Chapter Twenty-seven

98 2 0
                                    

M I X

Ngumiti ako ng mapait matapos kong ibaba ang cellphone. Akala ko masyado ng malayo ang distansya namin noon, may ilalayo pa pala.

Sa unang taon ay madalang kong makita si Earth sa university kahit nasa iisang building lang kami. Ikutin ko man ang buong unbersidad ay hindi ko siya makita.

Ngayon pangalawang taon ko na ay siyang huling taon na niya sa kolehiyo.

May naglabas ng video niya na nakainom at kumakanta habang umiiyak, yun yung araw na magkikita kami pero hindi ko siya hinarap. Marami na ang nakapanood at ang mga nagshe-share.

Isang araw nakita ko na lang ang mukha niya sa isang malaking billboard sa labas ng mall. Tinaas ko ang kamay na tila inaabot siya pero agad ding ibinaba. Hindi ko na maabot.

Bumuntong hininga na lang ako at pumasok na dahil magkikita kami ngayon ni Mint. Yumakap agad siya sa braso ko ng makalapit ako sa kanya. Hindi kami masyadong nagkikita sa school dahil sa rami ng ginagawa naming pareho.

“Miss ko na magmovie marathon!” sambit niya habang kumakain. Tipid lang akong ngumiti.

Nakakamiss nga. Yung tipong pagtapos naming manood noon, magluluto si Earth ng kakainin namin. Noon.

Sa ilang oras na magkasama kami ay hindi niya nabanggit ang pangalan ni Earth. Ayoko ring magtanong. Naghiwalay na rin kami ng makalabas sa mall.

Nilakad ko lang papuntang dorm dahil malapit lang.

Kahit saan ako lumingon, nakikita ko ang mukha ni Earth at naririnig ang pangalan niya. Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang pag-aaral gayong graduating na siya at ang pagmomodeling. Endorser na rin siya ng mga sikat na produkto.

Simula nung kumalat ang video niyang yun ay talagang maraming naghabol sa kanya para makuha siya.

Ang layo na ng narating niya, makakahabol pa ba ako?

Tahimik akong nakaupo at nakatanaw habang pinapanood siyang umakyat sa stage. Sa bilis ng paglipas ng panahon, grumaduate na siya. Kumuha lang ako ng ilang litrato at umalis din. May mga media rin akong nakita sa labas ng venue kaya ‘di na ako magtataka kung dudumugin siya mamaya.

Nakatingin lang sa akin si Nammon at pinapanood akong idikit ang mga picture ni Earth na pinadevelop ko.

Magkasama kami sa iisang dorm. Gusto ko rin sanang magworking student ulit pero hindi na ako pinayagan ng Lola ko at siya na ang gumagastos ng pangpaaral ko ngayon. Gusto niyang magpokus ako sa pag-aaral at makatapos. Gusto ko ng makatapos.

Nang magthird year na ay sumali ako sa photography club kasama si Nammon at Sammy. Binigyan kami ng activity kaya ginawa kong subject si Mint.

Naisip ko na baka magamit ko ‘to balang araw para mapalapit ulit sa kanya. Pumasa rin siya sa board exam kaya mas lalong dumami ang taong humahanga sa kanya. Nakita ko sa post ni Mint ang celebration nila kasama pa ang ibang kaibigan nila. Inisip ko tuloy paano kung nandoon ako? Yayakapin ko rin siya ng mahigpit sa tuwing may magandang nangyayari sa kanya katulad ng noon. Tss.

Bumibisita rin siya minsan sa campus pero hindi ko naman siya nakikita dahil natataon talagang wala akong pasok o ‘di kaya’y may klase. Pati tadhana hadlang na makita ko siya.

Kaya ngayong natatanaw ko siya mula rito sa likod kung saan ako nakaupo habang nasa gilid ko at nakayakap sa akin na si Sammy na kinikilig dahil sa presensya niya ay parang kumakawala ang puso ko sa lakas din ng kabog nito. Ngayon ko lang ulit siya nakita ng ganito kalapit.

Nagtama pa ang paningin naming dalawa pero agad din niyang nilingon ang professor namin at nakipag-usap dito.

Sandali lang ang tinagal niya sa loob ng room namin at ng makalabas siya ay nagtilian ang mga kaklase naming babae. Niyugyog pa ako ni Sammy dahil kinikilig daw siya at nagkatinginan sila ni Earth kanina.

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon