Nakatulala pa rin ako habang naglilinis.Grabe,hindi pa rin ako makamove sa nangyari kanina..Huminga muna ako ng malalim bago iniyugyog ang ulo ko..
"Hoy..Julietta..Umayos ka nga...Nahalikan ka lang,daig mo pa ang asong naulol.."saway ko sa sarili ko..
Pumikit muna ako ng mariin bago huminga ng malalim..
Mabilis kung tinapos ang paglilinis sa mini kitchen..Nang matapos na ito ay agad akong nagtungo sa opisina ni Mr.De Jesus.
Huminga muna ako ng pagkalalim lalim bago binuksan ang pinto..
Nakita ko si Romeo na may binabasa na papeles,at sobrang seryoso pa ng mukha..
Grabe,ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tingnan..
Naramdaman niya siguro ang presinsya ko kaya nag-angat siya tingin..Hindi man lang siya nagulat ng makita ako..Pero bat naman siya magugulat..
Hello,ako lang 'to..
"What?"sigaw niya..
Wala sa sariling itinaas ko ang dala kung walis at dustpan..
"Maglilinis ako.."sambit ko.
"Edi,maglinis ka.."asik niya.."Alangan namang malilinis ang opisinang 'to ng tititigan lang.."pilosopong aniya kaya napa-irap ako.
Ang sungit talaga!
Ibinalik na niya ang tingin sa ginagawa niya..Kita ko pa kung pano kumuno't ang noo niya habang nagbabasa..
Bumuntong hininga na lang ako sa'ka napa-iling..
Nagsimula na akong maglinis..Winalis ko muna ang mga kalat bago kinuha ang mop..
Minop ko talaga ng todo ang sahig para naman mamangha si Romeo..
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko..Grabe,napagod ako ah,
"Oh,"nagulat ako ng nasa harapan ko na si Romeo na seryoso pa rin ang mukha..
May inilahad siyang itim na panyo kaya natigilan ako..
Napatitig ako sa panyo na lahad lahad niya..
Napangiti ako at agad na kinuha yun..
"Salamat,"nakangiting sambit ko habang ginamit ang bigay niyang panyo pamunas ng pawis sa noo ko.
"Hindi yan pamunas ng pawis,"seryosong aniya na ikinatigil ko.Kuno't noong tumingin ako sa kanya..
"Huh?E,para san to?"takang tanong ko sabay taas ng panyo..
Ngumisi siya.
"Pamunas yan ng mesa.."nakangising aniya bago tumalikod...
Napatigalgal naman ako..Ano pamunas ng mesa?Punyeta,
Uminit naman ang ulo ko..Akala ko para sakin yun,pinamunas ko pa sa noo ko pero para sa litseng mesa lang pala yun..
Akmang itatapon ko yun pero hindi ko natuloy ng bigla siyang nagsalita..
"Joke lang yun,"natatawang aniya..
"Ano?"
"Sabi ko para sa'yo talaga yan,"
"E,pano ako makakasiguro..Ba'ka pamunas talaga t---"
"Amoyin mo,"
Para naman akong tanga na sumunod..Inilapit ko ang panyo sa ilong ko..
Hmm,ang bango ah,
"Ano,hindi ka pa naniniwala?"
Bigla namang nawala ang init ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomanceAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...