Chapter 35

984 14 2
                                    

Nakaupo si Ryu sa tabi ko habang nakapatong ang dalawang siko sa tuhod at yumuyuko. Maya maya ay nag-angat ito ng tingin sa akin at nagsimula nang magsalita. "The morning Tita Leanna went to your office was the same day that I went to the lawyers after an investigation was done." Nakatitig siya sa akin at nagpatuloy sa pagpapaliwanag nang makitang punong puno ng tanong ang mukha ko. Anong imbestigasyon? Ano ba nangyari?

"Hindi ko lang agad masabi sayo dahil baka makahalata sila at maudlot ang imbestigasyon. Our people have been investigating them for months now. No one knows except Jigs, the company's lawyers, and the investigators. I was about to tell you on the day Julianna and Tita Leanna did the interview but nalaman ko from Nisha na you filed for a leave and your phone was off. I tried coming here as soon as possible, ngunit sa parehong araw na iyon, nakuha namin ang malaking ebidensya na magpapatunay sa ginawa ng mga Valencia." His voice was serious.

Sobrang nalilito na ako sa mga pinagsasabi ni Ryu. "Ano bang pinagsasabi mo Ryu? What lawyers? Why is there an investigation?" sunod sunod na tanong ko. Ryu's eyes hodded. "The Valencias embezzled a lot of money from NCFMC, Ky. More or less limang bilyon."

Nanlaki ang mga mata ko sa rebelasyon ni Ryu. Embezzled money? The Valencias? Bakit? They're company is doing well, malaki nga ang tulong ng VRE sa NCFMC kaya bakit pa sila magnanakaw ng pera ng kompanya.

"W-what? The Valencias? How, Ryu? What happened? I mean, may ebidensya ka ba? Maybe you're overreacting? Are you sure, Ryu?" sunod sunod na tanong ko.

Tumango si Ryu. "I didn't believe it at first ngunit nang makita ko ang mga ebidensyang nahanap ng mga tao ko, naikumpirma ko na gawain nila iyon after a year nang naging partner nila ang NCFMC.
Tito Marco with the help of Tita Leanna faked vendor payments, stole site materials and equipments, sold trades in secret, unauthorized transfers between ledger accounts, and wired some funds from NCFMC to secret personal accounts." Inilabas niya ang kanyang cellphone at hinalungkat na para bang may hinahanap. Maya maya ay hinarap niya sa akin ang cellphone niya at pinakita ang iilan sa mga ebidensyang nahanap ng mga tao niya.

Namilog ang mga mata ko sa mga nakita ko. There are papers with invoices pero pawang maliliit lang pero sa dami ng mga invoices nay un, if you sum it up, alam kong sobrang laking pera iyon.

Everything was signed by VRE since hindi naman lumagpas sa threshold ng contract, so their side can sign them. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ng mga Valencia knowing na okay naman takbo ng kompanya nila.

Ibinalik ko kay Ryu ang kanyang cellphone at parang nagsitayuan ang balahibo ko sa nalaman ko. Ryu put his phone on the table and faced me again.

"Kaya minamadali ni Tita Leanna ang kasal namin ni Julianna para in case man na magsilabasan ang mga ginawa nila, they'll just claim na kasal naman na kami ng anak niya so the money will be both ours, but please believe me that I never agreed to the wedding nor the engagement. Everything they said on the interview is all made up, Ky. Believe me." His eyes pleading. Tumango lang ako at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Kahit sila Mama at Papa ay hindi alam ang ginawa kong imbestigasyon. Nalaman lang nila ang lahat nang tumawag sila when they watched the interview. They were shocked sa mga sinabi nila Tita and Julianna about the wedding and other things kasi alam nila I never agreed to this, from there, I had to tell them what I found out." He continued.

Nanatili akong nakaupo sa tabi niya habang paunti unting pinapapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Ryu. "I'm sorry for what happened, Ky. I had to keep it cool between The Valencias para hindi sila magduda na pinapa-imbestigahan ko sila at para mas madali sa akin ang magmasid sa kanila. Pero wala silang alam hanggang ngayon sa nangyari, I am just waiting for Mama and Papa to come home para makapag-issue na ng warrant of arrest. I'm sorry to drag you into this but I think you need to know." He explained. I nodded, still in shock by the revelation.

It Was Always You (The Navalta Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon