We woke up late the next morning. We took our time in packing our things. This is the last day for us dito sa The Cove. I am a little bit scared to go back to Makati and face reality.
What if things won't work out again in the end? What if hindi papayag ang mga magulang namin sa kung ano ang meron kami? What if iwiwithdraw ng VRE ang partnership with NCFMC?
My eyes are full of worry when I felt Ryu's arms snaked my waist from the back. Pinatong niya ang ulo niya sa aking balikat at hinalikan ang aking leeg. "What's bugging your mind, baby?" he asked softly.
Ngumiti ako at umiling, pinatong ko ang mga kamay ko sa nakapalupot niyang kamay sa akin baywang at hinihimas ito. "Nothing. I just wish we could stay here forever."
His eyes lit up and a big smile formed from his lips. "Do you want to?" Tumawa ako. "Stop it. We have work." He laughed with me and kissed my cheeks. "Let me pack my things or else, gagabihin tayo sa daan." Ngumuso siya ngunit pinakawalan din ako sa mahigpit niyang yakap.
I continued packing habang siya ay nakaupo sa kama, nakatitig lang sa akin.
Nginitian ko lang siya habang tinutupi ang mga damit ko. When I finished, we decided to eat lunch outside bago bumyahe.
Hindi na rin kami nagtagal at nang matapos na kaming kumain ay agad naman kaming bumalik sa villa para kunin ang mga gamit.
We checked out at the reception at para maisauli ang key card doon. Ang babaeng receptionist noong dumating kami ay naroon pa rin.
Nakangiti siya nang makita kami at binati kaming dalawa ni Ryu. "Good afternoon, Maam, Sir. We hoped that you enjoyed your stay even after the misunderstanding."
Tumango si Ryu sa receptionist at ngumiti naman ako. "It's okay. We enjoyed our stay." Si Ryu habang inaabot ang key card sa babae. Kinakalikot ng babae ang kompyuter at maya maya ay nakangiti kaming hinarap muli. "Okay na po, Sir. It was great serving you and we hope to see you again soon."
Umalis na kami sa reception area at nagtungo sa parking kung nasaan ang sasakyan ni Ryu. He opened the car door for me at pagkatapos ay inilagay niya na ang mga gamit sa likod na upuan bago pumasok sa driver's seat.
Inilagay ko ang aking seatbelt at nang matapos ay nagsimula nang magmaneho si Ryu pabalik sa Makati.
Nakatingin ako sa bintana ng kotse habang nasa biyahe kami. Ryu's hand snatched mine and held it while thumb is caressing my hand. Napalingon ako sa kanya at ngumiti.
"What are you thinking about? Hmmm?" malambing na tanong ni Ryu. I looked at him and was trying to deny about some things that have been bugging me. Umiling lang ako pilit na ngumiti.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (The Navalta Series # 1)
RomanceRyu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities management company in the country, NCFMC - Navalta Construction and Facilities Management Company. Th...