"Alam mo kung nasaan si Iesu?" tanong ni Kurtiel sa akin nang magkasalubong kami sa quadrangle dito sa school.
"Hindi," sagot ko.
Teka. Bakit ako ang tinatanong niya? E, 'di ba sila 'tong same building at madalas magkita kapag lunch? Bakit sa akin niya ngayon tinatanong.
Wait?
Hindi ko namalayan, hindi ko pala nakausap si Iesu mula pa kagabi nang magpaalam siyang aalis, nakatulog na kasi ako.
"Wala raw siya sa 1st subject sabi ni Bren," pag-aalala nito.
Bakit naman hindi 'yon pumasok? Agad kong kinuha ang phone ko.
"Naka-deactivate ata siya, hindi nagde-deliver ang messages ko kagabi pa," aniya kaya in-off ko na phone ko pagkasabi niya no'n. Ano magagawa ko? Iyon lang ang paraan ko para ma-contact siya.
"Number niya?" I asked. Wala kasi akong phone number ni Iesu. Binigay naman ni Yel iyon, binilinan ako niya akong once ma-contact ko si Iesu ay pakisabi raw na may pupuntahan silang tatlo ni Bren. Pagtapos no'n ay nagpaalam na siyang babalik sa klase.
Nag-load ako para matawagan siya. Tina-try ko ma-reach pero nag ri-ring lang iyon. Ano naman kayang nangyari sa lalaking 'to.
Malapit na mag-uwian, hindi ko pa rin siya ma-contact. Nagpaiwan ako sa room dahil kukunin ko pa ang requirements ko sa Registrar na kailangan para sa application for college admission.
"Nayah!" someone shouted behind the closed door. Lumabas ako para i-check. It was Kurtiel with Bren.
"May balita na?" I asked.
"Wala pa, gago talaga 'yon," Yel cussed, bakas pa rin sa tono niya ang pag-aalala.
"E, 'di ba may pupuntahan pa kayo ngayon?" pag-iiba ko.
"Iyon nga e, hindi namin siya mapupuntahan.." nagkatinginan silang dalawa ni Bren na tila nag-uusap.
"Saan ba kayo pupunta?" panibagong tanong ko. Napahawak lang si Kurtiel sa batok niya bago tumawa naman si Bren. Hindi sila sumagot.
"Ako nalang pupunta kila Iesu," suhesyon ko. Nakapunta na ako doon twice pero hindi ko alam sakay pa-diretso doon kaya uuwi muna ako sa bahay bago siya puntahan.
"Mamaya nalang namin siya pupuntahan after namin sa lak.." sabi ni Bren pero sumapaw agad si Yel, "Gago, bro. Gagabihin na tayo," he whispered to Bren.
"I insist. Alam ko naman papunta sa bahay nila." saad ko at kinuha ko na ang bag ko, "sige na tumuloy na kayo sa lakad niyo."
Ngumiti nalang silang dalawa at kumaway.
"Thank you, Nayah. Kaya ka mahal ni Iesu eh!" Kurtiel said while chuckling, gano'n rin si Bren.
Oras lang na malaman kong may pinaplano 'tong tatlo na 'to para lang pag-tripan ako, yari sila sa akin. What if kinausap ni Yesu ang dalawa para papuntahin ako sa bahay nila? Teka shet, hindi. Hindi sila gano'n. Hindi papayag si Bren, knowing na sobrang gentle no'n sa mga babae. Lalong hindi maiisip ni Iesu ang ganitong uri ng katarantaduhan.
Nang makuha ko ang requirements ko, umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit. Tina-try ko pa rin siya i-contact pero wala talagang sumasagot, even sa Messenger at Instagram.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...