Chapter 38

999 15 1
                                    

Huwebes ng umaga ay biglang nagpatawag ng meeting ang VRE kasama si Robert, ako, at ang isang Finance Manager. It was an unscheduled meeting. Ryu and I were supposed to have a meeting ngunit namove ito ng hapon dahil nadelay ang flight niya from Iloilo.

We were called by Mr. Marco at the conference room for the meeting. Kinutuban na ako kung patungkol saan ang meeting lalo na nang malaman ko na iilan lang kami ang naroroon. I brought my laptop with me sa conference room at nang makapasok ako ay naroon na sila Marco and Leanna Valencia.

I texted Ryu before I went to the conference na magpapameeting ang VRE ngunit wala pang reply sa kanya.

When I entered the room, I saw the smirk on Leanna's face but chose to ignore it. "Good morning." Bati ko sa kanila. "Good morning, Engineer." Bati nilang dalawa sa akin. Hinila ko ang isang upuan at umupo na at binuksan ang laptop.

Maya maya pumasok na ang Finance Manager na si Edward, siya ang mga nagrerelease ng pera lalo na kapag may mga petty cash or anything related sa cash out, kasunod niya ay si Edward. Bumati ito sa amin bago nagsiupo sa mga upuan na naroon. Hindi na maiguhit ang mukha ni Robert, kitang kita ang stress at kakulangan ng tulog sa kanyang mga mata.

"Alright, are you guys settled in?" nakangiting tanong ni Marco sa lahat. Lahat kami ay tumango. Inilapag ni Marco ang mga papeles sa gitna ng lamesa.

"Engineer, I have come to know that the papers for Kiryu Properties were not yet signed? Can you please tell me why? Nadedelay ang trabaho ng lahat dahil lang sa ayaw mong permahan." Nakangiting tanong ni Marco sa akin.

I saw Robert's dark eyes darted at me. Binalewala ko lang lahat ng iyon at hinarap si Marco. "I understand your concern, Mr. Marco pero bilang Engineer ng NCFMC, I'll have to review the documents for signature especially na above threshold yung value ng pepermahan ko." I explained calmly.

Robert scowled. "Nako naman, Engineer. Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na okay naman yang proyekto lalo na't si Sir Marco naman ang may hawak niya. Pinapatagal mo pa eh, lalo tayong nadedelay." Suplado niyang salita.

Sumagot naman si Edward, "But Engineer Puertollano is right, Robert. Since sobra sobra ang value sa threshold, kailangan pa niyang ireview ulit, para rin naman sa kompanya ang ginagawa niya."

Leanna chuckled. "Iha, we always offer Kiryu Properties the best, ngayon lang nadelay dahil sa perma mo. Can you imagine the disappointment from the client kung malaman nila na hanggang ngayon hindi masimulan ang trabaho just because ayaw ng isang Engineer pumerma." Her tone is insulting me. I shrugged it off and remained calm.

"I'm sorry for the delay, Mrs. Valencia but I have to thoroughly review the papers to be signed lalo na't hindi ako involved dati at si Robert lang ang nakakaperma. I have to discuss this as well to Ryu since lumagpas po tayo ng threshold. I have to make sure na masasagot ko lahat ng tanong ni Ryu regarding dito." I explained.

Muling tumawa si Leanna. "Okay, iha. Ako na ang kakausap kay Ryu. I'm sure walang maraming rason ang manugang ko tungkol diyan." Si Marco.

Hinarap ni Marco ang dalawa pa naming kasama. "Edward, Robert, we'll try to sort it out today. Maari niyo ba kaming iwan muna?" Tumango ang dalawa at tumayo na. Bago lumabas, tinitigan pa ako ng masama ni Robert ngunit binalewala ko lang iyon.

It Was Always You (The Navalta Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon