M I X
Napaupo ako ng hilain ako ni Mint at itinaas niya ang cellphone para makapagpicture kami. Umaayos ako ng upo ng maramdaman ko ang katawan ni Earth.
Bumalik siya pagtapos ng tawag.
Nandito na kami ngayon sa bahay. Hindi rin sumama si Ohm kaya kaming tatlo lang.
Tumayo ako ng mahagip ng tingin ko ang eco bag at dinala sa kanilang dalawa. Inabot ko kay Mint ang isang eco bag na naglalaman ng wallet, t-shirt at isang bandana at inabot ko naman kay Earth ang banda na kulay itim.
“Happy New Year. Yan lang nakayanan ko. Bawi ako next time.” sambit ko kaya naman niyakap ako ni Mint at nagpasalamat.
Inabot niya sa akin ang bandana at pinaayos niya sa akin para maging headband at ganun din kay Earth, inayos ko ang lagay sa may bandang noo niya at inangat ng kaonti. Tipid pa siyang nakangiti habang nakatingala sa akin. Kinuha ko rin ang akin at inayos. Kumuha pa kami ng ilang picture.
“Something came up, mauuna na muna ako! Kita na lang tayo sa school!” paalam ni Mint sa kalagitnaan ng panonood namin.
Naiwan kami ni Earth kaya binalot kami ng katahimikan. Prente siyang sumandal habang seryosong nakatingin sa laptop niya kung saan kami nanonood.
Naalala ko bigla ang nangyari, kung paano namin parehong sinalubong ang bagong taon at hindi ko malaman kung para saan ang pangamba ko kung hindi na siya bumalik.
Binalingan ko siya sandali ng tingin at nagbaba rin agad ng tingin sa laptop.
Bakit ako? Wala namang kagusto gusto sa akin para matipuhan niya ako at ayun ang pagkakaiba naming pareho kasi kahit saan mo siya tignan, lahat kagusto gusto.
Natapos namin ang isang movie kaya pumili pa siya ng isang series naman. Hindi ko alam paano ako nakatulog at nagising na lang na nakasandal na rin ako at nakapatong ang ulo sa balikat niya.
Hindi pa tapos ang pinapanood namin.
Tatayo sana ako pero agad kong naramdaman ang kamay niyang nakayakap sa akin.
“Earth.” paggising ko sa kanya pero hindi man lang nagising kaya sumandal ulit ako at pinikit ulit ang mata.
Nagising na lang ako na nakahiga na sa kama. Nakapatay na rin ang mga ilaw at ang tanging liwanag na nakikita ko ay sa laptop at ang nakaupong si Earth na seryosong nagtitipa.
Tumayo ako at naupo rin sa harap niya. Binuksan ko ang nakatakip na pinggan sa isa pang pinggan at nakita ang lutong ulam.
“Nagluto na ako para paggising mo kakain ka na lang. May pasok ka pa bukas diba?” tanong niya at tumayo para ikuha ako ng pinggan at ipagsandok ng kanin. Pinagsalin niya rin ako ng tubig bago naupo.
Isinara niya ang laptop at sinabayan na rin ako sa pagkain.
Hindi ko alam kung may balak ba siyang umuwi ngayon pero hindi ko na tinanong dahil nagpahinga lang ako sandali at natulog na ulit.
Maaga rin akong nagising at naunahan ko pa ang alarm. Tulog sa tabi ko si Earth kaya tumayo na ako. Dumilat din agad siya pagtayo ko. Ang babaw naman ng tulog nito.
“Nagising ba kita?” tanong ko at umiling naman siya.
“Sinusubukan ko pa lang matulog. Mag aayos ka na ba?” tanong niya at tumayo na rin. Dumiretso siya sa kusina at nagpainit ng tubig.
“Maligo ka na muna, maghahanda ako ng almusal.”
Ganito palagi ang eksena namin bago nag-umpisa ulit ang klase.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...