I remember what Ziara said before, "Huwag mong pagdamutan ang sarili mong makapili ng bagay kung saan ka talaga sasaya."
I felt sorry sa mga nangyari. I am accountable for my actions. Sana mapatawad pa rin nila ako.
"Gusto kita, Ingrid, pero mukhang totoo ang sinabi mo noon, iba ang gusto mo."
Umiyak lang ako nang umiyak sa harap niya. He kept comforting me kahit alam kong siya itong nasasaktan.
"P'wede bang 'wag tayo dito mag-usap?" Nagawa ko pang tumawa nang sabihin 'yon.
Tahimik kaming dalawa habang naglalakad, walang gustong mauna magsalita. Ang tahimik rin ng paligid nang makarating kami sa lugar kung saan kami madalas pumunta. Tambayan kung saan sabay namin pinapanood lumubog ang araw.
"I like you, Iesu."
Hindi siya umimik.
Those were the words I want to say before pero nauunahan ako ng kaba, takot, at alinlangan. Alam ko umpisa palang, siya na gusto ko pero pilit sinisiksik ng utak ko na hindi pa ako sigurado. Marahil nasanay kasi ako sa konteksto ng 'amin' ni Bren noon. Nasanay akong sabihin na iba ang gusto ko kahit wala naman na talaga akong nararamdaman para sa kaniya.
"But I liked him first, a year before kita makilala. Siya 'yong dahilan ng mga bagay na natutunan kong gawin na hindi ko naman talaga ginagawa noon. I learned to write poem para sa kaniya kasi alam kong doon siya the best, nagbabakasakaling doon kami pagtagpuin pero hindi e, the only girl exists in his life is Lianne and Lianne alone," I released a deep sigh bago pinunasan ang luha ko. Tahimik lang siyang nakikinig.
"I envy her for having everything I want, but I honestly love her kasi kaibigan ko siya at iyon rin ang turing niya sa akin. Alam kong hindi tamang mainggit pero masisisi mo ba ako? Kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang makakasama ko ay ang babaeng perfect sa mundo ko? Samantalang ako, wala. Wala kahit ano na mayroon siya. Gusto ko rin maranasan ang mga bagay na nararanasan niya. Masayang pamilya, mga nagmamahal sa kaniya at mga kaibigan."
Inaabot niya sa akin ang panyo, hindi siya tumitingin. Nananatili ang atensyon niya sa araw.
"Until you came, nasanay ako sa mga bagay na ginagawa mo. Ang kulit mo kasi. Alam mo, noong una sabi ko okay lang na tuksuhin nila tayo sa isa't-isa para hindi halata na gusto ko si Bren pero alam mo 'yon habang tumatagal, iyong akala kong gusto kong Bren hinahanap ko yung katangian ng isang Iesu sa kaniya. Pero magkaibang tao kayo. Anumang katangian na mayroon ka ay hindi niya kayang maging gano'n kasi Iesu, nag-iisa ka lang naman."
Lumapit ako sa kaniya. Sobrang lapit, gusto ko siya yakapin pero natatakot ako na magalit siya.
"Iesu, I'm sorry naging madamot ako kasi nalilito ako. Alam ko na gusto na kita pero natatakot ako kasi parang may harang pa sa pagitan nating dalawa. May mga bagay pa na hindi malinaw sa akin. Sorry for making you wait."
He grabbed my hand at hinawakan lang iyon. I can't believe seeing his tears falling down.
Tangina.
What did I just do?
"Sorry.." iyon muli ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...