I'm still awake at 3 AM. Hindi ko alam kung anong nangyayari, ang daming thoughts na gumugulo sa akin at hindi ako pinapatulog nito.
Usually, kapag ganitong pagkakataon, tinatawagan ko lang si Iesu para may makausap ako hanggang sa pagtulog pero ngayon, parang ayaw ko siya gambalain. Alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siya kausap, ewan ko ba kung anong klaseng pagda-drama 'to. Iniisip ko nalang kung ano 'yong mga bagay na ginagawa ko noong panahon na hindi ko pa siya kilala. Bakit naman kasi ang bilis ko masanay. Hindi ako nag-ready na posible rin 'tong mawala. Nakakainis.
I messaged him 'like emoji' pero nag-delivered lang iyon. Nice. Knowing him, siguro tulog na 'yon. Nakatulog na rin ako sa paghihintay na posibleng mag-reply pa siya. Bahala na.
Kinabukasan ang aga kong nagising, I checked my phone kasi Monday today, supposedly may coffee together kami ni Iesu sa Republic. Wala pa rin siya reply from my chats last night. Ime-message ko nalang sana ulit siya nang madaanan ko ang post ni Stella. She posted a pic of bouquet and necklace na bili ni Iesu with a caption, "Happy returns. Thanks for tonight, @.ayamyesu."
Napailing nalang ako at naghanda para pumasok.
I guess, no more 'coffee together' days. Kung nagkakamabutihan na sila, ayaw ko na makigulo pa. I'm fine being alone naman. I still can adjust pero kakamadali ko, naiwan ko ang phone ko. Nakasakay na ako sa bus nang mapansin kong hindi ko 'yon bitbit. Mp3 player lang bitbit ko for music habang nasa byahe. This is too old, yet I love this, it's working fine pa rin naman until now."Good morning, Nayah!" bati ng katabi ko. Aba, napakaaga ata ngayon ni Lianne at nauna pa siya sa akin?
"What's with the stare, darling?" she asked and snapped her fingers in front of my face. Tumawa siya at napailing nalang. Weird, inirapan ko lang siya.
"Pinag-uusapan na 'yong Christmas party! Hahahaha tangina mukhang tanga 'yong ideas." Pabulong niyang reklamo.
I couldn't agree more! Ayaw ko rin ng idea na pina-plan for Christmas party. Siguro Lianne and I just share the same taste, e ano kung pambata ang parlor games? Duh! You can feel there the essence of Christmas because that's what we used to do naman. Anyway, I don't have plans coming if hindi pupunta si Lianne.
After short discussion about Christmas party, tumungo kami sa library para maghanap ng mga abstract ng thesis. Here we go again, the unending thesis papers. Hay. Pareho pa kaming nagulat nang may magsalita sa likod namin, si Leigh lang pala. Nagtataka ako kung bakit siya nandito, haler? Anong ginagawa ng isang STEM student sa library ng building namin. Nagkaroon lang sila ng kaunting usapan, na hindi ko na rin naman pinakinggan kung tungkol saan. Afterwards, bumalik na kami sa classroom.
Hawak ni Lianne ang phone niya na tila nagbabasa ng daily readings sa horoscope niya. Tignan mo ang isang 'to, natuwa na sa pagbabasa ng gano'n. Buti sa kaniya, pabor ang Aquarius. Sa akin, kumusta naman?
"Hanggang ilang taon pa ba ako aasa sa lucky color at number ko?" I chuckled. I feel frustrated kasi feeling ko may favoritism ang universe. Pareho naman kami maganda ni Lianne pero bakit siya lang ang sinu-swerte? Okay sige, sabihin na natin hindi nababase sa ganda, sa ugali nalang..
Ay, talo nga ako.
Ngumiti nalang ako at nagsulat sa journal, hindi ako sigurado pero they say fortune favors the bold.
"Dadating din 'yan, basta sa akin, dumating na," saad ni Lianne, ang pinagpalang babae sa mundo ko. Napa-sana lahat nalang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...