M I X
Pikit ang isang mata habang nakahawak pa ako sa noo ko kung saan tumama ang itlog na binato sa akin. Nakaluhod at hindi na ako makatayo dahil sa ginawang pagsipa sa tuhod ko.
“Nalumpo na ata.”
“Hindi na yan makakatayo kagaya ng negosyo nila.”
“Oh oh.”
Mariin ang hawak ko sa pantalon habang pinapakinggan ang mga salitang binabato sa akin. Ano bang laban ko sa mga katotohanang sinasabi nila? Wala. Kaya mananahimik na lang ako at tatanggapin dahil yun ang totoo.
Napakagat ako sa labi ko ng may humatak sa buhok ko dahilan ng pag-angat ng tingin ko sa kanila. Lahat sila nakangisi at tuwang tuwa sa nakikitang lagay ko ngayon. Sino nga naman ba ang hindi matutuwa?
“Oh bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Pipe ka na ba ha!” kasabay ng pagtaas ng boses niya ang paghigpit ng hawak niya sa buhok ko kaya hindi ko na napigilan ang maluha sa sakit.
Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Physically at alam kong mag-iiwan din ‘to ng sakit sa iba pang aspeto.
Mas lalo lang akong napangiwi sa sakit ng kaladkarin nila ako at dahil sa luhang tuloy tuloy na bumubuhos sa mata ko nanlabo ang paningin ko at ang tanging alam ko na lang ay malapit ako sa pool dahil sa tapang na amoy ng chlorine.
Sa oras na ‘to wala ng estudyante pa ang mangangahas na magpunta sa parte ng school na ‘to. Masaya na silang umuuwi sa kani-kanilang bahay habang ako, ito, nakikipagsapalaran pa sa buhay ko at alam ko rin na sa mga oras na ‘to kasabay ng pagbagsak ng negosyo ng magulang ko ay ang pagbagsak din ng anak nila na walang lakas ng loob ipaglaban ang sarili niya.
“Ano hindi ka talaga magsasalita!” mariin naman ngayon ang hawak niya sa pisngi ko kaya kahit masakit ay pinilit kong ngumiti na mas lalo niyang kinagalit at narinig ko na lang ang lagapak ng sampal niya sa pisngi ko.
Matagal pa ba ‘to?
“Ano itatapon na ba natin?”
Napasinghap na lang ako sa narinig. Hindi man lang ako makakapagpaalam? Anong klaseng mga tao ‘to para magdesisyon sa kamatayan ko? Sige. Magkita kita na lang siguro kami sa impyerno pero mukhang malabo din yun dahil baka kahit sa impyerno hindi sila tanggapin dahil halang na ang kaluluwa nila. Mahiya pa sa kanila si Satanas baka mapalitan nila sa trono.
“Sige kayo na ang bahala dyan. Nag aksaya lang ako ng oras.”
Narinig ko pa ang tawanan ng mga alipores niya at lumuhod pa ang isa para pumantay sa akin.
“Narinig mo yun? Tsk. Kawawa ka naman.” bulong niya at agad akong hinala.
Naramdaman ko agad ang lamig ng tubig at kahit anong gawin kong paglangoy paitaas para di tuluyang lumubog ay hindi ko na kinaya dahil sa panghihina ng katawan. Hindi nga pala ako marunong lumangoy. Pati ba naman yun nakalimutan ko pa? Lulutang din naman ako. Pag nawalan na ako ng buhay.
Nagising na lang ako isang araw at nadatnan ang isang hindi pamilyar na lalaki na nakatayo at nakasandal sa gilid ng pader habang nakapikit at nakakrus ang braso nito.
Nanghihina pa ang katawan ko dahil sa nangyari. Naka dextrose din at malamang na sa hospital ako ngayon. Ni hindi ko maalala ang huling nangyari. Ang alam ko lang katapusan ko na nung mga sandaling yun.
“Hey. Sh*t! Gising ka na. Sandali tatawag ako ng nurse.” tarantang saad niya ng magkatinginan kami at natanto niyang gising na ako. Agad siyang tumakbo palabas at pagbalik niya ay may kasama na siyang doctor at nurse.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...