Nagising ako mga bandang alas sais na nang hapon. Kinapa ko ang cellphone ko at nakitang may missed calls galling kay Ryu.
Di pa rin tumitigil itong isang ito. Ano naman kaya ito?! I decided to call him back. “What do you want?” tanong ko. “Open the door, I am outside your condo.” Sagot niya at binaba ang tawag.
Napabangon ako sa gulat at dumiretso sa banyo para maghilamos. Why the fuck is he here now? In my house? Di talaga ako titigilan ng taong ito. Napakakulit. Ayoko nga. I heard the doorbell. “Sandali lang naman, kakagising ko lang e.” sabi ko sa sarili.
Agad akong pumunta ng pintuan at binuksan iyon. Pumasok siya ng pintuan kahit hindi ko pa siya inimbitahan sa loob.
Ryu is now wearing a black v-neck tshirt, jeans, and a pair of white shoes. May dala siyang take out food from my favorite restaurant. Nakangiti niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. At doon ko narealize na naka-seamless spaghetti top lang ako at nakashorts. He laughed when he saw my reaction. “What the fuck, you perv!” I said then ran to my room.
Nang nakapasok ako ng kwarto, ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Agad akong nagbihis ng tshirt at nagpalit na mas mahaba-habang short kaysa sa sinusuot ko ngayon. Nang lumabas ako ay nasa kitchen countertop siya at piniprepare ang mga dalang pagkain.
He noticed me coming near him, “Mas gusto ko yung suot mo kanina.” aniya nang nakangising abot tenga.
“Tumahimik ka, manyak!” sagot ko habang hinihila ang high chair at umupo. Nnag nakapwesto na ako sa upuan, kumuha ako ng mozzarella cheese sticks na dala niya. “Why are you here?” tanong ko.
“I wanted to see you in your sleeping clothes” he answered and smirked. Hinampas ko siya ng malakas sa kanyang braso. He burst out a laugh, “Easy, tiger! Let’s eat first, then we will talk.”
Humirit ako ng masamang titig sa kaniya habang inaabutan ako ng plato at drinks. He bought all of my favorites. We ate quietly and took our time. Nang matapos na kami at pinunasan ko na ang bibig ko ng tissue, agad kong sinabi, “Ryu, the answer is still no!”
Niligpit niya ang kinainan namin at dumiretso sa kitchen sink. He did not answer me, sinimulan niya ng maghugas ng pinagkainan namin. I just stared at his back and enjoyed the view of his back. His body is so toned, he has strong arms, sakto lang ang laki ng katawan niya. Kailan pa naging ganito kaganda ang katawan nito? sa isip ko.
Di ko man lang namalayan na tapos na siya sa paghuhugas at nilingon niya ako. “Enjoying huh?” he teased. Inirapan ko lang siya at bumalik siya sa pagkakaupo sa harap ko. “I am just kidding, Ky.” patawa niyang sabi.
“Come on, Ryu. Why are you here now?” inip kong tanong sa kanya. He stared deeply into my eyes and sighed. “Look, Ky, alam kong mainit ang dugo mo sa akin at tinuturing mo akong mortal na kaaway. But, you are the only one who can help me in this situation.” he said and pulled out the box with the ring inside again.
“Ryu, ang dami mong kakilalang babae. Ang dami mong ex, bakit ba pangalan ko ang sinabi mo sa parents ng impaktang babae na yun?!” galit kong sabi.
He laughed when he heard the word impakta from me. “People wouldn’t doubt if it’s you, Ky.”So, ganoon ako kaobvious sa nararamdaman ko sa kanya. Teka, dating nararamdaman ko. Not now.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (The Navalta Series # 1)
RomanceRyu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities management company in the country, NCFMC - Navalta Construction and Facilities Management Company. Th...