Umiiyak lang ako habang nakalubog sa lupa. Wala akong paki-alam kung magmukha akong tanga, sobrang sakit na kasi ng puso ko. Alam kung pinapalibutan na ako ng taga-amin pero hindi pa rin ako tumayo, alam ko ring awang-awa na sila sa kalagayan ko. Walang kalaban laban at mahina."Juliet.."tinig 'yun ni Aling Marta pero hindi pa rin ako nag-angat ng tingin, nakayuko lang habang umiiyak.
Bumuntong hininga sila."Uwi muna tayo, Juliet. Ha?Para makapagpahinga ka."si Aling Marta pa rin habang pilit akong pinapatayo. Parang wala sa sariling nagpatianod na lang ako sa kanya habang bumubuhos pa rin ang luha sa mga mata ko.
Napatingin ako sa mga tao na naawang nakatingin sa'kin, wala silang mga imik pero alam kung naaawa sila sa kalagayan ko. Napatingin ako kay Boss at Manager na nag-aalala ang mukha, tumingin siya sa bandang tiyan ko at alam ko na ang pinapahiwatig niya kaya bumuntong hininga ako bago pumilit ng tingin at tinignan sila isa isa.
"P..pasensya na kayo sa'yo sa nangyari."mahinang sambit ko, hindi sila umimik, muli akong humugot ng hininga bago muling nagsalita."S..Sorry kung dahil sa'kin, nasira ang fiestang matagal niyo ring hinintay."
Agad silang umalima sa sinabi ko."Hindi naman ikaw ang sumira Juliet, kundi 'yung mga impaktang yun, yung matandang hukluban."gigil na sigaw ni Bakla.
Tumango naman sila."Oo nga, wag mo'ng sisihin ang sarili mo dahil wala ka'ng kasalanan."sigaw naman nila.
"Sayang jud kay wa mi kasukol ganina, naa man goy mga pusil."singit naman ni Mang Siling.
"Mubalik pa d.i sila diri bantay laman jud.."
Pagod akong ngumiti."Wag niyo na'ng alalahanin 'yun. Hindi na 'yun babalik dahil nakuha na nila ang gusto nila."si Romeo.
Malungkot silang tumungo kaya nahawa na rin ako sa kanila. Nanunubig na naman ang mata ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin pero nabalik rin ng masuyong hinawakan ni Aling Marta ang braso ko.
"Tara na Juliet, Magpahinga ka na muna."aniya kaya tumango na lamang ako. Kamusta na kaya si Romeo?Ayos lang ba siya?Ginamot na ba ang sugat niya?
HINDI ko alam kung ilang oras akong natulog basta ang alam ko lang ay naalimpungatan ako habang hinahanap si Romeo at natagpuan ko na lang ang sarili kung umiiyak ng hindi ko siya nakita.
Dahan dahan akong nagtungo sa closet at umiiyak na binuksan 'yun. Sumalubong sa'kin ang natural na amoy ni Romeo na nanggagaling sa mga damit niya. Napapikit ako habang masaganang dumadaloy ang mga luha ko. Kinuha ko 'yung isang damit ni Romeo at niyakap 'yun.
"Bakit ba sa tuwing masaya tayo palaging may hindi magandang mangyayari?"umiiyak na tanong ko habang napa-upo sa sahig."Bakit ba nangyayari to satin, Romeo?Nagmamahalan lang naman tayo, masama ba 'yun?"
Pinunasan ko ang luha kung hindi na matigil tigil sa pagtulo. Sana dumating 'yung araw na malaya naming mahalin 'yung isa't isa,'yung walang hahadlang. Kapag siguro darating ang araw na 'yun, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo.
AS we reached the mansion, my anger immediately burst. I punched all those bastard who beat be up lately. I don't care if I'm wounded, all I am thinking now is to get my fucking revenge.
"YOU FUCKING ASSHOLES, HOW DARE YOU DO THAT TO YOUR BOSS HUH?"I grab his collar and punch his face endlessly. The same to the others, I'm now livid, I feel like I'm near killing a people.
"AAAHHHHH.." I shouted at the top of my lungs because of frustration, pain, anger and betrayal.
Mabilis kung inagaw ang baril nung isang bodyguard at itinutok 'yun sa kanila, namutla naman silang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomanceAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...