Nagulat ako nang magpaalam si Lianne na lalabas na. Siya ang pinakaunang lumabas ng room. Sumilip pa ako sa pinto akala ko nandoon na si Leigh or sila Bren pero wala. Nagtataka naman ako kung saan ang larga niya at bakit nagmamadali. Lumabas na rin ang mga kaklase ko at ako nalang ang naiwan sa loob ng classroom. Wala akong balak bumaba, hindi rin naman ako gutom. Tumayo at ako inayos ang palda ko, paupo palang ulit ako nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Nayah Ingrid!"
As usual si Yesu. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan ng nagtatakang tingin. Tumungo ako palapit sa kaniya. Hindi pala siya nag-iisa.
Kasama niya sina Bren at Yel.
"B-bakit?" bigla akong nawala sa sarili nang makita si Bren.
Hinawakan ako ni Iesu sa braso at inalog, "Bakit ka nauutal? Ako lang 'to."
Tumawa ako at napailing, doon na ako nabalik sa wisyo, "Wala si Lianne, kung siya hanap niyo."
"Obviousl," sarkastikong sagot niya. Sinagi naman ni Yel ang siko ni Yesu bago pailing na tumawa.
"Kasama niya ba si Leigh?" tanong ni Bren. Nataranta ako nang tanungin niya ako.
Pakiramdam ko bumilis nang sobra ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya, para akong dinuduyan sa ulap. Nag-finger snap si Yesu sa harap ko, natulala pala ako. Tae, hindi p'wedeng mahalata nilang sabaw ako.
I'm embarrassing myself too much in front of these guys.
"Yes or no lang 'yan, miss," pang-aasar ni Iesu Vasquez, ang bwisit sa buhay ko.
"A-ah, hindi. Hindi pumunta si Leigh." napatikom ako ng bibig pagkatapos ko sumagot. Magsasalita na sana si Iesu pero inunahan ko na siya, "wala siyang nasabi kung saan siya pupunta, siya unang lumabas right after ng dismissal e."
"Ah blah- blah!" sabat ni Iesu, "tara kain na tayo, gutom na ako."
Tumingin siya sa akin bago kumindat. Hinila niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako doon.
"Tara sabay-sabay na tayo mag-lunch," aniya.
Wala na akong nagawa kun 'di magpatangay habang hawak niya ang kamay ko. Wala akong dalang pera. Bahala siya. Habang naglalakad ay pormal akong pinakilala ni Yesu sa dalawa.
"Yel, pogi for short," hambog na pakilala ni Yel. Nagbatukan pa sila ni Iesu pagkatapos niyang sabihin 'yon. Pogi naman talaga si Yel, may small dimple sa corner ng bibig niya kapag ngumingiti. Pareho sila ni Ash.
"Ako 'yong pogi, 'wag ka maniwala d'yan," selosong saad ni Yesu.
"Ito naman si Boss Bren," baling naman niya kay Bren na tahimik na naglalakad. Ngumiti lang siya pero hindi manlang tumapon ang tingin sa akin.
"Ako naman," nagbibida-bida na naman si Yesu sa kalokohan niya, "ang future mo!" biro niya.
Sabay sila ni Yel na nag-'ayie' at nagkantyawan. Ganito ba pakiramdam ni Lianne sa tuwing kasama ang mga lalaking 'to? Ang kukulit nila.
"Nayah," pakilala ko nang maupo na kami.
"Nayah Ingrid Costello," dugtong ni Yesu na kahit kailan ay bida-bida.
"Ready ka na ba masira buhay mo? Bakit mo kinaibigan 'tong kupal na 'to?" pang-aasar ni Yel bago nag-make face kay Yesu.
Para silang baliw dalawa. Parang mga bata umasta, hindi gaya ni Bren na tahimik at mukhang laging malalim ang iniisip. Sana minsan dumapo rin ako sa isip niya. Kailan kaya?
BINABASA MO ANG
Euphoria's Shadow
RomanceVasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressure get to him. Instead, he developed a laid-back and easy-going personality that quickly made him one...