Kinaumagahan, I continued my routine at the office. Nakita ko si Robert at hindi maiguhit ang mukha nito, kitang kita sa mukha nito na halos wala na siyang tulog dahil sa laki ng eyebags. Inihanda ko ang sarili ko sa posibilidad na lalapitan niya ako pero dire-diretso siyang pumasok sa opisina niya. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy na bumalik sa opisina ko.
Saktong pag-upo ko sa aking office chair ay ang pagring ng cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Mommy! Kamusta kayo ni Daddy?" Matagal kaming hindi nagkausap ng mga magulang ko. Naiintindihan ko naman na sa sobrang busy nila, idagdag pa na nasa ibang bansa sila, given the time difference, hindi namin maabutan ang isa isa.
"We're fine, iha. Sorry, ngayon lang kami nakatawag ng Daddy mo. We're all shocked with the news at sobrang naging busy dito gawa ng kailangan namin makipagmeeting agad sa client to explain to them that a new Engineer will be handling the contract." Si Mommy.
Hindi ako nagsasalita at hinintay na matapos ang sasabihin ni mommy. "Muntik pang umayaw yung client kasi they don't personally know Engineer Salvador, good thing pinaliwanag naman namin na he has an experience here in Dubai. Kaya konting araw na lang, anak, and we'll be home. How are you? How are things there?" pagpapaliwanag ni Mommy.
Nakangiti ako kahit hindi naman niya kita. "I-I'm fine, Ma. Things are.. normal, I guess. I believe walang idea lahat ng mga tao rito. Ryu has been handling everything well here." Pag-aasure ko kay Mommy.
"That's good, then. I heard Robert threw tantrums at you yesterday?" pakikiusyuso ni Mommy. "Lagot sa akin ang Robert na yan pag-uwi namin diyan!" naririnig ko ang boses ni Daddy. Medyo natawa naman ako roon. "He did but everything's fine, Mommy. I handled him." Pagyayabang ko.
I heard my mother's soft chuckle. Ngayon ko lang napagtanto na namimiss ko na sila ni Daddy. I have always lived far from them pero I can't hide the fact that I miss having them around. "Oh, siya. We have to go, anak. Kailangan pa naming maghanda ng Daddy mo at magbabyahe pa kami from Dubai to Abu Dhabi. Ingat ka diyan, iha. See you soon. Love you, anak."
I smiled. "Bye, Ma. Love you too! See you soon." the call ended and I returned my cellphone on my table.
Simula noong umalis ako ay hindi pa ako nakapagbukas ng kahit anong social media ko. Since hindi naman na ako gaanong katambak ngayon at gusto ko munang magpahinga saglit, sumandal ako sa aking upuan at nagbukas ng aking cellphone.
My social media is full of news about Ryu and Julianna. Marami rin sa mga common friends namin ang nagtag kay Ryu at nagcocongratulate, meron ding mga ibang tao na nagshishare or nagcocomment na pagpapanggap lang daw ang lahat. Halos lahat talaga sa social media ngayon, kahit may gawin ka man o wala, may masasabi pa rin sayo ang mga tao.
Photos of them together are circulating the net too, even yung mga pictures sa graduation party ni Ryu. I can't help but feel sorry for Julianna lalo na kung malalaman pa niya ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya. How could her parents do this to her? Kung sa akin mangyari ito, di ko alam kung ano ang mangyayari. Mababaliw siguro ako.
Nag-angat ako ng tingin nang may nagbukas ng pinto ng aking opisina. Dumungaw si Ryu sa pintuan at ngumiti nang makita ako. Pumasok siya sa loob ng aking opisina at ibinaba ko na ang hawak na cellphone.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (The Navalta Series # 1)
RomanceRyu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities management company in the country, NCFMC - Navalta Construction and Facilities Management Company. Th...