Dumaan muna kami sa botika upang bumili ng gamot pero natagalan kami ron dahil may mga higad na humarang samin at nagpapapicture pa sa asawa ko.Mga baga'g nawng.
Kinuha pa akong photographer.Kaya ayun katawan lang nila ang pinicturan ko.Haha
Huminto na ang sinasakyan naming tricycle kaya bumaba na kami.Nagbayad na ako sa mamang.
Kinawit ko ang braso ko sa braso niya kaya napatingin siya sa'kin.
"Basig mailog ka's lain."sambit ko.
"What?"
"Wala,tara na."sagot ko at hinatak na siya.
Lahat ng nagbabaraha,nagwawalis,nagtatawanan,nag-iinuman,nagchichismisan ay biglang nagsitamihik at nakatingin sila sa'min.
Unsay naa?
"Tara na."saad ko bago muling hinatak siya.Hindi pa kami nakakahakbang ng bigla kaming dumugin ng mga kababaihan at kabaklaan dito sa baryo namin.
"Diyosko,pagkagwapo ba uy."
"Naku,parang anghel."
"Parang foreigner."
"Ang tangos ng ilong."
"Ang puti."
"Ang tangkad."
"Ang macho."
"Ang yummy."
"Ang hot."
"Mayaman."
"Magpapapicture ako."
Ang dami kung narinig na papuri sa asawa ko.Kaya hindi ko maiwasang hindi mainis.
Hello!Nandito pa ako.
"Pogi anong pangalan mo?"tanong ni bakla.
Tumingin naman ang asawa ko sa'kin nanghihingi ng tulong kaya malakas akong tumikhim dahilan para magsitahimik sila.
"Pinakikilala ko sa inyong lahat ang asawa ko."saad ko kaya mabilis na umingay ang paligid at puro pagtututol ang sinasabi nila.
Aba aba..
"Ilusyunada ka talaga Juliet,wala nga'ng nanliligaw sa'yo tapos sasabihin mo'ng may asawa ka na."sigaw ni bakla.Rinig kung nagpigil tawa ang lalaking to kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh ba't hindi siya ang tanungin mo para makasiguro ka."inis na asik ko.
Kaya pabebe naman itong tumingin sa asawa ko.
"Hindi naman totoo ang pinagsasabi ni Juliet diba Pogi?"pabebeng tanong niya.
At ang damuhong umaakto pa'ng nag-iisip.
Aba aba..
Nginisihan ako ni bakla.
"Hindi nga makasagot si pogi kay----""Asawa ko siya at mahal na mahal ko pa."putol ng asawa ko sa sasabihin ni bakla.
Napangisi ako.Ano kayo ngayon?
Tumahimik sila.
Tumikhim ako.
"Si Romeo nga pala,asawa ko."pagpapakilala ko.
Tumaas naman ang kilay ni bakla.
"Romeo?Tapos ikaw Juliet?Ano to nobela?"mataray na tanong ni bakla kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang si Julietta
RomansaAng tanging hiling lang naman ni Julietta ay makaahon sa kahirapan.Dahil ulila na siyang lubos at walang pamilya.Nakatira sa maliit na kubo at tanging alipin at musika lang ang kasama.Hiling niya sa panginoon na sana ay may biyayang mahulog galing s...