Gabi na nang dumating ako sa aking condo. Agad akong naligo para makapagpahina. Sa sobrang pagod, nakatulog ako sa aking kama nang hindi pa nakapagdinner. Nagising na lang ako nang magring ang telepono. Bumangon ako para kunin ang cellphone sa aking bag at para sagutin iyon. "Hello?" paos kong boses.
Nagising ako nang tuluyan nang mabosesan ko ang nasa kabilang linya.
"I am outside. Can you open the door for me?" si Ryu sa malambing na boses. Agad akong tumayo at nagtungo sa pinto ng condo para pagbuksan si Ryu. His eyes are full of worry at nang makita ako ay umaliwalas ang mukha nito at niyakap akong bigla.
Pumasok kami sa loob while he was holding my hand and locked the door. Nakasunod ako sa likod niya habang patungo siya sa living area kung nasaan ang sofa para umupo. He sat on the sofa and pulled me to him. Nagpatianod ako sa kanya dahilan nang pagbagsak ko sa kanyang kandungan.
He snaked his arms on my waist and rest his head on my shoulder. "I miss you." He whispered. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Kanina pa ako tumatawag sayo, I thought you weren't home but the guard downstairs confirmed na nakauwi ka na. I was worried kung anon a nangyari sayo." Hinarap niya ako, punong puno ng pag-aalala ang boses.
Ngumiti ako at umiling, pilit na hindi pinapahalata na naubos ang lakas ko sa araw na ito. "I'm sorry, I fell asleep right after I showered. I guess I was just tired." Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi. "Have you eaten?" malambing na tanong niya at binalik ang ulo sa aking balikat.
Umiling ako. "Uhm, hindi pa." Inangat niyang muli ang ulo niya at ngumuso sa akin. "You better eat, woman." The authority in his voice is evident. Tumawa ako sa mukha niya at tumango. "I'll just order and have the food delivered here. Wala na akong stocks diyan eh. You want something to eat?" tanong ko at kumawala sa pagkakayakap niya para tumungo sa kusina para kunin ang numero ng isang restaurant na palagi kong inoorderan.
Ngumuso siya habang sinusundan ako ng tingin niya. "Anything will do." Sagot niya. Tumango ako at tumawag na sa restaurant para mag order ng pagkain namin.
Hindi pa umabot ng twenty minutes at dumating na ang inorder ko. We both ate together sa dining area ng condo. "I'm sorry I wasn't able to call you today, I was busy. Marami kasi akong naiwan na pending." Pagdadahilan ko sa kanya. He looked at me with hooded eyes but managed to smile after a couple of seconds. "It's okay, naipit din naman ako sa kaliwa't kanan na mga meetings." Sagot nito.
We continued eating at nang matapos kami ay niligpit na naming pareho ang pinagkainan.
Nakatitig ako kay Ryu habang nakaupo siya sa harap ko. How can he be so sure of me samantalang ako ay punong puno nang pagdadalawang isip sa mga nangyayari? I want him, but I want the best for him too. I can't let him choose me kung ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat lahat na para sa kanya.
Tatlong linggo. Yun ang binigay na palugit sa akin ni Mrs. Valencia para makapagdesisyon sa kinabukasan ng kompanya at ni Ryu. It's not that I am scared of Mrs. Valencia, kundi takot akong mawala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko at ng pamilya ni Ryu kung pipiliin ko ang sariling kasiyahan.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (The Navalta Series # 1)
RomanceRyu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities management company in the country, NCFMC - Navalta Construction and Facilities Management Company. Th...