Sabay kaming pumasok ni Iesu. Bumisita kami sa shop ni Ash sa Premiere Republic, wala na naman siya doon. Binalita lang sa amin na tinulungan raw siya ng may-ari ng shop na makapasok sa Military Academy.
"Ang galing, I'm so proud of him!" ani ko habang paupo kami sa aming favorite spot.
"Gusto mo ba ng sundalo?" biro ni Iesu, inaasar niya lang ata ako at hindi naman na siya nagseselos.
"Bitch?" pagsusungit ko.
"Bitch?" he imitate me.
"Gusto mo sumabog mukha mo?" singhal ko at pinakita ko sa kaniya ang kamao ko. Hinawakan niya iyon na tila sakop buong kamao ko.
"Imagine, gan'yan lang kaliit ang puso natin," aniya't binitawan ako. He shows me his fist, nanatiling sarado pa rin ang kamao ko, "pero nagkasya tayo sa isa't isa."
Napayuko nalang ako at napatakip ng mukha para hindi niya makitang natatawa ako sa sinabi niya.
"Maharot ka talaga!" saad ko bago umirap. Pangisi-ngisi lang siya at talagang natutuwa na asarin ako.
Maya-maya pa ay dumating na ang order namin. He usually closed his eyes before mag-start kumain, kaya ginaya ko rin siya at nag-pray. Sa isip-isip ko ay mabuti naman ang kalooban ng taong 'to kahit na lagi niya akong iniinis at iniirita, bukal naman ang puso niya.
"Ingrid, say aahh!" humiwa siya ng cake at isusubo niya sa akin 'yon. Isusubo ko na sana nang bigla niyang nilihis bago siya ang kumain no'n.
"Tangina mo!" inis kong sabi. Tumawa siya bago naghiwa ulit. Wala talagang sweetness sa katawan ang taong 'to, puro kalokohan lang talaga.
"Joke lang! Ito na, airplaneeee. Say ahhh!" hagikgik niya bago sinubo sa akin 'yon.
"Sweet, 'di ba?" he teased. Inirapan ko siya.
"Nawa'y lahat!" someone shouted from my back.
"Hoy! Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Iesu, bakas ang galak nang makita ang kaniyang kaibigan.
"Well, nakita ko kayo kanina pa," si Yel pala. He's wearing hooded jacket with black facemask and shades.
"Para ka namang artista d'yan sa outfit mo, may tinataguan ka bang paparazzi?" biro ni Iesu. Natawa ako, gano'n rin kasi ang nasa isip ko.
"S'yempre, mahirap na baka dumugin ako baka dumami magpa-picture," he said with head held high.
Kamuntikan ko na mabuga ang iniinom ko nang marinig 'yon, halos pareho sila ni Iesu na mayabang at mahangin. Sabihin na natin na totoo naman ang sinasabi nilang mga gwapo sila at talagang head turner pero sana naman magkaroon sila ng humbleness sa katawan. Nang magpaulan ng kahanginan, lahat ata sinalo nila. Walang sinabi ang signal ng malakas na bagyo sa hangin na dala ng dalawang 'to.
"Ay nakita ko 'yong portrait na gawa mo," ani Yel at humila ng isang upuan at naupo roon, "ang ganda! Hulaan ko, Virgo ka?"
"Yeah, I'm the living embodiment of a virgo sign." I chuckled.
"Knew it."
"O s'ya, lumayas ka na kaya?" pagtatakwil ni Iesu sa kaibigan, "talagang humila ka pa ng upuan, ah."
"Bobo, patikim nga ng kinakain mo," agad na hinablot ni Yel ang kutsara ni Iesu at sumubo ng cake na kinakain niya.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...