31 - Bolt from the blue

37 5 6
                                    

I was in hurry dahil mala-late ako sa klase ko. Anlala, hindi kasi ako nakatulog nang maayos sa sobrang excited ko makalipat ng school!

Finally, the long wait is over.

Ang laki ng ngiti ko habang papasok sa bagong university, kung saan rin pumapasok sila Iesu, Bren, Yel, at Leigh.

"pa-tap ng ID," paalala ng guard bago chineck ang bag ko.

"Wala pa po akong ID, papagawa palang," sagot ko at hinarap ko ang bag ko.

"Enrolment form?" he asked. Agad kong nilabas mula sa bag ko ang enrolment form ko at pinakita iyon sa kaniya. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, para naman akong jinu-judge nito. Ngumiti nalang ako.

"Late ka na, hija. Sige pasok na."

Binalik niya na ang enrolment form ko at tuluyang pinapasok. May pakialam ba mga guard kung late na mga estudyante? College naman na kami.

"Ingrid!"

Shit.

Tumakbo ako nang mabilis nang marinig ang tawag na iyon. Kainis, late na ako. Kapag kinausap ko pa siya mapapahiya na ako sa unang araw ng klase ko dito sa school.

Sa sobrang kamamadali ko, kamuntikan akong mabangga sa isang poste pero hindi iyon tumama sa akin nang may sumalong palad sa noo ko.

"Watch your steps," wika ng lalaking naka-gray na hoodie at face mask na black.

Tanging singkit na mata lang niya ang kita at kulay blond na buhok nito. Hawak niya pa rin ang noo ko, hindi agad ako nakagalaw sa pagkabigla. Marahan niya akong tinulak sa dibdib palayo.

"Kawawa naman ang poste," aniya bago tuluyang umalis.

"A-aba!" hindi na niya narinig ang reklamo kong 'yon dahil nakita ko si Iesu na papalapit kaya tumakbo ulit ako nang mabilis habang paakyat ng hagdan at hinahanap ang room ko.

Tarantado! Ako ba ang tinutukoy niyang poste? Flat chested ba ako? Hindi naman ah! Pero kung literal na poste ang tinutukoy niyang kawawa, aba gago 'yon ah.

Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng room namin. Sarado na iyon. Shuta, para akong high schooler na bagong salta, kinakabahan akong kumatok. I composed myself at uminom ng tubig, tinignan ko rin ang sarili ko kung presentable ba akong haharap sa mga bago kong kaklase.

Kakatok palang ako nang banggain ako ng isang lalaki na papasok din doon sa room.

"Tabi!" pabulong niyang sabi pero tila may galit sa tono ng kaniyang boses.

Bumukas na ang pinto, sunod na pumasok ang mga kasama nito. Apat silang lalaki na naupo sa kani-kanilang seats. Samantalang ako, nanatiling nakatayo sa labas ng room.


"You're new?" tanong ng prof ko habang nakatingin sa akin mula sa labas ng pinto, sa'min rin ang atensyon ng buong klase. Tumango ako bilang sagot.

I'm expecting na magagalit siya, mukha kasi siyang terror na prof pero ngumiti siya at hinayaan akong pumasok. She even let me pick my own seat.

Euphoria's Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon