M I X
Nakagat ko ang labi ng makita ang itsura sa salamin. Hapit ang white suit sa katawan at ang buhok na minsan ko lang ayusin ay nakataas at amoy ko pa rin ang gel na nilagay sa rito. Ang natural na pulang labi ay mas lalo pang lumabas ang kulay sa pinahid na lip balm. Hindi na ako nagpalagay pa ng make up dahil hindi ako kumportable.
Nakangiti lang ang nag-ayos na estudyante sa akin habang tinitignan ko ang sarili. Masyado nilang pinaghandaan ang booth nila at mukhang marami silang budget para rito.
"Handa ka na?" nakangiting tanong nung estudyanteng kakapasok lang, hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako palabas.
Nakakunot ang noo ko ng papilahin ako sa pinakadulo ng mga estudyanteng nakapila. Nginitian lang ako nung estudyanteng humatak sa akin at umalis na. Hindi ko rin masilip ang unahan para makita kung anong nangyayari.
Parehas kaming hinatak ni Mint kaya namang inaasahan ko na siya ang magiging bride sa kasal kasalan na 'to, ang tanging pinagtataka ko lang naman ay bakit ako ang maglalakad papuntang altar at hindi siya?
"Ang gwapo." napaatras ako ng makita ko si Mint na palapit sa akin at nakasuot ng dress na hanggang tuhod ang haba at rainbow pa ang kulay. Kahit na nagtataka ay hindi ko na lang pinansin. May hawak din siyang bulaklak.
Malapad ang ngiti niya sa akin at ng makalapit ay nilagay ang kamay niya sa braso ko.
"Marami na naman ang uuwing luhaan." natatawang sambit niya kaya ang kunot sa noo ko ay hindi na nawala.
Nagsimula na rin kumanta ang mga estudyante, choir siguro sa school. Naramdaman kong nagtaasan ang balahibo sa katawan ko dahil sa paraan ng pagkanta nila.
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speakNagsimula ng maglakad isa isa ang mga estudyante sa harap namin at hindi na rin naalis ang ngiti sa labi ni Mint kaya naman kahit kinakabahan at hindi kumportable ay tipid na lang din akong ngumiti.
Naglaho ang ngiti ko ng unti unti kong makita kung sino yung taong nakatayo at naghihintay sa harapan. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak ni Mint sa braso ko at halos hilahin na ako para lang maglakad.
Halos mapako ang paa ko sa kinatatayuan ko kanina kaya naman ng maglakad kami ay halos lumabas na ang puso ko sa kaba.
Ihahatid ko ba si Mint sa kanya?
Hindi naman pwedeng ako ang ikakasal sa kanya. Hindi pwede yun.
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing pieceNilibot ko na ang paningin ko at ngayon ko lang natanto ang mga estudyanteng nanonood sa amin at nadaragdagan pa sila sa bawat hakbang namin palapit. May nakita pa akong umiiyak.
Nilipat ko ulit ang tingin ko sa kanya at naabutan ang mariin niyang titig sa akin kaya nakagat ko ang dila ko.
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in whiteSa harap ng maliit na lamesa nakatayo at naghihintay sa paglapit namin si Earth, hapit at kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan niya sa suot na black suit. Seryoso at hindi nagpapakita ng kahit anong reaksyon sa mukha niya habang naglalakad kami palapit. Ang dalawang kamay na nasa harapan niya at magkahawak ay kinalas niya at nilahad sa amin ng huminto na kami sa harap niya.
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
TonightAgad kong tinanggal ang kamay ni Mint at hinawakan ito para ibigay sa kanya pero imbis na kamay ni Mint ang hawakan ni Earth ay kamay ko ang kinuha niya.
Narinig ko pa ang paimpit na tili ni Mint at ang bahagya niyang pagpalo ng bulaklak sa dibdib ni Earth.
"Enjoy and congrats." nakangiti at natatawang saad ni Mint at umalis na para nagpuntaw sa pwesto niya.
Rinig din ang mga bulungan ng mga estudyanteng nanonood at kung gaano sila nadidismaya pero nananatiling nanonood.
Mahigpit na ang hawak niya sa kamay ko na kahit anong pilit kong tanggalin ay hindi ko magawa. Pinagsalikop niya ang kamay namin at hinatak na niya ako para humarap sa estudyanteng nagpapanggap na pari.
Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kaba ko at hindi rin maalis sa isip ko ang magkahawak naming kamay. Pwede ba 'to? Hindi ko alam na pwede 'to sa wedding booth. Ang ikasal ang parehong lalaki.
"Before you declare your vows to one another, I want to hear you confirm that it is indeed your intention to be married today."
Hindi man lang nagbago ang reaksyon sa mukha ni Earth ng lingunin ko siya at ang tanging ginagawa niya lang ay ang haplusin ng marahan ang kamay ko gamit ang daliri niya.
"Mr. Earth Pirapat, do you come here freely and without reservation to give yourself to Mr. Mix Sahaphap in marriage? If so, answer I do."
Mas lalo lang nanginig ang kamay ko sa narinig. Bahagya niya akong nilingon at tipid na ngumiti.
"I do."
Napalunok ako ng ako naman ang lingunin ng estudyanteng pari pagkatapos sumagot ni Earth. Inalis niya ang kamay na nakahawak sa kamay ko at pinadausdos ito sa bewang ko at ang isa pa niyang kamay ang humawak sa nanginginig kong kamay na binitawan niya.
"Mr. Mix Sahaphap, do you come here freely and without reservation to give yourself to Mr. Earth Pirapat in marriage? If so, answer I do."
Hindi agad ako nakapagsalita at parang nakalimutan ko sa sandali na yun kung paano magsalita. Naramdaman ko ang bahagyang paghagod ni Earth sa bewang ko at nilapit ang bibig sa tenga ko.
"Pwede kang umayaw." bulong niya kaya ng mag angat ako ng tingin sa kanya ay nakita ko agad ang lungkot sa mata niya o nag assume lang ako? Binalik ko ang tingin sa harapan.
"I do." nauutal kong sagot.
May sinabi pa siya at hindi na rumihistro pa sa isip ko. May binigay na singsing sa amin at sinuot namin sa isa't isa.
"Gusto ko ng umuwi." bulong ko at kahit hindi pa tapos magsalita ang estudyante ay sumenyas lang siya at agad namang tumango ito at hinatak na ako papunta sa likod kung nasaan ang kwartong pinagdalhan sa akin kanina para ayusan.
Nakasunod agad sa amin si Mint at pinalabas ang mga estudyanteng nandoroon sa loob. Alanganin siyang ngumiti sa akin at nilapitan ako para yakapin.
"Congrats!" tipid na lang ang naging tawa niya dahil hindi na rin ako makangiti.
Nakatingin lang sa amin si Earth at pinapanood na humingi ng pasensya sa akin si Mint dahil hindi niya nasabi sa akin na hindi pala kaming dalawa ang ikakasal at wala rin siyang ideya kung sino ang magiging kapartner ko sa kasal kasalan na 'to.
"Magpalit ka na. Ihahatid na kita." sabat ni Earth.
"Magpicture muna tayo!" masayang sambit ni Mint at hinatak palapit si Earth sa amin at kumuha ng ilang pictures kasama siya. Kinuhanan niya rin kaming dalawa ni Earth at ngiting ngiti naman siya.
Nagpalit na rin ako at ng lumabas ay nakitang nakapagpalit na rin silang dalawa. Humiwalay na sa amin si Mint at hahanapin niya daw si Ohm at Boom kaya nagpasabi na lang ako na uuwi na ako. Naglakad na kami palabas ng school. Hindi na rin naman na ako nagtanong kung bakit pinayagan kaming umalis.
Hinatid niya lang ako at umalis din agad. Nahiga agad ako sa kama pagpasok. Naubos ata lahat ng lakas ko ngayong araw dahil sa sobrang kaba sa nangyari kanina.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...