Chapter 27

500 13 3
                                    


Malakas akong bumuntong hininga bago marahas na pinunasan ang luha ko.Nagpasyahan kung pumasok na lang sa loob para makaligo na.Nasa hambana na ako ng pinto ng bigla itong bumukas kaya bahagya akong nagulat.

"Mabuti naman at umuwi ka na."seryosong wika ni Iden.

Huminga ako ng malalim bago tinignan siya.

"Mamaya na lang tayo mag-usap.."saad ko sa pagod na boses..Papasok na sana ako ng iniharang niya ang katawan niya sa daanan..

"Kasama mo ba ang gagong yun?"tanong ni Iden..Hindi ako umimik dahil parang naiiyak na naman ako,yumuko na lang ako para maitago yun..

Rinig ko ang mararahas na hininga ni Iden..

"Kasama mo ba ang gag--"

"OO,KASAMA KO SIYA PERO BA'T SIYA PA RIN ANG BINALIKAN NIYA?"umiiyak na bulyaw ko kay Iden na halatang nagulat sa sinabi ko..

Binangga ko ang braso niya at patakbong pumunta sa silid ko..Dumapa ako sa kama at dun binuhos ang iyak ko..

Mas napa-iyak pa ako habang pinipisil ang kama ko..Hindi to sing lambot gaya kay Romeo..

Ngumuso ako bago pinunasan ang luha ko..

Nabaling ang tingin 'ko sa pinto ng may malalakas ma katok mula 'ron.

"Juliet,mag-usap tayo.."sigaw ni Iden pero hindi ako sumagot..

Panay pa rin ang katok niya pero hindi pa rin ako sumagot..Hindi naman sa galit ako kay Iden..Galit ako sa sarili ko dahil nag-assume ako.Talagang pupuntahan ni Romeo yung malditang Emmerald na 'yun..Fiance niya kaya 'yun..Pero ako ang legal na asawa..

Ibinaon ko na lang ang ulo ko sa unan..

"Juliet?"tawag ni Iden pero hindi ako sumagot dahil ng-eemote pa 'ko.

Ba't ba ang paasa mo Romeo?

"AHHHHH,"sigaw ko sa inis habang ginugulo ang buhok ko..

"Juluet,ayos ka lang ba?Ano bang nangyayari sa'yo?Hoy,nagbibiro lang naman ako kanina..Buksan mo nga 'tong pinto.."sunod sunod tanong ni Iden habang kumatok ng malakas..

Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa banyo upang maligo..May pasok pa pala kaya binilisan ko ang pagligo.

Naku,hindi pa pala ako nakapaglaba..Anong susuotin ko?

Kinalkal ko ang maleta 'ko at naghanap ng masusuot.Nalukot ang mukha ko ng puro pambahay ito..Ano ba yan..

Natigilan ako ng makita ang isang white dress na hanggang tuhod lang..Ito yung nabili ko sa ukay-ukayan..Pwede na kaya to?

Huminga muna ako ng malalim bago isinuot yun..Napatingin ako sa salamin..Ang ganda nito,simple lang pero maganda..Hapit na hapit ang katawan ko.

Napangiti ako bago isinuklay ang di kahabaan kung buhok..Nagpulbos rin ako ng konting lipshiner..Ayoko ng lipstick dahil hindi ako komportable.

Nagpabango na rin ako bago nagpasyahang lumabas.Napatingin ako sa may sofa at nakita ko si Iden na parang ang lalim ng iniisip at problemado.

Tumikhim ako dahilan para mapalingon sa gawi ko..Bigla namang umawang ang labi niya habang nakatingin sa damit ko.

"Hoy,okay ka lang ba?"inosenting tanong ko..

Nag-iwas siya ng tingin..

"Oo,naman..May lakad ka ba?"tumayo siya at naglakad papunta sa gawi ko.

"Diba may trabaho tayo?"takang tanong ko.

"E,bat ganyan ang suot mo?"balik tanong niya.."Kanina lang para kang inagawan ng milktea tapos ngayon parang walang nangyari.."

Ang Probinsyanang si JuliettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon