Chapter 3

902 20 4
                                    


Pumasok ako sa loob at nakita ko ang ASAWA ko charr.Na nakahiga dun.Tulog pa ito.

Humakbang ako papunta dito ngunit natigilan ako ng masilayan ko ang mukha nito'ng kumikinang sa kagwapuhan.Hindi ako makagalaw at nakatitig lang sa mukha niya.Kahit may pasa ang mukha niya ay kumikinang pa rin ang kagwapuhan niya.

Lord!Thank you sa blessing.

Lumapit ako dito sa'ka umupo sa gilid ng higaan at tinitigan pa ng husto ang mukha niya.Shemms!nakakakilig.Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya parang anghel na nahulog galing sa kalangitan.

"Ang gwapo mo talaga,hubby."kinikilig na sambit ko.

Charr,hubby?Haha

Napangisi ako.Tinupad nga ng panginoon ang panalangin ko.

Kyahh!Ang gwapo ng asawa ko.

Nawala ang ngisi ko sa naisip ko.

Pano kung magising ito?Naku lagot na.Pinaglandakan ko pa naman sa lahat na asawa ko siya.

Naku!patay ako nito.

"Sino ka?"

Mabilis akong napatingin sa gilid ko kung saan nanggaling ang baritonong boses.

Gising na pala siya?

Naku,lagot ka Julietta.

Biglang kumabog ang dibdib ko at pinagpawisan na rin ako ng malamig.Napalunok pa ako ng hard.

"Sino ka?"tanong uli niya sa isang malamig na boses.

Sinokas iro!Joke

Alinlangang tumingin ako sa kanya.Walang emosyon ang mukha nito.

"Ahm..A..ako?"turo ko pa sa sarili ko.

Tumango ito.

Naku!patay na!.Anong sasabihin ko?

"Ahmm.."

Ecckkkkk....

Mabilis na nabaling ang tingin ko sa bumukas na pinto.Pumasok dun ang isang babaeng nurse na halos lumuwa na ang dibdib.May dala itong gamot sa'ka pagkain.

Giatay!

Ito yung nurse kanina ah!

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan lang ako ng bruha.

Naglagot na ko ha!

Lumapit siya samin sa'ka dahan dahang inilapag ang gamot sa mesa na nasa gilid ng lalaking to.Yumuko pa ito para maipakita ang malaki nitong dibdib.

Nakuyom ko ang kamao ko.

Pesti jud!

Napatingin ako sa dibdib ko.Wala pang kalahati keysa sa dibdib ng bruha.

"Time for medicine,Mr.Pogi."malanding banggit nito at kinagat pa ang pang-ibabang labi kaya napa-irap ako.

Ang landi!

Padabog akong tumayo sa'ka sinamaan ng tingin ang bruha.Pero nginisihan lang niya ako.

Naku!Sarap pakyuhan.

"Sa labas lang ako."sambit ko at nagsimula ng maglakad.

"Dito ka lang,Asawa ko."

Napatigil ako sa paghakbang ng maulinagan ko ang baritonong boses niya.

Asawa ko?

Kinagat ko ng hard ang labi ko para mapigilang hindi mapangiti pero wala na kinilig na ako ng hard.

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon