Chapter Three

161 9 2
                                    

M I X

Mahigpit ang hawak ko sa kamay ko habang tahimik na naglalakad. May isang oras pa bago ang shift ko sa trabaho kaya naisipan ko na lang na lakarin.

Nilingon ko si Earth na tahimik lang din sa tabi ko hang ang isang kamay ay nakahawak sa strap ng gitara ang isa naman ay nakapaloob sa bulsa niya.

Pagtapos ng sinabi niya kanina ay hindi na ako nakapagsalita pa. It caught me off-guard and I don’t want to assume anything. Mahirap na baka mabigyan ako ng assumera ng taon award.

Inalok niya rin ako na ihatid pero nagsabi ako na may trabaho pa ako kaya naman mas lalo niya lang akong gustong ihatid. Hindi ko alam paano siya tanggihan kaya hindi na lang ako sumagot.

Umiwas agad ako ng tingin ng lumingon siya. Naramdaman siguro ang pagtitig ko sa kanya. Narinig ko pa ang halakhak niya kaya ngumiwi na lang ako.

Lahat ng mga nakakasalubong namin ay talagang napapatingin sa kanya. Ang iba nga ay humihinto pa para lang matitigan pa siya. Agaw atensyon kaya nakakapagtakang nakukuha niyang tumabi sa akin.

“Bakit nag pa-part time ka pa? May scholarship ka na naman na.”

Napatigil ako sa paglalakad at kunot noong nilingon siya.

“Paano mo alam ang tungkol dun?” taka kong tanong at siya naman ang nag iwas ng tingin at nagkibit lang ng balikat.

“Nalaman ko lang.” simpleng sagot niya at naglakad na ulit kaya binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya. Agad ko siyang hinawakan sa braso para mapatigil sa paglalakad. Napalakas ata kaya ang nakangiting mukha niya kanina ay seryoso na ngayon.

Seryoso niyang tinitigan ang kamay kong nakahawak sa braso niya bago inangat ang tingin sa akin kaya binitawan ko na siya at bumuntong hininga na lang.

“I don’t want you to meddle with my life. I don’t even know you kaya sino ka para mangialam sa buhay ko.” sambit ko at yung seryoso niyang mukha ay mas lalo lang dumilim sa narinig.

“Wala naman akong ginawa at kung may gagawin ako, hindi lang yan.” seryosong sambit niya at naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa lamig ng boses niya.

“Manipulative asshole.”

Nanatili ang mariin ang madilim niyang tingin sa akin at hindi nakasagot kahit ako ay nagulat sa sinabi kaya nakagat ko na lang ang labi ko. Nakokonsensya sa sinabi.

Suminghap siya at nag-iwas ng tingin sa akin kaya naglakad na ulit ako. Naramdaman ko rin ang presenya niya sa likod ko kaya alam kong nakasunod pa rin siya dahil sa tingin ng mga tao. Ayokong lumingon. Nakokonsensya ako sa nasabi ko.

Hanggang sa nakapasok ako sa loob ng fast food chain na pinagtatrabahuan ay nakasunod pa rin siya. May narinig pa akong tilian ng makita siya. Tahimik siyang naupo sa gilid at seryoso ang tingin sa mesa at tila walang paki sa paligid niya.

Ngiting ngiti din ang mga katrabaho ko dahil sa nakikita. Kilalang kilala talaga siya kahit saan siya magpunta.

Nagsimula na rin ang shift ko sa trabaho at saktong sa counter ako ngayon kaya tanaw na tanaw ko siya at ang mga customer na walang pahintulot na kinukuhanan siya ng picture.

Napailing na lang ako ng may nag abot sa kanya ng isang tray na may lamang burger, spaghetti at float. Nahihiya pa siyang tanggapin pero wala din naman siyang nagawa.

Binaling pa niya ang tingin sa akin at tipid na ngumiti bago binalingan ng tingin ang pagkain at napakamot na lang sa ulo niya dahil hindi alam kung anong gagawin niya dun samantalang kakakain niya lang din kanina.

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon