Chapter 32

502 22 2
                                    


"Romeo ba'ka hanapin ka sa loob.."nababahalang sambit ko ng hilain ako palabas ni Romeo.

Saglit niya akong nilingon at ngumiti."Wag mo ng problemahin 'yun."aniya bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya at inalalayan akong pumasok.Tumitig siya sa'kin."Hayaan mo silang mamroblema.."ngisi niya na ikinasimangot ko.

"Romeo,pasaway.."sumbat ko.

Napangisi siya at inilapit ang mukha sa mukha ko."Hmm.Pasaway?So,anong ipaparusa mo sa pasaway na 'to."pilyong aniya habang nakatingin sa labi ko.

Napalunok naman nang hard ang lola niyo."Kailangan kang turuan ng leksyon.."saad ko.

Ngumisi siya."Anong leksyon 'to?"

Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan sa labi."Happy Birthday, My Romeo.."masuyong bati ko kita kung sandali siyang natulala pero nabalik rin siya sa ulirat.

Tumikhim siya sabay nag-iwas nang tingin."Alis na tayo.."aniya sabay sarado ng pinto ng kotse at umikot na papuntang driver seat.Palihim akong napangiti dahil kita ko ang pamumula ng pisngi niya,ang cute lang.

"What's with that pretty smile of yours?"tanong niya ng makapasok.

"Ha?"ulit ko,dahil english pre..

Bumaling siya sa'kin at tinignan ako ng matiim."Puro ka na lang ha.Kung halikan kaya kita?Tignan natin kung maka-ha ka pa.."ngising banta niya.

At ako naman ngayon ang pinamulahan ng pisngi."Subukan mo lang.."bulong ko,ngunit mukhang narinig niya dahil hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya.

Napalunok ako at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko.Sobrang lapit na ng mukha namin kaya sobrang pagpipigil ko ng hininga,hindi ako makagalaw at parang naestatuwa lang katawan ko.

Mas inilapit pa niya ang mukha niya kaya napapikit ako.

"Hindi ko talaga susubukan..Dahil gagawin ko.."bulong niya.Ibubuka ko sana ang mata ko ng marinig ang sinabi niya ngunit napapikit uli ako ng halikan niya ako ng mariin.Nakakapanglambot ang halik niya, 'yung tipong unti unti kang nilulunod sa sarap.

Mas inilapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko at mas pinailaliman pa ang halik.Ikinawit ko ang dalawang braso ko sa liig niya at tumugon na rin.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghahalikan dahil ang alam ko lang ay kapwa na kami ngayo'y nagkatitigan habang habol ang mga hininga namin.

Ngumiti siya."Tara na ba'ka makita pa tayo nina mama dito."suhestyon niya kaya tumango ako.Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko dahil parang bigla akong nawalan ng lakas dahil sa alam niyo na.

Habang nasa byahe kami ay hawak hawak niya ang kamay ko.Nakangiti siya habang nagmamaneho kaya napapangiti rin ako.Sana palaging ganito.

Nilingon niya ako kaya agad akong nag-iwas ng tingin at napakagat labi..

Rinig ko ang malamyos niyang tawa bago hinalikan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya."Ikaw ang buhay ko."bulong niya habang itinuon ang paningin sa harap.

Natulala ako.Ano raw?Tama ba 'yung narinig ko o guni-guni ko lang 'yun?Hindi ako mapakali dahil gusto kung sumigaw sa sobrang saya kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana at dun na lang ibinuhos ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.

Pasimple akong humugot ng hininga dahil parang naninikip ang dibdib ko dahil kanina pa naghuhuramentado ang kinikilig kung puso.

Hindi ko alam kung san kami pupunta pero wala akong paki-alam basta lang kasama ko siya.

Bzztt..Bzztt..

Napatingin ako sa telepono kung nasa aking hita .Tinignan ko yun.

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon