Chapter Eleven

102 6 0
                                    

M I X

“Merry Christmas!” bati at paalam ko na rin matapos ang nakakapagod na shift sa rami ng tao ngayon.

Pagkasukbit sa bag ay naglakad na ako palabas at nahinto lang ng makita ang kakapasok lang na si Earth.

Ngumiti at kumaway siya ng magtagpo ang tingin namin. Halos tumakbo na siya palapit sa akin dahil sa layo ng distansya namin at kahit sa rami ng tao sa loob ngayon at may kanya kanyang kausap ay nakuha pa rin niya ang atensyon ng lahat.

Naamoy ko agad ang mamahalin niyang pabango ng makalapit na siya.

“Sakto dating ko. Natraffic kami.” nakangiting saad niya at tinuro pa ang dala kong bag pero umiling lang ako.

“Mukhang mabigat. Ako na ang magdadala.” saad niya at kinuha sa akin ang dalang bag.

May dala na akong iilang damit at mga kakailanganin ko para sa selebrasyon na ‘to kaya naman napuno ang bag ko. Hindi naman mabigat.

Naningkit pa ang mata at napasighap pa ang mga customer kaya naglakad na ako palabas. Ayokong gumawa ng eksena sa loob.

Paglabas ay bumungad sa akin sina Ohm at Boom na parehong nakasandal sa sasakyan. Agaw atensyon din silang dalawa kahit pareho namang patpatin.

Parang tanga pang nagtataas ng kilay sa akin si Boom kaya sinimangutan ko na lang. Pumwesto na ako sa likod ng driver samantalang yung dalawa ay nasa likod at ang akala kong tatabi sa driver ay nasa tabi ko na.

Pinikit ko na muna ang mata dahil sa tantsa ko ay aabutin ng isa o dalawang oras ang byahe namin depende pa sa traffic.

Napadilat lang ng may biglang umilaw sa mukha ko at takang pinanood na lumipat si Earth sa likod para sakalin ang kapatid dahil sa lakas ng tawa ganun din si Boom.

Pinagkunutan ko lang sila ng noo at pumikit na ulit.

Nagising lang ng may pumitik si noo ko. Nakatigil na ang sasakyan at ang malamig na hangin ay pumapasok sa loob dahil nakabukas ang pintuan ng sasakyan. Natanaw ko na rin sa labas yung dalawa kaya umayos na ako ng upo.

“Pinadala ko na yung mga gamit. Tara.” sambit ni Earth at tipid na ngumiti kaya tumango na ako at sumunod na sa paglabas.

Niyakap ko agad ang sarili ng salabungin ako ng malamig na hangin at agad kong naamoy ang alat ng dagat. Napangiti at nagpatuloy sa paglalakad para matanaw ang dagat.

Pagtapak palang sa buhangin ay mas lalo lang lumapad ang ngiti ko. Tanaw pa rin ang dagat dahil sa mga lamparang nagsisilbing ilaw at may iilang tao pa.

Tumingala ako para makita ang langit at natanaw ang maraming bituin. Nabaling lang ang atensyon ng may maramdamang presensya sa likuran ko.

“Nakahanda na yung pagkain, kain na muna tayo.”

“Susunod ako.”

“Sabay na tayo.”

Binaling ko ulit ang tingin sa langit habang nakayakap sa sarili dahil sa lamig. Limang minuto kaming nanatiling nakatayo duon habang parehong nakatanaw sa langit at napaigtad lang ng marahang hawakan ni Earth ang siko ko at naramdaman ko na ang dibdib niya sa likod ko kaya napaayos ako ng tayo.

“Lumalamig na. Pumasok na muna tayo.” bulong niya at sa kaba ay napatango na lang ako.

Nanatili ang hawak niya sa siko ko habang naglalakad kami. Humiwalay lang ako at bumilis ang lakad ng matanaw ko na yung dalawa na nakatingin din sa amin pati na rin ang driver nila.

Naupo na ako at totoong nakahanda na nga ang pagkain. Tumabi ako kay Boom habang tumabi naman si Earth kay Ohm kaya magkaharap kaming pareho.

Tahimik lang ako habang kumakain samantalang nagkekwentuhan naman sila. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong at tatahimik din pagtapos.

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon