Chapter Nineteen

98 4 0
                                    

M I X

“Hey.”

Nilingon ko si Earth na palapit na sa akin at agad akong hinagkan mula sa likod habang abala ang iba naming kasama na nagkakatuwaan na sa loob.

Nakatanaw lang ako mula sa labas kung saan kita ang malawak na talahiban sa malayo at kung titingin naman paibaba ay ang malawak na pool. Ang nagsisilbing pagitan lang ay ang mababang pader nito.

Naramdaman ko rin ang marahan niyang paghimas sa braso ko na tila pinapainit dahil sa lamig ng hangin.

Nakita ko rin ang boteng hawak niya at halos paaubos na ang laman. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang bote na ba siya simula ng makarating kami sa rest house nila Boom.

Habang hinihintay namin na matapos si Earth kanina ay siyang pagdating ni Ohm at Boom na kanina pa pala nandoon nung magsimula ang graduation ceremony kaya magkakasama kaming kumain at napagdesisyunan na pumunta sa rest house nila Boom para ipagpatuloy ang celebration.

Hinanap din ng mga mata ko ang magulang nila pero hindi ko rin naman nakita. Ayako rin namang magtanong.

Si Mint naman ay maagang pumasok sa kwarto niya para makapagpahinga dahil ayaw niya raw sa amoy ng alak at sigarilyo pero sumama pa rin naman siya.

“Hindi ka pa ba magpapahinga?” tanong niya.

“Maya maya.” sagot ko.

“Anong oras na rin. Maaga pa ang pasok mo bukas sa trabaho. Magpahinga ka na.” saad niya.

“Ikaw?” tanong ko at nilingon siya kaya nailayo ko ng bahagya ang mukha ko dahil sa sobrang lapit ng distansya namin at amoy na amoy ko na rin ang pinaghalong alak at sigarilyo sa bibig niya.

Ngumisi siya at ang mapupungay na mata ay pinikit saglit.

“Where’s my gift?” tanong niya sa mapaglarong tono. Nagsalubong naman ang kilay ko kaya tumawa siya ng marahan.

“Just kidding. You being here is enough. This. Is. Enough.” nakangiting sambit niya at niyakap pa akong ng mas mahigpit.

Nanatili akong tahimik at hinawakan ang braso niyang nakayakap sa akin.

Is this really enough? I want to give him something in return. Sa lahat ng bagay na ginagawa niya para sa akin. Sa mga bagay na alam kong hindi ko hinihingi pero kusa niyang ginagawa. Sa pagiging ma-ingat.

Alam ko. Nakikita ko lahat ng ginagawa niya.

Hindi ko na ulit narinig sa kanya ang tungkol sa kung sino ang natitipuhan niya. Hindi niya pinilit. Dahan dahan at mai-ingat niyang pinaparamdam sa akin pero sapat din ba yun?

Ang mga ginagawa niya ay walang sapat na basehan kung hindi niya sasabihin sa akin kung anong nararamdaman niya talaga o baka dahil natatakot din siya dahil sa naging reaksyon ko noon?

Gusto kong magtanong kung sino yung lalaking niyakap niya kanina. Gusto ko ring sabihin na nakita ko silang dalawa sa mall nung pinaghintay niya kami. Gusto kong sabihin na pamilyar ang mukha nung lalaki sa akin at parang nakita ko na siya sa kung saan pero hindi ko lang matandaan. Gustong gusto ko magtanong pero may karapatan ba akong magtanong?

May karapatan ba akong magreklamo sa sitwasyon namin kung ako rin naman ay hindi makapagbigay ng sapat para sa kanya.

Kung tatanungin niya man ako sa nararamdaman ko, ano nga ba ang maibibigay kong sagot? 

“Earth.” pagtawag ko sa kanya sa mahabang katahimikan sa aming dalawa.

“Hmm.”

“Do you like me?”

Binalot kami ng katahimikan at nabasag lang yun ng may narinig kaming kalabog kaya kumalas ako sa kanya para makita kung anong nangyari sa loob.

Natatawa namang tumayo si Boom mula sa pagkakabagsak sa sahig at mukhang nahulog siya sa kinauupuan dahil sa kalasingan. Tumatawa rin si Ohm sa nangyari kaya lumapit ako para itayo ang upuan at alalayan si Boom umupo ulit.

“Ano kaya pa?” tanong ko pero pinisil niya lang ang pisngi ko at tumawa.

“Go to your room. I’ll handle this.” saad ni Earth mula sa likuran ko kaya tumango na lang ako at pinalo si Boom sa braso ng hindi siya nililingon.

Nahiga agad ako sa kama at nagtaklob ng kumot. Kinagat ko na lang ang labi ng maalala ang nangyari kanina. Wala akong nakuhang sagot.

Maybe I am just imagining things between us. Reading between the lines, ha? Tsk.

Umuwi rin naman kami ng madaling araw. Tulog pa rin si Ohm at Boom sa likod habang si Earth naman ay katabi ng driver kaya hindi ko makita kung gising ba siya o hindi. Si Mint naman ay tulog din sa tabi ko at nakayakap pa sa akin.

Una akong binaba dahil sa trabaho. Bumaba rin si Earth at sumunod sa akin.

Nag order siya ng kape at isang oras ding nanatili bago umalis.

Nang matapos ang trabaho ay naghihintay na rin siya sa akin at sinabayan na ako sa paglalakad at naghintay ng masasakyan.

“May gusto ka bang kainin?” tanong niya at ang atensyon ay nasa kalsada rin.

“Gusto ko ng magpahinga.” sagot ko at hindi na rin naman siya nagtanong pa.

Pagpasok palang sa bahay ay agad kong natanaw ang bulaklak na nabulok na dahil sa tagal. Bumuntong hininga ako bago nilapitan at kinuha yun para matapon pero nilapag ko na lang muna sa ibabaw ng lamesa at nagpalit ng damit.

Nanatiling nakaupo si Earth sa sofa at pinapanood lang ang bawat galaw ko. Binalingan ko siya saglit ng tingin bago pumasok sa loob ng banyo.

Paglabas ay nakatayo na siya at nagtitimpla ng gatas.

“Inumin mo na lang muna ‘to para kahit papaano may laman ang tyan bago matulog. Uuwi na rin ako.” sambit niya kaya lumapit na ako sa kanya para inumin ang tinimplang gatas.

Ang tingin niya ay nanatili sa bulaklak na nakalapag sa lamesa.

“I’ll go now. See you tomorrow. Make sure you lock the door.” sambit niya at nilapitan ako para yakapin pero hindi rin naman nagtagal at umalis din.

Uhm. See you.

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon