Lumipas ang maraming linggo.
Hindi ko naayos ang paglipat ko dahil napurnada pa ako sa lecheng form 137 na 'yan pati na rin ng honorable dismissal. Now, I have to stay in my pre-law course. Gustong-gusto ko na lumipat.
Ilang araw na mainit ang ulo ko dahil sa hindi ako napagbigyan ng school Registrar na kumuha ng requirements dahil sa on-going class.
Lalo pang nadagdagan ang init ng ulo ko when someone catcalling me habang papasok ako ng school, sobrang badtrip ako lalo. Kinilabutan ako nang may bumulong sa gilid ko na isang estranghero at sinabing, "sex tayo."
Tangina, sobrang diring-diri ako na halos tanggalin ko na ang tainga ko sa narinig. Tumakbo ako nang sobrang bilis dahil natatakot akong baka sundan ako ng lalaki. I tried to regain my calm nang malapit na ako sa gate, hingal na hingal.
Nadatnan ko pa doon sina Zi at Bren na nag-uusap. Napairap ako bago kunin ang earphone sa bag ko at sinalampak sa tainga. Dire-diretso akong pumasok sa gate. Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ko sila nilingon. Nagkunwaring hindi ko sila naririnig dahil naka earphone naman ako.
Bakit naman sila magkasama?
"Foundation week next week.." bulong-bulungan sa hallway nang papasok na ako. Tss. Ang bilis lumipas ng mga buwan ni-wala manlang kaming pa-acquaintance party?
Noong nakaraan lang ay mangiyak-ngiyak ako sa pagpasok sa college tapos ngayon gusto ko na lumipat ng school.
"Horror booth tayo sa foundation week!" sumulpot sa gilid ko si Ziara na tuwang-tuwa na niyayaya ako para sumali sa mga fun activities na gaganapin next week.
"Sige lang," walang gana kong sagot at hindi na siya pinansin kahit patuloy niya pa rin akong kinukulit sa random na bagay. Ginagalaw niya rin ang ipit ng buhok ko at tinitirintas ito.
"Ang ganda ng buhok mo, natural 'yan?" she asked, tumango naman ako bilang tugon.
"Okay ka lang ba, Nayah? Parang ang tahimik mo," puna niya. Lumunok ako nang bahagya at nagkunwaring tumawa.
Kailan ba ako nakipagdaldalan sa kaniya? Hindi ko maalala kung kailan ako naging makwento sa harap niya. In fact, siya nga lang itong pilit na dumidikit sa akin.
"Okay lang 'wag mo na ako pansinin. Haha," malamig na sagot ko.
Hindi niya naman ata nakuha ang punto ko dahil panay daldal pa rin siya sa gilid ko. Hindi ko alam kung ano ang trip ng mga tao ngayon pero grabe nalang kung inisin nila ako.
Una, 'yong sa Registrar's office. Pangalawa, iyong mga manyakis sa daan at pangatlo, itong si Ziara na super kinukulit ako ngayon. Ano ba nakain nito?
Teka bakit ba ako naiinis sa kaniya?
Naiinis ako kasi close sila ni Bren? At hindi ko maamin na iyon rin ang dahilan kung bakit ako nakukulitan sa kaniya ngayon.
"Nayah, may tanong ako," aniya, tinuon ko naman sa kaniya ang pansin ko nang matapos niyang ipitan ang buhok ko.
"Sino 'yong lalaki sa likod ng sketchpad mo?" tinuro niya ang sketchpad ko na hindi ko alam kung kailan niya nakita. I haven't shared this to her yet, hindi niya nga alam na nag d-drawing ako. So, posibleng nakita niya ang mga nai-drawing ko doon.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...