13 - Home

27 5 1
                                    

"Iesu.."

"Iesu naririnig mo 'yon?" kinakabahan kong sabi. I'm hearing footsteps outside.

"Shh, iniisip mo lang 'yan, I don't hear anything," sambit niya na tila antok na antok. Humarap ako sa kaniya.

Natatakot ako. Seryosong takot pero pakiramdam ko, tama siya. Iniisip ko lang ata 'yon. I tried to close my eyes pero napapamulat rin ako, natatakot talaga ako. Napasigaw pa ako nang makitang nakatingin sa akin si Iesu.

"Gago!" I shouted. Natawa rin ako sa pagkabigla at agad naman akong humingi ng paumanhin.

"Hindi ka ba makatulog?" he asked. Umiling ako.

"Namamahay ka ata," saad niya in a weak voice. Antok na ata talaga siya. Nakakahiya, nakaka-istorbo pa ako.

"P'wede lumapit ka dito konti, ang laki ng space na dito sa gilid ko. Baka malaglag ka d'yan," sambit ko at umurong sa pwesto ko.

"Paano ka makakatulog?" he asked.

"Ewan, sige na matulog ka na d'yan," sagot ko at pumikit muli. I felt his hands brusing my hair.

"Sabi nila nakakaantok pag ginaganto 'yong buhok," he said and continue brushing my hair. Hindi na ako sumagot hanggang sa nakatulog na rin ako.

Nagising ako nang managinip akong nag-confess raw si Iesu sa akin na gusto niya ako. I mean he usually say that pero sa panaginip ko, I'm asking him if he likes me. What the heck. Napatingin ako sa kaniya. He is still sleeping, kinumutan na naman niya ako.

"Good morning!" I greeted him nang mag-inat siya at tignan ako. He just smiled and closed his eyes again.

Tumayo ako at lumabas para mag CR at mag-ayos. After no'n ay bumaba ako para magluto. Natuwa ako kasi ang ganda ng tulog ko. Ewan. Pagbalik ko sa kwarto, gising na rin si Iesu at nakapagpalit na siya ng damit. He's wearing plain white t-shirt, ang aliwalas niya lagi tignan.

"Himala, 'di ka na takot?" natatawang sambit niya. Napaisip rin ako bigla, oo nga 'no? Bumaba ako mag-isa, nakapag-CR ako, at nagluto na rin.

"Mabilis lang ako masanay siguro," saad mo. Gaya ng kung paano niya ako sinanay na lagi siyang ka-text. Kainis.

"Kain na. Nagluto ako breakfast," pagmamalaki ko.

"Aba, wifey material!" he raised his eyebrows bago ngumisi at nilagpasan ako. Sinundan ko siya para makakain na kami.

"Next time, lutuan mo ako lunch ah!" aniya. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano pero tumawa ako.

"Saan ka naman humugot ng kapal ng face?" simangot ko bago nagsandok ng kanin para sa kaniya at sa akin, gano'n rin sa ulam.

"Hindi ko pa naranasan 'yon e." he laughed. Hindi na ako nakasagot, kumain nalang kami. "Thank you sa luto, wifey!" aniya pa. Ngumiti nalang ako.

"Uuwi na rin ako mamaya," sabi ko, "pero dadaan muna ako hospital saglit."

Pagtapos namin kumain, ako nag-insist na maghugas. Umakyat siya sa taas at naiwan niya phone niya sa mesa. Nag ri-ring iyon, tinatawag ko siya pero hindi niya ako naririnig ata.

Stella calling...

Hmm, hinayaan ko iyon mag-ring nang mag-ring. Alangan sagutin ko, mamaya kung ano pa isipin ng babae na 'yon kung bakit ko hawak phone ni Iesu. Bakit kami magksama, Sunday na Sunday.

Euphoria's Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon