"Paraanin niyo na kami," mahinahong pakiusap ni Ziara, she slightly adjusted her shirt.
"Sure as you requested," hihilain na sana ako ni Zi nang magsalita muli si Koko, "only if you can answer my question correctly."
Umatras kaming muli. I checked my phone behind. Shit, he's busy. I dialed Kurtiel as well. Tulog na kaya sila?
"Just say it already. Dalian niyo!" iritableng sambit ni Zi. Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob para sagot-sagutin ang mga sinasabi nila.
"I will say it only once. If your answer is incorrect, I will give you another chance. I will let you call one of your friends who can help you, so you can spare your lives," he chuckled, seemingly enjoying his game.
"Game," he whispered. His voice is scary as fuck. Tumaas ang mga balahibo ko. Tangina.
"I'm always by your side, taking your form,
I mimic your work, but I'm never caught or worn.
Who am I?" a line curved from his lips, a wicked one.Huh?
Hindi agad na-absorb ng utak ko ang naging tanong niya. Umalis ang dalawa niyang kasamahan na nagtatalo kung sino ang bibili ng yosi. Anim nalang sila pero kahit mabawasan pa sila ng tatlo ngayon, wala pa rin kaming laban ni Ziara.
"Tick tock, tick tock," pagbilang nito sa amin, tilad hudyat na may hindi magandang mangyayari kapag hindi namin nasagot nang tama ang tanong niya.
"Teka! Hindi mo sinabing may oras!" alma ni Ziara. Sana hindi na siya makipagtalo pa, mas lalo akong ninenerbyos sa nangyayari.
"40 seconds left," sabat ng katabi ni Koko while he continue ticking through making a sound using his tongue.
Tangina isip, isip! Ano ba kasi tingin niya sa amin, nakikipaglaro? Nakita kong sumenyas ang daliri ni Ziara, pagkakaintindi ko ang ibig sabihin no'n ay tatakbo kami pabalik.
"Takbo!" sigaw niya.
Tumakbo kami pabalik pero parang ang layo pa para makatawid kami, ang dilim ng kalye at walang katao-tao.
I tried to dial Iesu and as soon as he answered. I asked for a help at sinabing nasa kalye kami ng midpoint. Napatigil ako sa pagtakbo nang huminto si Ziara, natulala ako sa nakita. Nakatumba na ang dalawang kasamahan ni Cyrus.
*Boogsh*
Wow! Iyon ang tanging nasambit ko sa isip ko. Nasipa niya patalikod si Cyrus. She's like flying while giving them a kick. Kahit gano'n, apat pa rin silang nakatayo. Susugod na sana ang dalawa pa pero pinigilan sila ni Koko na nasa gitna.
"Good fight, young lady," he chuckled bago nag-inat.
"Fuck you, shadow!" Ziara cussed before giving Koko a real hard punch. Pagkakita ko sa ginawa niya pakiramdam ko ay nabasag niya ang panga ni Koko.
"Z-zi.." I stuttered and whispered, "baka saktan ka nila,"
"Layo ka lang, Nayah. Ako bahala," aniya, tila sigurado sa ginagawa niya.
"Tangina mo, naka-isa ka ah!" sigaw ng parating na lalaki. Nanlaki ang mata ko nang bumalik na agad ang dalawang kasama nilang bumili ng sigarilyo.
Nakapagbitiw na ng suntok ang lalaki pero nakailag naman si Ziara, na-elbow-an niya ito bago sinampal.
"Chim! 'wag!" Cyrus shouted at his troop.
"Josh!" pagpigil rin ni Koko sa mga ito. Pinipigilan rin ng mga kasamahan niya ang dalawang kararating lang na sina Chim at Josh.
Nakawala si Josh at handa na sanang suntukin si Ziara nang mahila ko si Ziara palapit sa akin. Ngunit, mas nabigla ako nang may kamay na sumalag sa braso nitong Josh.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...