Tahimik kaming nasa loob ng elevator. Nang lumabas kami ng elevator ay dumiretso kami sa sasakyan niya. Saktong pagbukas niya ng pinto sa driver’s seat at nagring ang kanyang cellphone.
Sinagot niya ang tawag, “Hi, Ianna, I am about to leave the office. I’ll be there soon.” At isinara ang pinto at lumayo habang kausap yung tumawag, which is, based from what I heard was Julianna, his fiance.
Tinitingnan ko siya sa salamain ng kotse at nakatalikod siya. Patuloy na nakikipagusap kay Julianna.
Bahagyang sumikip ang dibdib ko. Kung may lakad pala sila ng fiance niya ay sana hindi na siya nagrepresenta na ihatid ako.
Humalukipkip ako at inalis ang tingin sa repleksyon niya sa salamin ng kotse niya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga na sakto naman sa pagbukas at pagpasok ni Ryu sa sasakyan.
Iniwas kong lingunin siya at humarap sa kabilang side ng sasakyan. “Are you, okay?” ani Ryu.
Nakanguso ako ngunit di ko pa rin siya hinaharap. Mukha ba akong hindi okay? Hello? Okay na okay na okay kaya ako. Hinarap ko siya ng nakangiti, “Of course, come on. Let’s go, mukhang may lakad ka pa eh.”
I saw his lips curved into a smile sa gilid ng aking mata. Hindi na niya ako sinagot at lumabas na kami ng parking lot ng building at tuluyang ng nasa highway pauwi.
Nagising ako sa ingay sa labas. Naupo ako sa kama at nakadama na parang ang nanunuyo ang lalamunan ko. Gusto ko ng tubig. Tatayo na sana ako para makababa agad ngunt pagtingin ko sa gilid ng kama ko kung nasaan ang bedside table ay may isang pitchel ng tubig at baso roon.
Naglagay ako ng tubig sa baso at ininom ko iyon. Patuloy ang tawanan na nariring ko sa baba kaya nagdesisyon akong tumayo nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo.
Hinilot ko ang sentido ko nang narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Lumingon ako at nakita si Ryu na papasok na may dalang tray at bowl.
Dahan dahan siyang pumasok at inilapag sa bedside table ko ang tray. Seryuso ang kanyang mukha at tumayo sa pader sa gilig ng kama at humalukipkip.
Nag-angat ako ng mukha sa kanya at ngunit nakita kong nakakunot ang noo niya. Yumuko na lang ako at nakatitig sa sahig nang marinig ko siyang nagsalita, “Please eat. Come down after you’re done. Our parents are here already and they wanted us to go to the beach for lunch later.” Tumango ako pero nanaitiling nakayuko. Naramdaman kong gumalaw siya para mag-squat sa harap ko at para maharap ako sa kanya. His anger in his eyes is evident. I tried to look away but he cupped my face, “Sorry for last night.” Ani ko.
He smirked, “Sorry for what?”
Last night was a blur, I only remembered na sunod sunod ang paghingi ko ng inumin kasama si Eli. Everything else faded, the heck, I don’t even remember how we got home.
Hindi na ako nakasagot at nanatiling nakatitig kami sa isa’t isa.
He leaned in and whispered to my ear, “Don’t get drunk with another man again.” Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Hinarap niya akong muli at magkalapit ang aming mukha nang biglang bumukas ang pinto.
“Ooops, I didn’t see anything.” Si Jigs at biglang tumalikod sa amin.
Ryu grinned and stood up. He headed for the door, completely ignored his brother at lumingon ulit bago tuluyang lumabas, “Eat.”
Nararamdaman ko na nag-iinit ang aking mukha. Jigs smiled from ear to ear at lumapit sa akin. Umupo siya sa kama ko.
“Masarap ba?” ani Jigs. Tinusok ko siya ng aking mga titig when he continued saying, “Yung dala ni Kuya ang tinutukoy ko kung masarap ba. Ano ba iniisip mo?” tanong niya na abot tenga pa rin ang ngiti.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (The Navalta Series # 1)
RomanceRyu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities management company in the country, NCFMC - Navalta Construction and Facilities Management Company. Th...