Chapter 2

1.2K 22 3
                                    


Toktogaok!Toktogaok!

Nagising ako sa ingay ni beast. Napatingin ako sa mala-ginto kung bintana.

"Kadlawn pa man d.i."bulong ko bago nag-unat at umalis na ng kama bago lumapit sa may bintana upang panoorin na lang ang bilog na buwan.

Ang ganda!

Napagdesisyunan ko na lamang na magsaing total gising na rin lang naman ako.

Malapit ng magbukang liwayway kaya pagkatapos kung magsaing ay dumeretso na ako sa paboritong tambayan ko ang bundok.

Araw-araw pumupunta ako dito para mapanood ang sunrise at kapag hapon naman ay inaabangan ko ang sunset.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig.

"Hayst!tugnawa uy, wa man d.i ko kadag jacket."giniginaw na banggit ko habang yakap yakap ang aking sarili.

Sana may yumakap sa'kin. Haha pero charot lang.

"Arrfff!Arrfff."mabilis akong lumingon sa likuran ko at nakita ko si snow na may kagat kagat na jacket na ikinasilay ng munting ngiti sa aking labi.

"Halika snow!"tawag ko dito. Lumapit naman ito kaya kinuha ko ang jacket na dala niya at sinuot iyon sa akin.

Kinuha ko si snow at pinaupo sa gilid ko sa'ka hinimas ang ulo niya.

"Salamat snow."nakangiting sambit ko. Dinilaan naman nito ang kamay ko.

"Arrrfff!Arrfff."sagot niya kaya mas napangiti ako.

Para na akong baliw!

But why care. Oh ha! English yun wag kayong ano.

Mas napangiti pa ako ng magsimula ng magbukang liwayway.

"Wow."tanging naisambit ko dahil sa sobrang pagkamangha.

Ganddaaa!

Pagkatapos kung panoorin ang sunrise ay tumayo na ako.

"Snow!Gukura ko hahaha."sambit ko sa'ka mabilis na tumakbo.

"Arrrffff!Arrrffff."rinig kung tahol ni snow kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko.

"Hahahahaha."tawa ako ng tawa dahil hindi ako nahabol ni snow kaya pagkadating ko sa palasyo ko ay napahawak ako sa dalawang tuhod ko dahil hinihingal ako sa sobrang pagod.

"Ha!Ha!Ha!Ha."hingal ko.

"Arfffff!Arrrffff."tahol ni snow kaya hinihingal na lumapit ako dito at tinukod ang isang tuhod ko at nakangiting hinimas ang ulo niya.

"Matanda ka na nga snow, hindi mo na ako nahahabol hahaha."pang-aasar ko kaya dinilaan niya ang kamay ko.

"Meow..Meow."napabaling ako sa kanan ko at nakita ko si Cinder na naglakad sa gawi namin kaya napangiti ako sa'ka kinuha siya.

"Gising ka na pala Cinder. Sayang at hindi ka nakauban sa amin ganiha."sambit ko habang hinihimas ang ulo nito.

"Oink...Oinnkkk."

Napasapo ako sa noo ko dahil wala na palang kakainin si Beauty. Hindi pa ako makakautang kay Aling marta dahil hindi pa ako nakakapagbayad.

Ibinaba ko muna si Cinder sa'ka bumaba na ma-ginto kung hagdanan.

Nakita ko si Beauty na nag-aalburoto na sa gutom.

Napabuntong hininga ako.

"Sandali lang beauty ha!Kukuha lang ako ng kangkong para may makain ka."saad ko bago kumuha ng sako para lagayan ng kangkong.

Sumama naman si Snow sa akin kaya hindi ako masyadong natakot.

Ang tahimik naman. Makakanta na nga lang!

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon