Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.Grabe,ganito pala kalaki ang maynila.Ang daming tao at ang daming sasakyan hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa mga naglalakihamg mga building.Grabe,kaya pala gustong pumunta ng mga taga amin dito kasi ang ganda.
"Tsk.Probinsyana siguro kaya mukhang ignorante."rinig kung sambit ng nasa may gilid ko kaya nabaling ang tingin ko dun.Naghagikhihan sila bago umalis.
Kumuno't naman ang noo ko.
Eh,ano naman kung taga probinsya?Makalait tong mga to.Ganda ka te?
Nagsimula na akong maglakad.Grabe ang init dito.Nauuhaw ako bigla.San ba may bilihan ng ice water dito?
Naglakad ako habang manghang mangha na nagtitingin sa matatayog na building.Wow,ang ganda talaga.
Tumingin uli ako sa daan at nagtaka ako ng makita ang mga tao na natatawang nakatingin sa'kin.Bakit?May dumi ba 'ko sa mukha?
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang pag-iikot ko sa lugar.May nakita akong maliit na karenderya kaya lumiwanag ang mukha ko.Hay,sa wakas makakainom na rin ako.
Nakangiting nagtungo ako 'ron.Marami rami na rin ang mga tao dahil oras na kasi ng tanghalian.Pumasok ako sa loob at lumapit 'don sa may tindera.
"Ate,pabili nga po ng tubig yung mabugnaw."malakas na pagkakasabi ko,maingay kasi sa loob ba'ka hindi niya marinig.
Natigilan ang tindera at biglang tumahimik ang buong paligid.Nagtaka ako.Bakit kaya?Ngunit mas nagulat ako ng magsitawanan silang lahat kaya mas lalo akong nagtaka.
"HAHAHAHA,mabugnaw raw?HAHAHAHA"rinig kung tawa nung mukhang driver.
"HAHAHA MGA TAGA PROBINSYA NGA NAMAN HAHAHA"
"HAHAHA MGA IGNORANTE HAHAHA"
"HAHAHA OH,ETO NA ANG TUBIG MO'NG MABUGNAW AHAAHAHA"tawang tawa na saad ng babaeng tindera sabag abot ng mineral water kaya mas lalong naghalakhakan ang mga tao.
Grabe naman sila.Hindi ko maiwasang hindi mahiya.Masayop ra ganig gamay grabe na kaayo makasaway.
Limbarok!
Nahihiyang inabot ko ang bayad at dali daling kinuha ang tubig at nagmamadaling umalis kahit nakalayo layo na ako ay rinig ko pa rin ang halakhakan nila.Mabulunan sana kayo.
Inis na umupo ako sa may bench.Bago masamang tinignan ang mineral water.
"Kasalan mo kung bakit ako napahiya."inis na sambit ko.
"Ate..Ate..Pahingi po barya."nabigla ako ng may kumulbit sa'kin kaya inis na bumaling ako sa gilid ko.Nakita ko ang isang batang lansangan na lahad lahad ang kanang kamay.
Ibinigay ko sa kanya ang binili kung tubig at padabog na tumayo.
"Ate barya po ang hinihingi ko hindi po tubig."reklamo nito kaya hinarap ko siya.
"Pasalamat gani ka gitagaan ka nahu."inis na tugon ko, kumuno't naman ang noo nito.
"Ano po?"
Umiling ako.
"Wala."buntong hininga kung sagot bago dumukot ng bente pesos sa bulsa ko at binigay sa bata."Oh,"aniko sabay abot sa pera.
Lumiwanag ang mukha nito at agad na kinuha ang pera.
"Maraming Salamat po ate."masayang saad nito.
Tumango lang ako bago kinuha ang maleta ko at tumalikod na.
"San na naman ako nito?"bulong ko.Luminga linga ako sa paligid, ang ganda talaga dito.Mainit nga lang.
Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulo ito.Hayst,gutom na'ku.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomanceAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...