"Iesu, anong magandang kulay dito sa tint? Ito o ito?" pinakita ko sa kaniya ang pinagpipilian kong kulay ng liptint.
"What's the difference? Wala naman?" nalilito niyang sabi.
"Tanga, meron! Mas light 'to, tignan mo maigi," sagot ko at pinakita sa kaniya ang tint na hawak ko sa kanan.
Napakamot nalang siya ng ulo, "Pareho naman maganda."
"Testing ko nga sa'yo," paalam ko at hinarap siya sa akin.
"Eh sa'yo?" tanong niya pertaining bakit hindi ko i-apply mismo sa akin.
"Naka lipstick ako e."
Akala ko ay aalma siya pero agad niyang binend ang tuhod niya para makapantay sa akin. Ang laki ng ngiti ko nang pumayag siya.
Ang awkward pala habang nilalagyan ko siya ng tint sa lips. Nakatitig kasi parang timang. Haha.
"Why?" he arched his brow. Umiling ako.
"Iyan, tignan mo sa salamin," saad ko. Sinilip niya ang sarili sa salamin tas nagkunwaring naghawi ng buhok palikod ng tainga.
Tawang-tawa naman ako sa ginawa niya.
"Happy?" he asked sarcastically.
Pinagtitinginan kami ng ilang nadadaan na customer pati na rin ang sales lady na kanina pa nakatutok.
"Feel ko, mas okay 'yan," sambit ko.
He agreed. "Yeah, mas natural."
Kumuha ako ng gano'ng shade tapos nilagay sa mini basket. Sinamahan niya akong mamili, hindi lang naman puro make up binili ko. Mostly ay pang skin care. Sinamahan niya rin akong bumili ng books.
"Hindi ka naman naiinip?" tanong ko. Umiling siya at sinundan ako.
Maya-maya pa ay nawala siya sa paningin ko habang nagtitingin ako ng mga libro. Hanggang sa maka-bayad ako ay hindi ko pa rin siya nakita.
"Saan na ba 'yon?" bulong ko sa sarili bago lumabas ng bookstore.
Huminto ako sa gilid at minessage siya. Wala pang ilang minuto ay nasa harapan ko na siya at nag s-snap ng fingers.
"Bakit ka nawala?" I asked. Umiling siya bago tumawa at kinuha sa akin ang pinamili ko para siya ang magbitbit.
"Saan tayo sunod na pupunta?" tanong niya.
Wala na akong alam na ibang pasyalan dito. Nakapamili na ako ng gamit ko at books, masaya na ako. Tumingin ako sa kaniya, kaya napatingin rin siya sa akin bago nagtaas ng kilay. May naisip na ako.
"Sumunod ka lang sa akin," saad ko bago nauna maglakad, nahabol naman niya ako kaya sabay na kami.
Tumungo kami sa clothing boutique, gusto ko siyang bilhan ng damit.
"Why here?" he asked, "hindi ako bibili ng damit."
"Bibilhan kita, ako mamimili," saad ko. Napa-side smile siya sa narinig bago humawak sa batok. Ang cute ng reaction niya.
Nagsimula na kami maglibot, ang dami kong magagandang damit na natipuhan para sa kaniya. Paniguradong bagay lahat ang mga iyon. Isa-isa niyang sinukat ang mga napili ko, bago pinakita sa akin.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...