"Boring kagabi, walang chicks sa pub," reklamo ko bago hinilot ang sentido. Binatukan ako ni Yeyel kaya agad ko rin siyang binatukan bilang ganti.
"Puro ka chicks, 'di ka gumaya sa akin, loyal."
"Loyal your ass! Isa ka pang tir—" hindi ko natuloy ang sasabihin kong pang-asar nang magsalita si Bren.
"We have finals next week, so you better hit the book instead of the bottle," he tapped my back before he chuckled.
"Hit the book instead of bottle!" pag-ulit ni Yel bago binatukan ulit ako.
"Gago!" I shouted.
"Bad 'yon!" he shouted back.
Maya-maya pa ay nahinto kami sa paglalakad nang masalubong si Lianne sa hallway. Bihira may pumupuntang ibang strand dito sa building namin unless they're hunting good looking men, marami na nga nakahanap sa akin e, not being picky but they ain't special so they should get in line.
"Bakit mo pa ako sinundo dito?" natawa ako nang tanungin iyon ni Bren kay Lianne.
Mahangin rin pala 'to, akala ko ako lang. No match ang highest signal ng bagyo sa hangin na dala ng isang 'to. Nagbulungan kami ni Yel bago siya kantyawin.
"Jowa ka ba, bro?" nagtawanan kami.
Ngayon ko lang napansin ang kasama ni Lianne. Hinawi nito ang bangs niya palikod ng tainga niya nang may kunot sa noo. Para naman malaki ang galit ng isang 'to sa mundo.
Hmm, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae.
Siniko ako ni Yel nang lampasan ni Lianne si Bren. Kawawa naman bata namin, assuming kasi e.
"Hi!" I greeted Lianne's friend. Nag-wave rin si Yeyel dito, aba hampaslupang 'to. Mamaya maunahan pa ako.
"Mine!" I shouted.
"Yours!" he said. Nag-apir kami. E, kung ganito lagi? Talagang magkakasundo kami.
"Alam niyo pangalan no'n, bro?" tanong ko sa kanila. Umiling si Bren, nagawi naman ang tingin ko kay Yel nang tumango siya.
"Ano?" I asked.
"Libre mo muna ako," he whispered.
Nakakain na siya't lahat, hindi niya pa rin sinasabi. Hindi ko pa rin alam ang pangalan ng kaibigan ni Lianne at hindi niya naman pala talaga alam, gusto niya lang makalibre. Tanga rin ako sa part na 'yon. Naisahan niya ako pero binatukan ko siya at pilit na pinapabayaran ang kinain.
"Oo na, tatanong ko si Lianne!" reklamo niya.
After ng class namin, nagmamadali si Yel na tumungo sa room namin at binato sa mukha ko ang isang maliit na papel na naka-crumple.
"Nayah Ingrid Costello," basa ko rito na may kasamang ngiti.
Agad hinahanap ng mata ko si Lianne, nagbabakasakali na kasama niya si Ingrid ngayong SHS week. Tinakasan ko pa sila Bren para lang talaga hanapin siya.
"Lianne, may kasama ka?" I asked. Sinimangutan niya ako bago hinampas sa braso.
Nagpalinga-linga siya sa tabi niya, "Mukha ba akong may kasama? Nang-iinis ka? Lumayas ka nga!"
Napakamot lang ako sa batok, highblood naman no'n, tinanong lang naman! Dumayo nalang ako sa coffee shop, mukhang ayaw ako paisahin ng tadhana eh.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...