"Gago?" I cried. Hinampas ko siya ng unan pagkabukas ko ng pinto. Tumawa siya nang tumawa.
"Paano ka nakapasok?" tanong ko at binigyan siya nang masamang tingin.
"Inakyat ko gate niyo."
"Wow, akyat bahay ka ba dati?"
"Hindi, ngayon lang," pabirong sagot at sakay niya sa tanong ko. Inirapan ko siya bago bumalik sa kama ko.
"So, this is how your room looks like," inusisa niya ang paligid ng kwarto ko.
Para namang normal lang sa kaniya na ganito. Nakakainis, hindi mawari kung insensitive ba siya or super sensitive lang ako?
"Are you okay?" he asked.
Hindi ako umimik. Pakiramdam ko anytime ay maiiyak ako sa galit. Bakit naman ang insensitive ng taong 'to.
Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko bago hinawi ang buhok ko palikod sa tainga.
"I'm sorry, Ingrid," he started. Finally, he is sorry for what he had caused me.
"Sorry for causing you trouble," he added before he lift my chin to see me, "and for confusing me with your actions," I added as I met his gaze.
Nilayo niya ang mukha niya sa akin at binitiwan ang hawak sa baba ko.
"What?" he asked.
"Alam mo, Iesu, akala ko malinaw na tayo dati pa pero ngayon parang mas lalong lumabo. Manhid ka ba? Tingin mo hindi ako nasaktan sa nalaman ko? Ni hindi mo nga sinabi sa akin na si Stella pala yung nabastos sa pub noon at ano dinahilan mo? Sabi mo kasalanan ng mga kaibigan ni Bryce iyong pagkabugbog sa'yo kahit hindi?" tuloy-tuloy kong sabi, para kasi akong mauubusan ng hangin kapag hindi ko nasabi mga gusto ko.
"You think I wouldn't be confused kung umamin kang gusto mo ako tapos si Stella ang sinasamahan mo? Alam mong gusto kita! Pero why do you think I'm keeping it for so long? S'yempre hindi mo alam kasi puro ka lang naman biro."
Huminga ako nang malalim.
"I like you, Iesu. I— I actually love you and you know I grew up not having my real parents beside me," I couldn't help but to tear up silently as the memories flashes in my mind.
I promised to myself na kikilalanin ko muna ang lalaking pagbibigyan ko ng puso ko.
"Ayaw ko sa huli magsisi kaya gustong-gusto kita makilala, Iesu. Gusto ko kapag pumasok tayo sa isang relasyon, siguradong-sigurado na tayo. Alam mo kung bakit? Kasi ayaw kong maranasan ng magiging anak ko iyong naranasan ko, in other case, lumaki nang hindi nakilala ang tunay na magulang, kasi sila hindi makakapili ng magiging magulang pero tayo? P'wede natin 'yon gawin para sa kanila."
I released a deep sigh bago pinunasan ang luha na tumutulo sa mukha ko. Habang siya ay nakikinig lang.
"I keep you waiting but don't you think I'm waiting too? Hinihintay ko na magalit ka, hinihintay ko na dumating tayo sa punto na susubukin tayo ng problema kasi hinihintay ko magiging reaksyon mo sa mga bagay na 'yon,"
"I'm sorry.." he whispered.
Umiling ako, "Pero hindi, when I first realized that I liked you puro parte mo lang na hindi ko gusto ang hinahanap ko. That's why I keep denying I don't like you pero habang tumatagal, ikaw nalang lagi nasa isip ko. I hate you for being the reason why I stay awake until midnight." I chuckled.
"Sorry," he said again.
"I hate it because I tried to find parts of you I didn't like, but you've been so kind!"
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...