10 - Sunsets with you

37 6 2
                                    

Nasa bus palang ako nang maka-receive ng message galing kay Yesu. Paulit-ulit ko iyon na binasa.

From: Iesu Vasquez

: Ingriiiid good morning!

Good morning yesu hahahaha bus palang me

: Oh, panis dito na ako sa republic
: Ingat ha

Napabuntong-hininga na lang ako. Every MWF nag co-coffee kami sa shop ni Ash. Friday ngayon at mukhang makakalibre ako. Nang makarating doon ay sinalubong niya ako ng sarkastikong ngiti habang papasok sa loob. Hinila niya pa ang upuan pasa sa akin at doon naupo na ako.

"Aga ha," bati ko.

"Lagi naman akong maaga 'no!" ngisi naman niya. Lumingon ako sa likod, Ash is looking at us. Kumaway lang ako at ngumiti, agad siyang lumapit sa amin para kunin orders namin.

"Good morning, ma'am, sir! Order po?" this is unusual kasi sa tagal ko nang kumakain dito, ngayon lang nag ganito si Ash. Hahaha!

"Macaroni spaghetti and café mocha akin," saad ko. Nang mapatingin ako kay Yesu ay tila kanina niya pa hinihintay niya akong makuha niya ang atensyon ko. Kinunutan niya ako ng kilay.

"Kanin." pinandilatan niya ako ng mata, "2 rice, saka yung pinakamasarap na dish na mayroon kayo. Add 2 iced mocha, please." dilta niya habang sinusulat iyon ni Ash at umalis na.

"Ikaw kulit mo, sabi sa'yo kumain ka maayos e," napagsabihan pa nga.

"Eh, concern 'yan?" I chuckled.

"Ikaw wala kang concern sa sarili mo? 'pag ikaw pumayat!" habang sinasabi niya 'yon ay natatawa siya. Napaka-bully ng nilalang na ito. As far as I know, hindi ako mataba at hindi rin ako payat. Doon ako sa hanay ng mga sexy, malamang.

"Ay shi-" bulas niya.

"Bakit?"

"Nagsabi pala si Stella na mag di-dinner kami mamaya," saad niya. Napataas lang ang kilay ko pero agad ko rin binaba nang silipin niya ang reaksyon ko.

"Oh, good 'yon, may kasabay ka mag dinner," sagot ko nalang at tumango-tango.

Lately, lagi kaming magka-video call para sabay kami kumain. Hindi ko alam dito kung anong trip niya, sinasakyan ko lang naman siya sa gusto niya.

"Hindi ka nagseselos?" tanong niya bago sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri, binigyan niya pa ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Bitch," I whispered.

"Okay lang naman umamin. Promise," pangungulit niya pa, pinipilit na magseselos ako sa kanilang dalawa.

"At bakit ako magseselos? Asa ka!" singhal ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Bakit hindi? Sa'yo na nga ako. Lugi ka pa?" hambog niyang sabi.

"Ayaw ko! Doon ka na kay Stella, mas bagay naman kayo." irap ko para tumigil na siya.

"Okay."

Euphoria's Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon