Chapter 9

959 14 0
                                    

Dumaan ang mga araw at sa wakas ay Friday na.

Uuwi ako ng maaga at magliligpit pa ako ng mga gamit na dadalhin para sa pagpunta namin sa The Cove nila Mommy at Daddy kasama ang mga Navaltas.

Sinundo ako ni Manong Berto, our driver, para makauwi sa bahay namin. Hindi na ako dumaan ng condo at dumireto na lang sa bahay. Weekends ako umuuwi ng bahay which is around BGC. Pinilit ko lang sila Mommy at Daddy na kumuha na lang ng place sa Makati since malapit naman ang school ko roon. Hindi sila pumayag noong una but I assured them na magiging okay at makakasama ko naman si Cece. Also, they knew that Ryu and his brothers live around Makati too kaya pumayag din sila kinalaunan.

It was just a short drive from my place to our house actually, pero gusto kong maging independent at matuto sa buhay kaya pinilit kong maghiwalay sa bahay. So far, so good. Mga 15 minutes lang at nasa bahay na ako.

Pumasok ako sa pinto namin at nadatnan si Ate Criselda sa living room at nag-aayos ng kurtinang kapapalit lang niya. "Hi, Ate. I'm home. Andito na ba sila Mommy?" tanong ko kay Ate Criselda.

Ngumiti sa akin si Criselda at binati ako sabay baba sa upuang kinakatayuan niya pagkatapos maayos ang kurtina. "Hi, Maam Ky. Wala pa po sila Madam, mamaya pa daw ho ng 7pm sila makakarating.

Gutom ka na ba? Ano gusto mong kainin at maghahanda na ako."

Parang nakaramdam na nga ako ng gutom at napaisip sa kung ano ang gusto kong kainin. "Hmm, may pang-carbonara ba tayo diyan, Ate? Parang I want one." Sagot kong nakangiti.

"Ay saktong sakto Maam, kakapamili ko lang kanina. Ihahanda ko na po at para makakain na ho kayo." si Criselda. Ngumiti ako at tumango sa kanya at dumiretso sa hagdanan para makaakyat na sa kwarto. "Sure, Ate. Call me if it's ready. I'll be in my room and magliligpit lang ng mga dadalhin ko bukas."

Umakyat ako ng hagdan at dumiretso sa pinto ng aking kwarto. Inilapag ko ang aking shoulder bag sa lamesa ko. Nagtungo muna ako sa banyo ko para makapaglinis ng katawan and to freshen up. It was just a quick shower and nagbihis ako ng terno kong sleepwear na binigay sa akin ni Tita Yllis noon New Year.

Inilabas ko ang Michael Kors kong duffle bag na sakto lang sa laki, tamang tama lang ang size niya pangovernight. Binuksan ko ang aking closet at naghanap ng mga damit na magagamit ko sa The Cove.

I was going through my clothes and came across my black ruffled off shoulder cropped top with a matching highwaisted mini skirt. This should do. I like this one. Hindi ko pa nasusuot ito so I packed it and folded it and put the coordinates in my travel bag organizer.

Nakita ko rin ang white mini dress ko na hanggang tuhod at spaghetti strap na backless, inilabas ko iyon at isinakto sa aking katawan ang dress para matingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. I think ito na lang ang susuotin ko bukas papunta roon.
Itinabi ko iyon sa kama ko para ihanger mamaya.

Naghanap ulit ako ng isa pang masusuot. Kinuha ko ang bohemian mini dress ko na floral, may butones ito sa gitna at backless siya. Since resort naman ang pupuntahan and sa private villa naman kami ng resort magstay, this should do. Although the beach is open for everyone who checks in at The Cove, still may sariling pool ang villa na nirereserve namin.

I folded the bohemian dress and pinasok ko ulit sa travel bag organizer ko kasama ang coordinates na naunan kong iligpit. Next is the sleepwear that I will be using. I will only pack one since overnight lang naman kami roon. I picked my pastel pink silk night gown and kept it sa travel bag organizer ko.

I also packed my undies and other essentails in a separate bag. After ko nag mailigpit yung iba, I opened the drawer kung saan nakatago ang mga swimwear ko. I had go through the drawers and found two bikinis that I like. One bikini that I picked is a light green one, the bottom is highwaisted and a square neck bikini top. The other one is a red tube bikini top and a highwaisted bottom.

Nagpasya akong parehong dalhin ang dalawang bikini. I put everything in my duffle bag and placed it on top of my chair near my table. Then, kinuha ko ang white dress na susuotin ko bukas na nakalagay sa kama ngayon. I took one hanger from my closet and nilagay ko roomn ang dress at isinabit sa hook sa tabi ng pinto ng closet ko.


I then picked up a mini bag from my other closet. I chose my Dionysus leather mini chain bag from Gucci, it's black and my dress will be white so it'll be okay. Isinama ko ito sa hanger kung saan nakahang ang white dress ko. And in case of emergency, I'll be bringing my Saint Laurent Cassandra heels.

I guess I'm all set. Oh, wait, I forgot something. I open my shoe cabinets. Since resort naman ang pupuntahan, I don't want to wear sneakers or closed shoes. Then, I saw my Dior shoebox, nagpasya akong yung Dway Mule na lang ang susuoting ko since it will be comfy. Inilabas ko rin iyon sa box at nilapag sa baba ng dress kong nakahanger. Okay, I'm done sabay palakpak sa sarili ko.

Narinig kong nagriring ang cellphone ko. Si Mommy iyon. "Anak, are you home already?"

"Yes po, Mommy. Nag-eempake po ako for tomorrow's trip. What time are you coming home?" tanong ko. "Iha, you're dad and I won't be able to come home tonight. We are still in a meeting with the client here at Los Baños and won't be able to make it tonight. I called Ryu to pick you up instead tomorrow since he is still there in Makati. We're both with Yllis and Yuri, and they were the one who suggested that Ryu should pick you up para pumunta sa The Cove since Jigs and Rav ay nakauwi na rin sa bahay nila sa Alabang. Ihahatid na lang sila ng driver nila sa The Cove. I am so sorry, iha." Pagpapaliwanag ni Mommy.

Napanganga ang bibig ko sa mga sinabi ni Mommy pero what choice do I have. I don't know how to drive and Ryu is definitely the only way I can go there since siya ang pinakamalapit sa akin dito. "No problem po, Mommy. You take care and see you tomorrow. Bye, Ma." binaba namin pareho ang tawag.

Then another call came in, it's Ryu. I pressed the answer key and said hello. "Hello, Ky, mama called me awhile ago to let you know na I will be the one to pick you up in the morning at sabay na tayong pumunta sa The Cove."

"A-ah oo Ryu. I was just in a call with Mommy. I guess that would be the setup then." Sagot ko kay Ryu. "I'll pick you up at 9AM since it's kind of a long drive. Is it okay?" lambing niyang tanong.

"Sure, no problem. Thank you. See you, tomorrow." I was about to hang up pero nagsalita ulit siya.

"Rest, now. See you tomorrow, baby." And the line went dead. Napanganga ang bibig ko sa sinabi niya at nanatili ang cellphone sa aking tenga nang kumatok si Criselda sa pintuan ng aking kwarto. "Maam Ky, luto na po ang carbonara. Baba na po kayo para makakain na kayo."

Agad kong tinanggal ang cellphone sa tenga ko nang napagtanto kong wala na si Ryu sa kabilang linya.

NIlingon ko si Criselda at ngumiti sa kanya. "Okay po, susunod po ako." At sinara na ulit niya ang pinto. Napailing na lang ako sa pinagsasabi ni Ryu sa akin at inilapag muli ang cellphone sa mesa.

Tumungo ako sa pinto para makalabas at makababa na ng dining area. Pagdating ko sa baba ay nakahanda na ang carbonarang niluto ni Criselda.

Umupo ako sa aking pwesto at kumuha na ng carbonara para mailagay ko sa aking plato.

Nilagyan ako ni Criselda ng iced tea sa baso. Nagpasalamat ako sa kanya at inaya ko na rin siya na sabayan ako ngunit siya raw ay busog pa at ipagpatuloy ko na ang pagkain. Ginawa ko naman at para matapos agad ako.

Nang matapos akong kumain ay inilagay ko sa kitchen sink ang pinagkainan at kinuha ni Criselda iyon para siya na ang maghugas. Naghugas ako ng kamay at nagtungo na muli sa aking kwarto. I double checked my things if everything is there and wala akong makalimutan. All is set.

Nagtungo akong muli sa aking banyo para makapagsipilyo. Kinuha ko ang cellphone sa aking mesa at umupo sa kama ko. NAgbukas ako ng facebook at nag-iiscroll nang makatanggap ako ng friend request.

Si Ryu iyon. Hindi kami facebook friend kaya nagulat ako kung bakit niya ako inadd, inaccept ko naman iyon at nagstalk ng profile niya. Madalang siyang magpost, pero nang buksan ko ang profile picture niya puro naka-heart react ito at puro mga babae ang nagcocomment.

Mga malalandi. Talagang sa facebook pa naghahabol sa lalaki. I rolled my eyes sa mga nagcocomment at nagpasya ng isara ang facebook at matulog. Mabilis akong nadalaw ng antok kaya agad akong nakatulog.

It Was Always You (The Navalta Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon