It was around 12 noon when we decided to return to the villa to order our lunch. Nang dumating kami sa villa, dumiretso si Ryu sa loob para makapagshower at makapagbihis. “I’ll call the restaurant and order food. What do you want?” habol kong tanong kay Ryu.
“One steak please. Thanks.” Sagot niya bago pumasok sa banyo. I dialled the restaurant and order one steak for Ryu and a grilled chicken for me. Binaba ko ang telepono at kinuha ang cellphone sa aking bag at nagtungo sa sun lounger sa labas malapit sa swimming pool ng aming villa.
I saw one text from Jigs and read it. I received it 30 minutes ago at nakaalis na raw sila sa bahay nila. Buti naman kung ganon, they’ll be here at around 1 or 1:30.
I took selfies and posted it on my instagram story. Fifteen minutes after lumabas na ng banyo si Ryu at nka sweatshorts lang siya na black at nakatopless. Pinupunasan pa niya ang buhok ng tuwalya when he sat behind me. Nagulat ako pero yumuko lang ako at nagscroll ng facebook.
“Did you order lunch?” ani Ryu. “Yup.” Tipid kong sagot.
Tumayo na rin siya at pumasok sa loob at dumiretso sa sala. Nakita ko siyang pinaandar ang tv at saka lang ako nakahinga ng maayos ng umalis siya sa likod ko. Nanatili akong nakaupo sa sun lounger while peacefully lookin at the view. The beach is calm and serene.
After awhile ay may kumakatok sa labas. Tumayo si Ryu mula sa sala at binuksan ang pinto, it was Pedro, dala dala ang lunch na inorder ko.
“Sir Ryu, ito na po ang inorder niyo.”
“Pakilagay na lang po diyan sa mesa, Mang Pedro.” Sagot ni Ryu sabay turo sa lamesa na nasa balkonahe sa entrance ng villa. Inilapag ni Pedro at pagkain at nagpasalamat si Ryu. Umalis din naman si Pedro agad.
Nilingon ako ni Ryu sa kinauupuan ko at nagtagpo ang aming mga mata. I saw how his eye light up at bigla niya akong tinawag. “Ky, lunch is here. Lika na. Dito na tayo kumain sa labas since the weather is fine and para makalanghap ng fresh air.”
Tumango ako at tumayo sa kinauupuan. Inayos ko ang dress ko bago pumunta sa balkonahe. Hinila ni Ryu ang upuan at iginiya ako paupo. Nagpasalamat ako at umupo. Naupo sa tabi ko si Ryu at kaharap namin ay ang dagat pa rin. Napapalibutan ang The Cove ng kulay asul na dagat.
Inilapag ni Ryu sa harap ko ang grilled chicken at ang steak sa harap niya. May kasamang drinks ang order naman. Iced tea iyon. NIlagay ni Ryu ang isang baso sa right side ko at nagsimula na kaming kumain.
We were both eating quietly nang may narinig akong boses ng babae. Nag-angat ako ng ulo para tingnan kung sino ito. It was the short haired girl na nakikipagusap kay Ryu kanina sa dagat. Nagsalubong ang aking mga kilay ng pinansin niya si Ryu.
“Hi, there, Ryu.” Masigla niyang pagbati kay Ryu sabay wave. She is still in her bikini at talagang may guts pa siyang dumaan dito bago dumiretso sa villa nila. Nakita kong nakangiti si Ryu sa gilid ng aking mata.
“It’s really a small world na magkatabi yung villa natin. So, you have to come later. It’ll be fun.” Pagpapacute na aya ng babae.
Bago pa makasagot si Ryu ay narinig namin ang sigaw ni Jigs na may dalang malaking plastic at siguro ay mga inumin iyon, “What’s up, losers! We’re here.” Napalingon ako sa kinakatayuan ni Jigs and Rav’s behind him kasama rin si Kuya Ernesto na may dalang food container at dumirteso sa loob.
Nagulat ang babaeng kumakausap kay Ryu and she turned to Jigs. Nginitian ni Jigs ang babae nang mapansin ito at inilapag sa sahig ang dala dalang plastic at lumapit sa babae. “Hi, Miss.” Pagbati ni Jigs sa babae.
Ngumiti ang babae at inayos ang buhok bago nagppakilala kay Jigs. “Hi, I am Clara. And you are?”
Jigs smiled and inabot niya ang kamay kay Clara para makipagkamayan. “What a beautiful name. I am Jagger, his brother, but you can call me Jigs. And this is Rav” Sabay turo kay Ryu at Rav. Nakangiwi ang bibig kong tinitigan si Jigs. Napakaloko talaga nito pagdating sa mga babe. “What brings you here, Clara?”
“Oh, I wanted to invite your brother at our villa tonight. My friends and I are throwing a party at 7:30PM. If you want, you can go too. The more, the merrier.” Aya ni Clara na pumalakpak pa ang mga kamay.
Nilingon kami ni Jigs. “Oh, ano, Kuya? Ky? Punta na tayo. It’ll be fun, kaysa naman nakatunganga tayong lahat dito sa loon. A little party won’t hurt. It’s our chance since wala pa mga oldies.” Excited na pag-aya ni Jigs sabay tawa. Hinarap niya ulit si Clara. “Count us in. We’ll all be there. Is it okay na isama namin si Ky? By the way, she is Ky.” Sabay turo sa akin nang mapansing niyang nakabusangot ang mukha ko.
Isang tuyong ngiti ang binigay ko sa babae. “Hi. Yeah, sure. You can bring your little sister too, kaysa naman mag-isa siya diyan. See you later, guys.” Tukoy ni Clara sa aking nang nakataas ang isang kilay tsaka umalispara bumalik na sa villa ni.
Napanganga ako sa sinsabi niya. Little sister? How dare that woman. Nakita kong patagong tumawa si Ryu habang si Jigs at Rav naman ay walang preno.”Little sister ka pala, Ky, e.” tukso ni Jigs.
“Tumahimik ka nga diyan. It’s not funny.” I glared at him and continued eating lunch.
Rav sat down sa upuan sa harap ko at tumabi si Jigs sa kanya. “Kuya Jigs, if we’re going to the party tonight, what about the drinks we brought?”
“Easy. We’ll bring it share it to our new friends.” Sabay high give ng dalawang magkapatid. Ryu just stared at his brothers at napailing sabay kain. Ryu is not that strit with his brothers, kaya pinapayagan niyang uminom lang din. Ugh, men.
“Did you eat?” tanong ko para maiba ang topic namin. “Yeah, we ate before magtravel. I’ll head to our room and will take a nap. Kailangan kong magpahinga para marami akong energy mamaya sa party.” Si Jigs at tumayo at pumasok na sa villa at nagtungo sa labas.
Rav stood up and headed inside too. Pero sa sala siya dumiretso at pinaandar ang telebisyon. Naiwan kami ni Ryu at tinapos ang pagkain. Niligpit namin pareho ang pinagkainan at nagtungo sa kusina para hugasan ang mga ginamit na pinggan at baso.
Kinuha ni Ryu sa aking kamay yung bitbit kong pinggan. “Let me wash them and you take a rest, little girl.” He grinned and went to the kitchen sink.
Napanganga ako sa sinabi niya at padabog na kinuha ang bag ko at padabog na umakyat sa hagdan patungo sa aking kwarto. I slammed the door when I got inside.
I went throught my bag at nilabas ang dala kong mga damit. Little girl?! Really, huh? Well, we’ll see about that tonight. I am definitely going to this party and will show all of the who the little girl is.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (The Navalta Series # 1)
RomanceRyu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities management company in the country, NCFMC - Navalta Construction and Facilities Management Company. Th...