Chapter Twenty-three

95 4 0
                                    

E A R T H

“Kahit kay Mint lang, kahit ‘wag na sa akin.” halos magmakaawa ako habang nakahawak sa door-handle.

Tinakbuhan niya agad ako ng makita kaya agad akong sumunod pero nakapasok na siya sa loob ng kwarto.

“She’s looking for you.” kahit ako pero kahit ‘wag na para sa akin.

Ilang oras akong nakatayo sa harap ng kwarto niya. Nilapitan lang ako ng matanda at may itinuro kaya sinundan ko ito ng tingin. Nilapitan ko ang frame na nakapatong sa maliit na lamesa at nakita ang picture naming tatlo.

“Kaya parang pamilyar ka. Iniisip ko kung saan ba kita nakita.” nakangiting sambit niya.

Nagtagal ang tingin sa picture. Good old days, ha.

“Hindi ko alam kung anong dahilan ng apo ko kung bakit isang araw naisipan niyang umuwi rito at manatili na. Ngayon mukhang naiintindihan ko na.”

“Apo niyo po si Mix?” tanong ko kahit malinaw naman ang pagkakasabi niya kanina.

Tumango siya bilang tugon. Naupo ako sa harapang bangko niya.

“Pinapabalik ko siya pero lagi siyang umiiling at pagtapos ay malayo na ang tingin. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang alam ko lang ay mukhang wala na talaga siyang balak bumalik bukod sa pagpunta niya sa puntod ng mga magulang niya.”

Nanatili ang tingin ko sa litrato, graduation nila ni Mint. Kahit hindi na para sa akin, kahit kay Mint na lang siya magpakita.

Sumapit ang hapon at hindi talaga siya nagbukas ng pinto kaya nagpaalam na ako. Kinatok ko pa siya at nagpaalam bago tuluyang umalis.

Ginabi na ako sa pag-uwi dahil sa traffic kaya naman ng pumasok kinaumagahan ay halos mahulog ang talukap ko. Hindi rin naging maayos ang tulog ko.

Nakasalubong ko pa si Tay dahil nasa iisang building lang kami. Nakasimangot ng magtama ang tingin namin kaya nakangiti ko siyang nilapitan. Hindi ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad kaya sinabi ko na ang plano ko para makapag-usap na sila ni New, ayaw pa niyang maniwala na wala naman talaga akong gusto kay New kaya tinatawanan ko na lang. Iba ang gusto ko kung alam mo lang.

Gusto ko na lang silang sumaya pareho.

Maaga natapos ang klase at mukhang nasunod naman ang plano ko kaya bumyahe na ako papunta kay Mix. Magbabaka sakali.

“Magandang hapon po.” bati ko sa lola niya ng maabutan ko ‘tong nakaupo sa labas ng bahay.

“Hijo, tuloy ka.” tumayo pa siya kaya inalalayan ko na.

“Alam kong si Mix ang pinunta mo, nandoon siya sa likod ng bahay.” nakangiting sambit niya kaya nagpasalamat at nagpaalam akong pupuntahan si Mix.

Naabutan ko siyang nakahiga sa duyan at natutulog habang ang librong hawak ay nasa dibdib. Nanatili akong nakatayo malapit sa kanya at pinagmasdan siya. Nangungulila pa rin ako. Gusto ko na siyang hagkan.

Ganito ang ginagawa ko sa tuwing natutulog siya sa tabi ko. Nakatitig lang sa kanya. Sinasaulo ang bawat parte ng mukha niya. Hindi nakakasawang titigan.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas at mukhang naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya dumilat siya at halos mahulog sa duyan ng makita ako.

Umayos ako ng tayo at ganun rin naman siya.

“Ano na namang ginagawa mo rito?” iritang sambit niya at aalis sana pero hinarangan ko na.

Salubong na ang kilay niya.

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon