Chapter Twenty-two

90 4 0
                                    

E A R T H

Sa sandaling narinig ko ang sinabi niya ay parang tumigil ang mundo ko, para akong nabingi.

“Mix, may problema ba tayo? May nagawa ba ako?”

Naramdaman ko agad ang panginginig ng kamay ko ng abutin ko ang kamay niya at umiwas siya para hindi ko tuluyan mahawakan ang kamay niya. Binalot ako ng takot sa pagkakataong ‘to.

May nagawa ba ako?

Hindi ko na magawang ibuka man lang ang bibig dahil alam ko, sa oras na magsalita ako ay mababasag ang boses ko.

Maayos pa kami kanina. Niyakap pa niya ako. Niyakap niya ako. Na ngayon lang nangyari. Tapos ito? Anong kalokohan ‘to?

Tuluyan niyang binuksan ang pintuan at pumasok at susunod sana ako pero huminto siya at hinarap ako. Hindi ko man lang siya makitaan ng kahit na anong reaksyon.

“Go home.”

How can I? When my home is you.

“Ayaw na kitang makita. Umuwi ka na.” malamig na sambit niya.

Lumapit ulit ako pero agad siyang humakbang palayo. Tangina. Ang sakit.

“Mix.” nabasag ang boses ko ng tawagin ko siya at alam ko kung magtatagal pa ang ganitong sitwasyon ay bibigay na ako.

“Just go and I don't want see you anymore.”

Mas lalo lang akong nanghina ng padabog niyang sinirado ang pinto sa pagitan namin. Kumatok ako ng kumatok pero hindi niya ako pinagbuksan. Sumasabay ang pagbagsak ng luha ko sa pagtawag ko sa pangalan niya.

“Mix.” huling tawag ko habang kumakatok.

Naghintay ako hanggang sa dumilim pero hindi siya nagbukas ng pinto. Hindi ko na inalinta ang mga mata ng mga taong dumaraan, ang gusto ko lang ay pagbuksan niya ako ng pinto at humingi ng paliwanag o kahit ako mismo humingi ng tawad kung may nagawa man akong hindi niya nagustuhan.

“Oh.”

Nanatiling nakayuko ang ulo ko at hindi binigyang pansin ang dala ni Mint. Nilapag niya sa harap ang maliit na karton na naglalaman ng mga gamit ko galing kay Mix.

“I ask him what happened but he didn't give me an answer.” saad niya.

“Why you didn't tell me that you two will meet?”

“He doesn't want me to tell you.”

“And you also do not want to tell me that he talked to my stepmother?” sarkistong sambit ko.

“I did not know this would happen!” sigaw niya at sa tono pa lang alam kong umiiyak na rin siya.

“Get out. I don’t want to see you either.”

Naghintay ako sa wala. Lumipat siya ng bahay ng hindi ko alam. Wala na rin siya sa trabaho at ang tanging pag-asa na lang na makita siya ay sa unang araw ng pasukan nila pero nabigo pa rin ako.

Nalaman ko na lang din na hindi na siya naka-enroll sa school. Nilapitan ko na si Boom pero pati siya ay walang alam kung nasaan si Mix. Wala pa ring balita si Mint at ang huli nilang pagkikita ay pagbigay ni Mix sa kanya ng mga gamit ko.

Nasaan ka na ba? Ganito mo ba ako kaayaw makita at nakuha mo pang umalis? Kung alam ko lang, hindi ako magpupumilit basta nakikita ko siya sa malapit. Makukuntento ako kahit nakatanaw lang.

“Earth.”

Hindi ko binigyang pansin ang tawag ng daddy ko at nanatiling nakasalampak sa sahig at ang ulo ay nakasandal sa kama. Pumikit ako ng buksan niya ang ilaw at narinig ko na rin ang mga yabag niyang palapit sa akin.

“Your class has started. Do you have no plans of-”

“I don’t want to talk about it.”

“I already talked to your mom.”

“She’s not my mom.”

“Earth.” mariing tawag niya kaya yung luhang akala ko naubos na, tumulo na naman.

“I want to leave here. I don’t want to see or have any connection with your wife. I can ruin my life, I do not need her help.”

Hindi siya nagsalita.

Nalaman ko ang nangyaring pagkausap niya kay Mix pero huli na.

“Isn't it enough that you ruined my mother's life?” umiyak na ako ng tuluyan at napaluhod na lang sa harap niya.

I thought she was my real mother but one day I just found out she wasn't. I learned how he watched my mother die, not even bothering to call an ambulance. He watched the blood spread on the road. A few months after I was born, ni hindi ko man lang nasilayan kung gaano kaganda ang mommy ko.

My father and my stepmother had an arranged marriage.

I found out everything a few months before meeting Mix.

“Your father ruined my life so I will do the same to you. I will not let you be happy.”

Bakit lagi na lang siyang humahadlang?

“You both ruined your life. What do I have to do with that?”

Gusto ko na lang umalis para hindi na siya makita nung araw na yun pero kailangan ko pang makita at makausap si Mix. Gusto ko na siyang mahagkan. Nangungulila na ako.

Pinanood ko kung paano umiyak si Mint nung 16th at 18th birthday niya dahil hindi pa rin namin alam kung nasaan si Mix.

“Nahanap mo na?” tanong ni Singto sa akin nung tabihan niya ako at nakisilip sa laptop ko.

Araw-araw kong binibisita ang mga social media account niya baka sakaling makakuha ng impormasyon kung nasaan siya pero wala pa rin.

“Baka panahon na para itigil mo yan.” sambit niya kaya tipid akong ngumiti at umiling.

Ayokong tumigil.

Gusto ko na ring humingi ng tulong sa kanya dahil alam ko marami siyang kakilala na makakatulong sa akin pero gusto kong ako ang makahanap kay Mix.

“If you need my help, just tell me.”

Tumango lang ako at natanaw na palapit si New kasama si Krist. Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko ng makita ko sa malayo si Tay.

Na-iinggit ako sa kanya kasi kahit sa malayo natatanaw na niya si New pero ako ilang taon ng naghihintay at naghahanap.

Nilapag ko ang bulaklak na dala at sinindihan ang kandila bago nahiga sa damuhan katabi ng puntod ng mommy ko. Nakatanaw lang ako sa langit.

“Mom, do you know where he is?”

Yan palagi ang tanong ko sa tuwing dadalaw ako sa puntod ng mommy ko. Baka sakaling natatanaw niya mula sa itaas si Mix.

“Gustong gusto ko na siyang makita, kahit sa malayo.”

Nanatili pa ako ng isang oras bago napagdesisyunan na umuwi na. Halos tumigil ang mundo ko ng matanaw ko sa malayo yung matagal ko ng hinahanap. Nakatayo at nakatingin sa puntod habang hawak ang isang bulaklak.

Naka-ilang hakbang pa lang ay tumigil na ako at umatras ulit. Baka matakot siya sa akin, baka ipagtulukan na naman niya ako palayo pag nakita niya ako.

“Mix.” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya sa malayo.

Hinintay ko siyang matapos at umalis. Sinundan siya hanggang sa terminal ng bus at sumakay rin. Nagmamadali pa ako para hindi niya ako makita.

Tatlong oras ang binyahe. Sinundan ko pa rin siya hanggang sa pagbaba at ang pagsakay pa niya ng tricycle. Sumakay ako sa ibang tricycle at sinundan ang sinasakyan niya. Nagpababa ako di kalayuan sa binabaan niya.

Nakita ko pang nginitian niya ang matandang nagwawalis sa labas ng bahay bago tuluyang pumasok sa loob. Lumapit na ako ng tuluyan sa matanda.

“Magandang hapon po.” sambit ko.

“Magandang hapon din sa’yo hijo. May maitutulong ba ako sa’yo?” nakangiting tanong niya. Sasagot pa lamang ako ng lumabas si Mix na gulat dahil nakita ako.

“Anong ginagawa mo rito?”

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon