Chapter 18

526 15 2
                                    


"You're crying,"malamig na saad ng pamilyar na boses sa likuran ko kaya agad akong pumihit paharap.

Mapait akong napangiti ng masilayan muli ng malapitan ang gwapo niyang mukha.Grabe,miss na miss na ko na siya.

Napahikbi ako at hindi na napigilan ang sarili na lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.Ramdam kung nanigas ito sa kinatatayuan niya.

"Romeo,bumalik ka na sa'kin oh!Diba mahal mo 'ko?Romeo,hindi ko kayang wala ka sa tabi ko."humihikbing ani ko bago hinigpitan ang yakap sa kanya.

"I don't know you miss,"malamig na aniya.

Pilit niya akong tinutulak pero mas hingpitan ko pa ang pagyayakap ko sa kanya.

"Wag mo naman akong ipagtulakan palayo,Romeo.Ang sakit sakit na eh,para akong pinapatay."umiiyak na paki-usap ko, natigilan siya.

"Diba kakakasal lang natin,at ang sabi mo hindi mo'ko iiwan pero a---"malakas niya akong tinulak kaya napahiwalay ako sa kanya.

Walang emosyon niya akong tinitigan kaya mas napa-iyak ako.

"Wag ka'ng gumawa ng eksena dito miss,dahil may fiance na 'ko,"cold na sambit niya,na nagpabuhos pa ng mga luha ko.

"Pero ako yung mahal mo,"hagulhol kung saad.

Sarkastiko itong tumawa.

"Mahal?E,hindi nga kita kilala."singhal niya kaya napapikit ako."Wag ka'ng gumawa ng kwento dahil hindi ako magmamahal ng kagaya mo," dugtong niya kaya mas nanikip ang dibdib ko sa sakit.Parang hindi na ako makahinga ng maayos.

Nanlalabong tinignan ko siya,kalmado ang mukha niya pero kita mo sa mata niya na galit ito.

"Mahal kita,"mahinang sambit ko.Pumihit si Romeo patalikod at nagsimula ng humakbang.

"Mahal kita,"saad ko muli,nasa may hambana na siya ng pinto.

"Wag ka'ng mag-alala Romeo,Mag-iipon ako ng maraming pera para hindi mo na ako ikahiya pa,"patuloy ko,sandali siyang tumigil at walang emosyong tumingin sa'kin bago tuluyan ng umalis.

Napatakip ako sa mukha ko ng hindi na matigil ang luhang tumulo sa mata ko.

Wag ka'ng mag-alala Romeo, hindi kita titigilan.

"Ika-ila mo man ako ng ilang beses,mamahalin pa rin kita ng higit pa sa buhay ko."umiiyak na bulong ko.

HUMUGOT muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto.Nakita ko si Maam Emmerald na hindi na maipinta ang mukha at katabi niya si Romeo na wala pa ring emosyon ang mukha.

Wala na dito si Mr.De Jesus at si Iden ba'ka umalis.Nalungkot ako dahil wala si Iden.

"HOY,KANINA PA KITA TINATAWAG TONTA!"nagulantang ako sa sigaw ni Maam Emmerald kaya agad akong napayuko.

"Sorry po maam,"hingi ko ng tawad bago inilapag ang tray na may snack at inumin.

"Sinasayang mo lang oras ko,tanga na nga bobo pa."mataray na anito kaya muli akong napayuko.

Ganito ba talaga sila saming mga mahihirap?

"Hoy,boba."sambit ni Miss Emmerald kaya agad akong nag angat ng tingin.

"P..po?Ako po maam?"tarantang tanong ko.

Inis itong umirap.

"Sino pa ba ang boba dito,alangan namang ako?"singhal niya sabay turo sa sarili.

Pwede rin!

Pinigilan ko ang sarili na wag umimik,kalma lang kaya mo yan.

"Sorry po,"

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon