"We will present a theatrical play for this coming Christmas season." Iyon na ang naabutan kong sinabi ng director namin nang pumasok ako sa audi, napatingin sila sa akin pero agad din na binalik ang atensyon sa direktor.
Occupied na ang mga upuan, nakakahiyang kumuha ng monoblock na upuan na naka-ayos sa likod kasi maingay kapag iaangat kaya nanatili nalang akong nakatayo.
"Nayah, upo ka," napatingin ako sa kasamahan ko sa teatro na nag-offer ng upuan, si Kevin.
"Salamat—" uupo na sana ako nang bigla akong tawagin ni Iesu.
"Ingrid.. Baby!" bulong niya bago hinawakan braso ko.
"Bakit?" tanong ko naman. Nagpalit-palit lang ang tingin ko sa kanila ni Kevin. Iyong atensyon ni Iesu sa akin kanina ay nalipat kay Kevin, tapos bumalik muli sa akin bago sumagot.
"Wala lang," saad niya bago ako unahan sa pag-upo sa upuan na in-offer ni Kevin. Umirap nalang ako. Anong trip naman nito?
Binasa ng playwriter 'yong mga gaganap sa play, bale dalawang dula ang magaganap at sa isang dula ay mahahati sa dalawang parte, may nakaraan at kasalukuyan bale magbabago ang role depende sa eksena o 'di kaya ay mayroon naman na mag d-double role.
Ang unang dula ay tungkol sa lalaking inabandona ng kaniyang anak at limang pasko na nitong hindi nakakasama ang kaniyang pamilya. Nang maisipan bumalik ng anak sa kaniyang ama, huli na ang lahat dahil pumanaw na pala ito dahil sa sakit na leukemia.
Napili akong bida sa play na iyon, bilang si Ella.
Sabi pa ng director namin ay mahusay daw akong umarte at tiwala siyang madadala ko ang buong play namin. Mayroon din doon na parte na kakanta ako.
Ang sunod naman na play ay tungkol sa magkasintahan na pitong taon nang nagmamahalan and sinubok ang pagiging matatag nila nang magkaroon ng anak, kinailangan na mangibang bansa ang lalaki kaya't naiwan ang mag-ina nito.
Gaganap na bidang magkasintahan sina Iesu at Stella.
"High five! Pareho tayong bida!" masayang bati ni Iesu nang maiabot sa kaniya ang kopya ng script. Nakikipag-apir siya sa akin pero hindi ko iyon inapiran.
"Hindi ka ba masaya?" tanong niya, mukhang seryoso na siya sa tanong niya na ito.
Nakatitig lang ako sa script ko, inuusisa ang bawat salita at linya na dapat kabisaduhin ko.
"Hindi ko kaya," saad ko bago tumayo ako.
"What? Teka—" pagpigil niya sa akin.
Niyaya niya akong lumabas ng audi, tapos na rin naman ang meeting nag f-finalize nalang for casting and nag p-props breakdown ang props team.
"Ayos ka lang ba?" sinserong tanong niya, nang mapansin na hindi ako comfortable sa role na gagampanan ko.
Tumango ako, "Wala 'to."
"But you're crying."
"Huwag mo nalang alamin," sagot ko pero imbes na iwan ako, inabutan niya ako ng panyo.
"Ang pangit mo kapag umiiyak. 'wag ka na iiyak kahit kailan," pabirong sabi niya na mukhang hindi naman biro.
Hinampas ko siya sabay tawa, "Grabe ka ha. Ang pangit ng ugali mo!"
"Oo, hawig kayo," sagot niya at pinaningkitan ako ng mata habang nakangiti na tila ba nanalo siya sa asaran namin.
"Argh! Bwisit ka talaga."
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...