Nang makarating sa university nila Iesu, nakasalubong ko naman doon sa labas ng gate si Leigh. He's talking with his two classmates.
"Siya ba si Lianne, bro?" tanong ng kasamahan niya. Nabigla ako sa narinig pero agad akong umiling at tumawa bago binigyan si Leigh ng kakaibang tingin.
"No. She's Nayah, she's close friends with Lianne," paliwanag ni Leigh sa kaniyang mga kaibigan.
"Hi, miss!" bati ng dalawa niyang kasama. Kumaway lang ako at ngumiti.
"Sino pupuntahan mo dito, Miss?" tanong pa ng ususerong blockmate ni Leigh. Hindi niya alam ay makailang beses na umikot ang mata ko sa kaniya.
"Uhm.. Pinsan niya?" I said bago tinuro si Leigh.
Nagbulungan ang dalawa na taken na raw ako. Nahalata naman ni Leigh na hindi ako comfortable sa situation.
"Shut up, jerks. She's already taken by a Vasquez," he laughed. Sinamaan ko siya ng tingin. Magpinsan nga talaga silang dalawa.
Nako, akala nito lusot na siya sa akin. Siya pa rin ang tinuturo kong dahilan kung bakit nagpakalayo si Lianne. Perhaps, he is the reason why I'm having a hard time to adjust. Joke!
Pero infairness kilala nila si Lianne. Malamang ay naku-kwento ni Leigh ang nakaraan nila. I'm still hoping for their comeback. I believe Leigh loves Lianne so much and he will gonna win her back.
I messaged Iesu na nasa labas na ako ng gate sa school nila. Hinihintay ko lang siya kaya ilang saglit pa akong nakipag-kwentuhan kila Leigh. Nalaman kong sa engineering department pala sila, they're taking up Electronics and Communications Engineering.
At totoo, puro bolero ang mga nasa engineering.
"Good afternoon, Ms. Ganda!" the two greeted in chorus.
"Ang ganda talaga ni Ma'am Borja, nakakagana mag-aral. Baka abutin ako ng limang taon dahil sa kaniya," wika ni Ace habang nakatitig sa isang magandang dalagang prof na dumaan.
Maya-maya pa ay may isang prof na dala ng isang magandang sasakyan ang huminto sa tapat ng gate kung saan kami nakatambay ngayon.
"Hidalgoooo!" she shouted.
Natarantang napatayo si Ace, "Ma'am Rodriguez?"
"Sinong mas maganda? Ako o siya?" nakataas kilay na sambit nitong tinawag niyang si Ms. Rodriguez.
"Ma'am, ikaw po, ma'am! Walang duda," mabilis na sagot ni Ace.
"Iyon naman pala eh, sa akin ang tingin!" sabi nito bago kami nilampasan.
Nag-apir pa ang dalawang loko. Natatawa nalang kami ni Leigh. Para silang si Iesu at Yel. Masaya naman silang kausap, no dull moments kasi hindi rin sila nawawalan ng mga baon na biro.
"Ingrid," someone grabbed my wrist palayo, nagulat ako doon dahil medyo masakit ang pagkakapit niya.
"Iesu!" alma ni Leigh with a raising voice.
Hindi na iyon pinansin ni Iesu at hinila niya ako at umalis na kami doon. Naiwan na nagtataka ang pinsan niya at ang dalawang kasama nito.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...