M I X
Dali dali kong tinanggal ang helmet at mabilis na tumalikod para makaalis na pero bago pa ako makalabas ng tuluyan ay naharang na niya ako.
“Umalis ka dyan.” mariing sambit ko at pilit na tinutulak siya sa pagharang niya pero hindi siya matinag.
“Ano bang problema mo?” pagod na tanong ko at sumuko na sa pagtulak sa kanya.
“Ihinto mo ang pag tutor sa kapatid ko.”
Nagkatitigan kami saglit dahil nag iwas agad ako ng tingin. Hindi ko siya kaya tignan ng matagal. Hindi ko kayang tagalan. Para akong dinadala sa ibang dimensyon ng titig niya.
Bumuntong hininga na lang ako ng maisip ang gusto niyang mangyari.
“Bakit ko naman gagawin yun?”
“Kasi sinabi ko.”
Irita ko ulit siyang binalingan at agad na tinuro siya pero binaba ko rin agad ang kamay ng makita ko ang galit sa mata niya.
“Hindi kita maintindihan. Alam mo yun?” mahinang sambit ko kahit gustong gusto ko na siyang sigawan pero di ko magawa.
Hindi ko na talaga siya maintindihan. Hindi ko na maintindihan yung mga ginagawa at sinasabi niya sa akin. Naguguluhan ako. O baka naman naiintindihan ko naman pero ayoko lang aminin?
Hindi ko maintindihan kung bakit ba siga ganyan pagdating sa akin. Ni hindi pa nga namin kilala ang isa’t isa, kaya bakit ganyan siya umakto? Nakakaloko.
“Ano ba sa tingin mo ‘tong ginagawa mo?” tanong ko pero buntong hininga lang ang narinig ko sa kanya.
Bakit hindi ka makasagot?
“Pwede ba, wag mo na akong guluhin sa ginagawa at sinasabi mo. Tigilan mo na ako. Wala ka namang mapapala sa akin.” saad ko at tuluyan ng umalis.
Lalakarin ko na lang palabas ‘tong subdivision bago makasakay. Nakauwi naman na ako at agad na nahiga sa kama. Pinikit ko na lang ang mata ko ng maalala ang nangyari kanina. Nakokonsensya tuloy ako. Masyado ba akong naging malupit sa sinabi ko?
Ako pa rin sa huli ang nakonsensya.
Nakatulog din ako at gabi na nagising. Alas onse na kaya naman napatalon ako sa gulat ng bumungad sa akin si Earth sa labas ng pintuan na nakasandal pa sa pader habang nakapikit. Dumapo agad ang tingin ko sa paper bag na hawak niya.
Lumapit ako sa kanya para kalabitin siya at agad naman siyang dumilat.
“Anong ginagawa mo dito.” tanong ko at muling binaling ang tingin sa paper bag na hawak niya. Tinaas naman niya yun para mapakita at tipid na ngumiti sa akin.
“Pagkain.”
“Sa labas na ako kakain.”
Ngumuso lang siya sa sinabi ko.
“Sa labas ko din naman ‘to binili.”
“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko ulit kaya tinaas niya ulit yung paper bag kaya umiling na lang ako at wala ng nagawa kung hindi papasukin siya sa loob ng kwarto ko dahil alam ko namang hindi siya titigil.
Hindi na siya nag abalang tignan ang loob at agad na siyang dumiretso sa lamesa at kumuha ng pinggan. Inayos niya ang pagkain at mukhang ngayon pa lang din siya kakain dahil sa dami ng nakahain.
Lumapit na ako para makaupo. Tahimik naman kaming kumain at natapos ng walang nagsasalita. Nagpresinta na rin siya na maghugas kaya di na ako nakipagtalo at pinanood na lang siya sa tabi.
Marunong din ang isang ‘to sa gawaing bahay. Mayaman at mukha namang pinag-aagawan ng sambayanan kaya nakakapagtakang nandito siya ngayon, kasama ako.
“Kanina ka pa naghihintay sa labas?” tanong ko habang nakatingin sa hinuhugasan niya. Nakita ko ring nilingon niya ako pero hindi ko naman siya tinignan.
“Nung umuwi ka.”
Doon ako napabaling sa kanya kaya naman natawa siya.
“Kanina pa yun! Bakit hindi ka kumatok?”
“Galit ka sa akin.” kibit balikat niyang sagot. Kumuha na ako ng pamunas at tumabi sa kanya para mapunasan ang mga nahugasan niya.
“Hindi lang kita maintindihan.” saad ko sa gitna ng katahimikan namin at tanging ang pagbagsak lang ng tubig ang naririnig.
“I already told Ohm to find another tutor.”
“Ano bang problema?” iritang tanong ko.
“Ayoko lang.” mahinang sagot niya kaya tinigil ko ang ginagawa at hinarap siya.
“Alam mo hindi na kita maintindihan! Umalis ka na nga sa harapan ko at wag ka ng magpakita ulit! Kung tatanungin mo kung bakit ay dahil ayoko lang!” pikong sambit ko pero imbis na matakot siya sa pagtaas ng boses ko ay natawa pa siya.
Pinatay niya ang gripo bago tuluyang binaling ang atensyon sa akin.
“Binili ko na rin ang laptop na gusto niya. Nagpatalo na ako. Basta ‘wag na ha.”
Napasapo na lang ako sa noo ko sa sinabi niya. Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ‘to! Lalaki din naman ako pero hindi ako ganito!
“Bakita ayaw mong turuan ko ang kapatid mo kung ganun?”
Umiling lang siya habang nakangiti at naglakad papunta sa kama ko kaya agad ko siya sinundan.
“Uuwi na ako. Huwag ka ng pumunta bukas sa bahay. Lock the door. Good night.” sambit niya habang patuloy sa paglalakad palabas kaya hinatak ko na ang braso niya.
“Ano ba talagang dahilan?” tanong ko pero tinignan niya lang ang kamay ko sa braso niya at inalis yun. Ginulo pa niya ang buhok ko habang natatawa.
“It doesn't matter, Mix. Sleep tight.” marahang sambit niya at nakitaan ko pa ng lungkot ang mata niya.
“Kapag umalis ka ng ‘di sinasabi sa akin kung bakit, hinding hindi na talaga kita kakausapin.” pagbabanta ko pero natawa lang siya ulit.
“Gusto mo bang magulo ang isip mo.”
“Hindi ako makakatulog ng mapayapa, Earth. Kaya sabihin mo na ngayon or else bahala ka na sa buhay mo.”
“Alam mo ngayon ko lang kinwestyon ang halaga ko.” sambit niya na nagpatigil sa akin sa pagsasalita. Tinitigan niya lang ako at tipid na ngumiti.
“Ipagtutulukan mo lang ako, Mix. Kaya mabuting ‘wag na lang.” malungkot siyang ngumiti sa akin at humakbang na ng tuluyan palabas. Huminto lang ng makalabas na siya at nilingon ako.
“Good night, Mix. Take care.”
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...