Chapter Fourteen

97 5 0
                                    

M I X

Halos manlamig ang buong katawanan ko ng makita ko si Earth sa tapat na naghihintay at basang basa na gawa ng malakas na ulan. Nakatayo lang siya sa gilid at ‘di man lang nag-abalang humanap ng masisilungan.

Mahigpit kong hinawakan ang payong bago nagpatuloy sa paglalakad.

Simula nung araw na yun, hindi na natuloy ang dinner namin. Umalis ako. Agad. Matapos kong marinig mula sa kanya ang pangalan ng taong matitipuhan niya.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ko.

Araw-araw siyang naghihintay sa trabaho pero palagi ko lang siyang hindi pinapansin at kung minsan ay pinagtatabuyan. Hindi ko pa siya kayang harapin. Nahihiya ako sa naging reaksyon ko.

Hindi ko nga alam kung totoo ba yung sinabi niya o hindi, umalis na lang ako basta.

Ngayong nandito siya sa labas ng bahay at naghihintay sa lakas ng ulan at basang basa ay hindi ko na magawang umiwas.

Hindi ko alam kung bakit umuulan gayong ngayon ang salubong ng bagong taon at nandito siya, nagpapakabasa.

Pinayungan ko agad siya ng makalapit ako kahit wala naman ng silbi dahil basang basa na siya.

“Mix.”

“Pumasok na muna tayo.”

Hindi agad siya pumasok sa loob kaya kumuha na ako ng twalya at inabot sa kanya. Nanatili siyang nakatayo sa pintuan kaya nagpainit na ako ng tubig para makaligo na siya.

“Maghintay ka na sa banyo. Wag kang magpatuyo dyan.” sambit ko.

Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad papasok ng banyo. Naghanda na rin ako ng damit para sa kanya. Natagalan pa ang pagkulo ng tubig kaya naghanda na rin ako ng pagkain.

Natagalan tuloy siya sa banyo kaya ng matapos ay dumiretso agad siya sa akin at kahit sa kaonting distansya ay halos lumabas na ang kaluluwa ko sa kaba.

“Mix.” tawag niya sa akin at marahan pang inabot ang braso ko.

“Ipagtitimpla kita ng mainit na chocolate para mainitan ang tyan mo. Kumain ka na rin.” sambit ko at tinalikuran siya.

Narinig ko pang sinundan niya ako pero hindi na ako lumingon pa.

“‘Wag naman ganito.”

“Paano ba dapat?” tanong ko ng hindi siya nililingon.

Inabot niya ulit ang braso ko pero iniwas ko na ang sarili.

“‘Wag mo naman akong iwasan ng ganito.”

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano pa siya pakikitunguhan.

“Bakit ka nandito? May pamilya kang naghihintay sa’yo.”

“Hinihintay kita. ‘Wag naman ganito Mix. Ang hirap.”

“Umuwi ka na sa inyo kung ganoon.” sambit ko. Hindi naman na siya sumagot. Pagbaling ko ay tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

Nilapag ko ang baso sa mesa at naupo na. Tahimik lang din siyang naupo at nakatingin lang sa akin. Halos hindi niya nagalaw yung pagkain habang naubos ko naman ang sa akin. Ang tanging naubos lang ay ang tinimpla kong tsokolate sa kanya.

Nakatayo lang siya sa gilid ko habang naghuhugas ako ng pinagkainan. Wala rin naman siyang sinasabi.

Tinignan ko ang oras at malapit ng mag alas dose.

“Umuwi ka na.” sambit ko habang nagpupunas ng kamay.

Nang maupo ako sa kama ay sumunod lang siya sa akin at naupo rin siya likod ko.

“Mix.” tawag niya at marahan akong niyakap mula sa likod.

“Wag mo naman akong balewalain.”

“Umuwi ka na sa inyo.”

“Bakit mo ba ako tinatakbuhan? Pag-usapan na muna natin ‘to.” sambit niya at halos bumulong.

“Wala naman dapat tayong pag-usapan. Umuwi ka na sa inyo. Hinahanap ka na siguro sa inyo. Tatawagan ko na si Ohm.” saad ko at balak sanang tumayo pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

“‘Wag na. Aalis din ako mamaya. Saglit lang.”

Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa narinig na namin ang mga paputok at hanggang sa matapos.

Ang baba niyang nakapatong sa balikat ko ay napalitan ng labi niyang dumampi rito at ang marahan niyang pagbitaw sa akin.

“Happy New Year.” bati niya at tumayo na.

Tahimik siyang lumabas at umalis. Hindi ko alam kung may balak pa ba siyang bumalik.

Napakagat na lang ako sa labi.

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon