E A R T H
Pinanood ko lang na mawala si Mix sa paningin ko at hindi na siya sinundan pa. Tahimik akong humagulgol sa kinatatayuan ko at hindi binigyang pansin ang mga tao sa paligid.
May mali na naman siguro akong nasabi. Naging desperado na naman akong makausap siya. Baka namimilit ang dating ko para makausap siya o talagang ayaw na niya ako makausap. Hindi ko siya sinisisi kung bakit hindi pa rin ako makalimot hanggang ngayon, sinubukan ko pero parang may kulang pa rin.
Ilang taon. Ilang taon kong tiniis na huwag na siyang lapitan, na kahit gaano pa karami ang tanong ko ay hinding hindi na ako hihingi pa ng sagot dahil hindi rin ako sigurado kung naging mahalagang parte ba ako ng nakaraan niya pero nung nakita ko kung paano siya umiling at tipid na ngumingiti at hindi man lang umaangal sa panunukso sa kanila nung lalaki yun ay para akong natauhan.
Pakiramdam ko sa sobrang pagpipigil ko sa sarili na lapitan siya ay tuluyan na siyang nakuha sa akin ng iba kaya sinubukan ko ulit pero mukhang siya talaga yung may ayaw sa akin.
Nakita kong tumatakbo na rin palabas si Nammon bitbit ang bag ni Mix habang may kausap sa phone. Walang nangahas na lumapit sa akin kaya pinunasan ko na ang mukha at naglakad na palabas.
Ako ang nahihiya. Baka mahirapan makitungo si Mix sa kanila dahil sa mga narinig. Ang tanga ko. Tangina. Bakit hindi ko man lang naisip yun?
Tahimik akong nahiga sa sahig ng kwarto ko at hindi man lang nag-abalang buksan ang ilaw. Hinayaan kong balutin ako ng kalungkutan na nadarama ko ngayon.
Paulit ulit kong hiniling na sana pwede kong balikan yung panahon bago niya makausap ang stepmother ko para napigilan ko man siya, para hindi ako nangungulila ng ganito at para hindi ganito kasakit.
Hindi ko alam paano ako nakatulog pero nagising na lang ako sa malalakas at sunod sunod na katok. Narinig ko rin ang kalansing ng susi at pagbukas ng pintuan.
Nakahiga pa rin ako at kinukusot ang mata. Narinig ko pa ang buntong hininga ng manager ko at naupo sa maliit na sofa habang nakakrus ang braso at nakataas ang isang kilay tila naghihintay ng eksplanasyon sa nasaksihan kahapon.
Naupo ako at sinandal ang sarili sa kama.
“Cancel all my schedule for this week.” saad ko.
“Nagawa ko na bago mo pa sabihin.”
“I need a break.” suminghap siya sa narinig.
“Hindi mo naman binabalak iwan ang industriya, right?” umiling ako.
Gusto ko lang magpahinga saglit. Bumuntong hininga ulit siya at nagpaalam na rin agad. Hindi naman na siya nagtanong pa. Natulog lang ako maghapon at hindi na inalinta ang sunod sunod na tawag sa phone ko.
Gabi nang maisipan kong puntahan ang paresan nina Tay. Wala pa akong kinakain mula kahapon at ngayon lang nakaramdam ng gutom. Nagsuot ako ng hoodie at mask at naglakad papunta roon.
Maaga pa ay nakalagay na agad ang closed sign sa pinto pero natanaw ko sila sa loob na tila may importanteng pinaguusapan. Pumasok ako kaya sabay sabay silang lumingon at sinalubong ako ni Mint para yakapin. Nakarating na agad sa kanila?
“Anong meron?” tanong ko kahit may ideya ako kung bakit sila nagtitipon-tipon dito. Humiwalay sa akin si Mint kaya lumapit na ako sa kanila.
Nakatingin lang sila sa akin at inabot sa akin ni Tay ang phone niya para ipanood ang video ko kung ano nangyari kahapon. Natawa na lang ako. Palagi na lang kumakalat ang video ko na umiiyak. Kita rin si video si Mix at doon lang ako nag-alala. Hindi para sa sarili ko. Hindi para sa career na mayroon ako.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...