka namin." pinal na sagot niya kaya di na ako nakaangal pa.

Kung ihahatid nila ako ibig sabihin baka manatili pa sila sa loob ng store at dadagsain na naman kami ng mga estudyanteng nagpapanggap na bibili pero ang totoo gusto lang naman siyang masulyapan.

Bumalik si Mint na may dalang tubig para sa amin kaya naman ng makapagpahinga ng kaonti ay nagaya na ako para makapasok na. Ihahatid nga nila ako at tuwang tuwa pa si Mint.

Nilakad lang namin dahil mahaba pa naman ang oras bago magsimula ang shift ko at kagaya ng inaasahan ko pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay nagdagsaan na agad ang tao.

Kumaway pa sa akin si Mint bilang paalam at tinuro na uupo na sila kaya tumango na lang ako. Nilapitan naman ako ng manager at pinanliitan ng mata kaya natawa na lang ako at umiling.

"Hindi ko alam na kakilala mo pala yung gwapo't maganda na mga batang yun."

Tumango lang ako at inayos na ang gamit.

"Ayain mo sila palagi dito para maraming customer." sumimangot naman ako kaya tinapik na niya ako sa balikat at umalis.

Natataon naman na tuwing nandyan siya ay sa counter ako kaya naman tanaw na tanaw ko silang dalawa ni Mint. Parehas silang nakatutok sa mga laptop nila habang si Earth ay may kausap pa sa phone niya at nakakunot ang noo.

Wala ring pagkain sa mesa nila at wala ring nagrereklamo kung nakatambay sila dito, kung ibang tao siguro ay may magrereklamo na agad sa amin.

Naging abala naman na rin ako dahil sa haba ng pila, hindi ko na rin sila nasulyapan pa dahil halos mapuno ng loob. Kung nung nakaraan ay mas marami ang babae ngayon naman pati mga lalaki ay nagdagsaan na rin.

Nang nagkaroon ng pagkakataon na masulyapan sila ay mukha naman silang walang alam sa nangyayari sa paligid dahil parehong may nakasalpak na earphone sa mga tenga.

Madilim na rin sa labas pero hindi man lang sila natinag sa kinauupuan nila. Malaki pa ang ngiti sa akin ng manager dahil inabutan niya ng pagkain sila Earth at Mint na galing sa isang customer.

Si Mint lang ang nakita kong nagsalita at hindi man lang ata naramdaman ni Earth ang presensya ng ibang tao sa paligid niya kung hindi pa ikaway ni Mint ang kamay niya sa harap ni Earth ay hindi talaga siya gagalaw man lang dahil masyadong tutok na tutok sa laptop niya.

Natapos ang shift ko at ganun pa rin ang dami ng tao kaya naman tinext ko na si Mint na magbibihis na ako para makauwi na kami.

Nagtataka man dahil may oras sila para tumambay dito at kung minsan ay pumunta pa sa bahay na akala mo walang ibang ginagawa.

Palapit na ako at ang tanging nakita ko lang ay si Mint kaya naman ng makita ang nagtataka kong mukha ay may nginuso siya kaya sinundan ko ng tingin si Earth na nasa labas habang pinapamigay ang pagkaing binigay sa kanila.

Tumayo na si Mint at niyakap ako sa braso kaya naman lahat ng atensyon ay na sa amin ngayon hanggang sa makalabas kami ay ramdam ko pa rin ang mga titig nila.

Nasa likuran na agad namin si Earth ng maglakad na kami papunta sa sakayan.

"Ano ba masarap kainin ngayon?" tanong ni Mint habang nagtitingin ng pagkain sa phone niya.

Pinaggitnaan namin ni Earth si Mint at ako naman na ang nagbayad ng pamasahe dahil mababaliw ata ako kapag nagbayad na naman si Earth ng buong limang daan pesos at dahil walang panukli ay hindi na siya nanghingi pa ng sukli.

Nagtatapon ng pera.

Nagorder na rin naman ng pagkain si Mint at pagdating namin sa bahay ay maya maya dumating na rin ang inorder na pagkain.

Pinagusapan lang namin ang plano para sa Christmas party at ang mga plano nila sa Christmas.

Sa ibang bansa si Mint magdidiwang ng pasko habang si Earth naman ay wala pang plano at ako naman ay may trabaho sa araw na yun at gabi na rin ako makakauwi kaya itutulog ko na lang hanggang sa matapos ang araw na yun.

"May gusto ka bang gawin sa pasko?" tanong ni Earth habang naghuhugas ng pinggan at ako naman ay nakatayo sa gilid niya habang hinihintay siyang matapos para mapunasan ko na. Si Mint naman ay nakaupo sa kama at nagpapahinga na dahil uuwi na sila pagtapos.

"Wala naman." sagot ko.

Wala naman talaga.

"Pagkaing gustong kainin?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya at napaisip pero bumuntong hininga lang ako dahil wala rin akong maisip.

"Puntahan kita pagtapos ng shift mo. Let's go somewhere."

"Ha?"

"Hatdog." natatawang sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I want to spend Christmas with you."

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon