Chapter 29

758 9 1
                                    

I came at the office early that day para masimulan ang mga naiwan kong trabaho last week. Medyo natambakan ako nang mga dokumento at iba pang pending kaya kailangan kong isa isahin iyon. Sinimulan ko ang mga urgent na nakapile sa aking mesa at pinagsunod sunod iyon.

Nabaling lang sa telepono ang atensyon ko nang nagring ito. Tiningnan ko ang caller ID at nakita ang pangalan ni Nisha doon. Agad kong dinampot ang handset ng telepono para masagot ang tawag. "Yes, Nisha. Good morning. W-what? Okay, let her in."

Biglang sumakit ang ulo ko pagkababa ko ng telepono. Bakit siya andito ngayon? Anong kailangan niya? Umayos ako sa pagkakaupo ng bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang isang matangkad na babae. Suot nito ay ang white tube top with a dark brown coat at black skinny jeans. Wearing her white stilettos and a black sling bag with its silver shains on her shoulders, Julianna entered my office.

I don't want her to think na naiintimidate ako sa kanya kaya mas lalo akong tumuwid sa pagkakaupo. "Good morning, Miss Valencia. Have a seat." Seryusong pagbati ko sa kanya na nakatiling nakaupo.

She smiled fakely at me bago umupo sa upuan sa harap ng aking mesa. Nilibot ng mga mata niya ang aking opisina without saying anything. "How may I help you, Miss Valencia?" matigas kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sa akin habang hinawi niya ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga, her dimples showing and her almond eyes bore into mine. "You're too formal to call me Miss Valencia. Come on, we were introduced before when the partnership was made. No need to call me Miss. You can call me Julianna. I'll call you Katherine, okay?" suhestiyon nito.

Nanatiling tuwid ang pagkakaupo ko at marahang tumango sa kanya. "You have a nice office. It's my first time here." Sabi niya habang tinititigan ang mga nakadisplay na picture frames sa shelves ng opisina ko. "Thank you." Tipid kong sagot habang nakatitig sa kanya.

Umayos siya sa pagkakaupo at hinarap ako, nakataas ang isang kilay. "So, I heard you were out of town, with my fiancé?" she asked. Napalunok ako sa sinabi niya at hindi nakasagot. Hindi ko alam bakit walang lumalabas sa bibig ko. "Oh, bakit hindi ka makasagot?" she smirked.

"Pwede ba, Katherine, mag-move on ka na? Ryu and I are engaged. Stop ruining our relationship! Sinisira mo na nga relasyon namin, maninira ka pa ng partnership ng dalawang kompanya." Galit niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumaas ang kilay ko. Kung kanina hindi ko mahanap ang boses ko, ngayon naman ay parang nagwawala na ito sa aking kalooban. "Excuse me, Miss Valencia, why don't you tell your fiancé to stop seeing me instead? Andito ako sa kompanyang ito para magtrabaho. Wala akong oras na makipagtalo sayo lalo na at hindi naman ako ang lapit ng lapit sa tao." Seryuso kong sagot habang nakatitig sa kanya.

Nanggagaliiti sa galit ang pagmumukha niya ngayon. Hindi na siya makitaan ng konting ngiti o kabuhayan sa pagmumukha niya. "Sinungaling! So, pinapalabas mo na si Ryu ang lapit ng lapit sayo? Gumising ka nga sa pag-aambisyon mo. Leave my fiancé alone." Padabog niyang sabi.

I smirked at her, my insides are on fire pero hindi ako bababa sa lebel niya. "Please leave my office, Miss Valencia. Sort it out with your fiancé rather than venting it all out on me. As far as I am concerned, I was dragged by your fiancé to go with him." Kalmado ko pa ring sabi kahit na ang totoo ay naiinis na ako sa mga piangsasabi niya.

It Was Always You (The Navalta Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon