Pabagsak na umupo ako sa mala-ginto kung hagdanan.Maghapon kung hinanap si Romeo pero hindi ko pa rin siya makita.Hindi naman siguro niya ako iniwan.Wala naman akong ginawang masama diba?Naku, ba'ka nagalit siya dahil hinalikan ko siya kanina.Giahak na.
Bigla akong napatakip sa teynga ko ng biglang kumulog.Napatingin ako sa kalangitan.Hala,ba't makulimlim na?
Kumulog na naman kaya napatakbo ako sa loob ng aking palasyo.
Tuggsshhh!!!
Naku,mukhang uulan yata.Kumabog ang dibdib ko ng biglang umihip ang malakas na hangin.
Dali-dali akong lumabas para ilikas ang aking mga alipin.Kumulog na naman kaya natakot na ako.Nasan ka na ba Romeo?
Nanginginig na ako sa takot.Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng malakas na hangin kaya dali-daling pumasok ako sa loob at nagtaklob ng kumot.
Napasigaw ako ng biglang kumulog ng malakas.Ano ba'ng nagyayari?May bagyo ba?
Nanlaki ang mata ko bigla namang lumukob ang kaba sa dibdib ko.
Rinig na rinig ko ang malakas na buhos ng ulan at ang malakas na hangin.
Naipikit ko nalang ang mga mata ko ng maalala na naman ang nangyari noon.
"Mama."umiiyak na sambit ko.
Napahagulhol ako ng sumagi sa isip ko ang nangyari kina mama at papa.
"Marites,yung bahay natin"
"Edgar,hayaan mo na yan lumikas na tayo"
"Hindi,kailangan kung balikan yun.Mauna na lang kayo.Susunod ako."
"Sasamahan kita Edgar."
"Makinig ka Mahal,Mauna na kayo ni juliet sa evacuation center.Pangako susunod ako.Itatali ko lang ang bahay natin."
"Babalikan Kita Edgar."
"Marta,Ikaw munang bahala kay Julietta at babalikan ko pa ang asawa ko"
"Pero marites,delikado na.Ang lakas na ng hanging at ulan."
"Basta,kailangan kung balikan si Edgar.Ingatan mo si Julietta ha"
"Mama,dito ka Lang"
"Anak,mahal na Mahal Kita.Babalikan ko lang si papa at pangako susunod kami rito"
"Mama."
"Marta,Mauna na ako."
"Mama,papa"hagulhol ko.Parang sariwa pa sa isipan ko ang nangyari.
Nanginginig na ako sa takot.Ako na lang mag-isa.Wala na akong kasama.
"Julietta."
"Aling Marta,nasan na po sila mama at papa?"
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomanceAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...