Chapter 33

811 10 1
                                    

We were walking along the beach nang marating na namin ang Modern Lane. "Dito na ako, Eli. Salamat sa lunch at sa paghatid." Nakangiti kong sabi habang nasa daanan kami papasok sa Modern Lane. Tumango si Eli at nilibot ang mga mata sa malaking gusali na tinutuluyan ko. "Wow, it's nice here. You could really relax lalo na at mag-isa ka."

I nodded. "Yup at may magandang view din." Nakangisi kong sabi. "So, let's see each other again? We will be staying for another week." nakangiting tanong nito sa akin. I don't see why not so tumango ako. "Oo ba, you know where to find me." Biro ko sa kanya. He laughed with me. "Uhm, can I take your number?" he asked.

Hanggang ngayon hindi ko pinaandar ang cellphone ko at wala akong balak paandarin iyon habang nandito ako. "Actually, I kept my phone off para walang work stuff na makaisturbo sa akin, pasensya na. I want some peace while having a vacation here, that's why. Hmm, you can call my room extension if you want." Suhestiyon ko at tumango naman siya. Ibinigay ko ang numero ng telepono sa aking kwarto at nagpaalam na siyang umalis.

Nang nasa suite na ako, naisip kong manuod na lang ng telebisyon. Pagbukas ko ng telebisyon ay nakahanda na ang mga available na pelikula na pwede kong pagpilian. Medyo tinatamad pa naman akong maglibot libot gawa siguro ng pagod kahapon lalo na sa pagdrive at sa sama ng loob, nagdesisyon akong manatili muna sa loob ng kwarto at manood na lang.

Pagdating ng oras ng hapunan, tumawag lang ako sa restaurant ng resort at magpadeliver na lang ng pagkain sa aking suite. Sinamahan ko ito ng red wine para makatulog kaagad ako mamaya at para bukas, mag-eexplore ako sa dagat at maglilibang.

Mahigit kumulang trenta minutos bago dumating ang inorder kong pagkain. Mag-isa akong kumain sa dining ng aking suite at inenjoy ang katahimikan sa palibot. Nang matapos ako ay tumungo ako sa balkonahe ng aking suite dala dala ang wine glass na may lamang red wine.

Napapikit ako sa sariwang simoy ng hangin na sumalubong sa akin sa labas. Mula sa balkonaheng ito, nakikita ko sa isang bahagi ng resort, ang camping site. May maliit na bonfire sa gitna ng iilang tents at may mga naggigitara at nagkakantahang mga grupo ng magkakaibigan. Napangiti ako sa mga ito habang nakikinig sa kanilang kanta. They were laughing and dancing and enjoying the moment, something I haven't experience before.

Ang agos ng tubig dagat at ang liwanag ng buwan ay nakadagdag sa payapang nararamdaman ko ngayon. Alam kong hindi madaling makalimutan ang napanood ko kahapon ngunit sa tulong ng dagat at sa tulong buwan at mga bituin, unti unti akong nakakaramdam ng gaan. My eyes stayed on the bonfire at the camping site habang umiinom ng wine.

Huminga ako ng malalim at nag-iisip ng mga pwedeng kong gawin bukas sa resort. Marami naman silang beach acitvities na inooffer kaya sigurado akong magiging masaya ang mga susunod na araw ko rito. Ngumiti ako at paunti unting inubos ang wine. Nang maubos ko ito, pumasok na ako sa loob at dumiretso sa banyo para magshower.

Agad akong nahiga sa kama pagkatapos kong magbihis. Kailangan kong matulog ng maaga ngayon para marami akong enerhiya na maglibot at magliwaliw sa resort. I know I have been here with my family ng maraming beses pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maaglibot libot sa buong resort. We always used to stay at the villa while having private lunches and dinners. I started closing my eyes and drifted to sleep.

Maaga akong nagising kinabukasan at nagpasyang maligo agad para makapag breakfast sa restaurant ng hotel. I decided to wear my beige colored High-Waisted Culottes and paired it with a ribbed white crop top at beige na kimono.

It Was Always You (The Navalta Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon