04 - Diamonds cut diamonds

42 6 5
                                    

"Nayah!"

Nakatingin sa akin ang lahat pagpasok ko palang ng auditorium, kanina pa pala ako hinahanap dito. Galing pa kasi akong bahay, umuwi ako para magpalit ng damit.

"Gaga, ngayon start ng rehearsal. Saan ka galing?" bungad ni Stella. Nilapag ko ang dala kong bag sa side table bago inalis ang ID na suot.


"Nakapag-umpisa na ba?" tanong ko bago kinuha ang script sa bag ko at naupo sa monoblock chair.



"Oh, ano upo ka lang d'yan?" boses ni Iesu. Lumingon ako mula sa likuran, sinalubong siya ni Stella na may malaking ngiti.


"Hi, Iesu! Kumain ka na?" Stella asked seductively. Napairap nalang ako. Ano lahat nalang gusto niya? Akala ko ba si Ash?


"Bakit papakainin mo ba ako?" patol naman ng isa.

"Depende, ano bang gusto mo? Ako?" mapang-akit niyang tanong. Mas kumunot ang noo ko sa narinig. Really? Dito talaga sila sa tabi ko maglalandian? Nakakasuka ha.


"Pagkain ka ba?" pambabara naman ng isa.


"Hindi pero masarap ako," pagpapatuloy ni Stella.

Bigla akong tumayo kaya napatigil silang dalawa. Tinawag pa ni Iesu ang pangalan ko pero dire-diretso lang akong lumapit sa mga ka-grupo ko.

Nag-warm up exercise muna kami at saka kami nagpractice ng batuhan ng lines, ang hirap sa part ng kakanta. I don't really find myself good in singing pero as part of this play, kailangan kong gumanap at kayanin. Mediocre talent lang, hindi magaling pero p'wede na gano'n.


"Ang ganda pala ng boses mo, baby!" puri ni Iesu. Itong taong 'to basta basta nalang sumusulpot sa tabi ko.

"Doon ka nga, istorbo ka dito!" pagtataboy ko sa kaniya.Naparito lang naman 'yan para asarin ako magdamag at saka bakit ba siya nandito, wala naman ata silang rehearsal ngayon.

"Tanghaling tapat, ang sungit mo, ah?" singhap niya at naupo pa talaga siya sa tabi ko.

"Makaka-distract ka dito, ano ba?" saad ko pero mas lalo pa siyang lumapit sa akin.

"Magpapa-distract ka naman? Yiee."

"Ang epal mo," bulong ko bago umirap.

"Tumayo na ang lahat," utos ng leader. Nag-umpisa na kami ng actual scenarios kung saan mayroon na rin mga props na gagamitin.


"Over dinner. December 22, 2012."


Biglang nanlambot ang tuhod ko ng marinig ko ang salitang "Anak,"

Dito may tatay pa ako.


"T-tay," napatingin ako sa mga kasamahan ko na ino-obserbahan ang galaw ko. Tila hinihintay nila ang susunod kong sasabihin.

Bigla akong nawala sa sarili ko, hindi ko rin alam. Out of the blue, biglang sumakit ang puso ko, naalala ko lang siguro kung nasaan ang tatay ko?



"Hoy, bakit ka umiiyak!?" nag-panic sila nang makitang tumulo ang luha ko. The heck, did I just make a scene?


"Hala sorry. Ulit, direk, sorry po talaga," I said, my voice. I took a deep breath and tried to compose myself.

During the practice may mga paulit-ulit akong pagkakamali palaging dead air o 'di kaya ay na me-mental block ako sa kasagsagan ng matinding drama scene. Sa buong tatlong na oras ata na practice, ako lang ang may pinaka maraming pagkakamali.


Euphoria's Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon